KASABIHAN
"Ang mga pangarap ay ang magbibigay ng direksyon sa buhay para maging matagumpay at mayaman."
KAHULUGAN
PANGARAP
Kagustuhan: buhay na nais makamit, bagay na nais magkaroon o nais gawin para mamuhay ng maayos at mas masaya.
KARUNUNGAN
Ang Pangarap
Napakahalaga na magkaroon ng pangarap ang lahat ng tao. Pangarap kong maging Milyonaryo, at pangarap ko ring tulungang maging Milyonaryo ang lahat ng Pilipino. Sa pangalawang hakbang ay ipapaliwanag ko kung ano ang magandang pangarapin para ito ay magkatotoo. Ang hakbang na ito ay base sa librong "Think and Grow Rich" ni Napoleon Hill (1937) na nakipanayam sa 25,000 tao sa loob ng 25 taon para malaman ang kung paano nila natupad ang kanilang mga pangarap.
Eksaktong Pangarap
Lahat ng tao ay nangangarap na yumaman, pero hindi lahat ay alam kung magkano ang yaman na hinahangad nila. Kaya hindi dumarating ang nais na pagyaman dahil hindi ito eksakto. Sa pamamagitan ng hakbang na ito ay nalaman ko kung paano gagawing eksakto ang pangarap ko para ito ay magkatotoo. May walong paraan para gawing eksakto ang pangarap.
1. Magkano ang halagang nais kong makamit?
2. Kailan ko ito nais dumating?
3. Ano ang gagawin ko para makamit ang halaga?
4. Ano ang mga plano kong maging para makamit ang nais na halaga?
5. Isulat sa papel ang ginawang plano.
6. Pirmahan ang ginawang plano.
7. Bigkasin ang ginawang plano pagkagising sa umaga.
8. Bigkasin ang ginawang plano bago matulog sa gabi.
Magkano ang Halagang Pangarap?
Anuman ang halagang pinangarap ko ay magkakatotoo kung ito ay nasa isipan at puso.
Kailan Darating ang Pangarap na Halaga?
Mahalaga na alam ko kung kailan o anong petsa darating ang halagang pinapangarap para magkatotoo.
Ano ang Gagawin para Makamit ang Pangarap?
Importanteng alamin kung ano ang kailangan kong gawin para magkaroon ng halagang nais na makamit.
Ano ang mga Planong Maging para Makamit ang Pangarap?
Inalam ko kung ano ang gusto kong maging para magkaroon ng halagang nais makamit.
Isulat ang Eksaktong Halaga, Eksaktong Petsa, Gagawin, at Planong Maging para Makamit ang Pangarap na Halaga sa Isang Malinis na Papel at Pirmahan ito
Sinulat ko sa papel ang nais na halaga, petsa kung kelan darating, anong gagawin para magkaroon ng nais na halaga, at ano ang gusto kong maging. Noong handa na akong matanggap ang eksaktong pangarap at handa na rin akong gawin ang mga isinulat na plano, pinirmahan ko ito bilang tanda ng aking dedikasyon at pangako sa sarili.
BINABASA MO ANG
Paano Maging Milyonaryo?
No FicciónAng walong madadaling hakbang para maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na milyonaryo.