KASABIHAN
"Ang negosyo ay paggawa ng malikhaing produkto o serbisyo gamit ang angking talento."
KAHULUGAN
NEGOSYO
Negosyante: kumpanya o tao na gumagawa ng panibagong produkto o nagbibigay ng serbisyo para makatulong.
KARUNUNGAN
Ang Negosyo
Ang pagiging malikhain sa negosyo ang nagbibigay ng tagumpay at yaman sa taong nakagawa nito. Ang bawat tao ay may sariling angking talento na kapag nagamit nang maganda ay magbibigay ng tagumpay at yaman. Sa malikhaing produkto o serbisyo ay mapapadali ang gawain na nakasanayan ng ginagawa at magbibigay saya sa taong nakagamit ng malikhaing pamamaraan gamit ang angking talento.
Magsimula ng Maliit na Negosyo
Maraming tao sa Pilipinas ang nagsimula ng maliit hanggang sa maging maunlad na negosyante ngayon. Ang lahat ng negosyo ay nagsisimula sa maliit at kapag ginawa ko ito ng mahabang panahon, mamalayan ko na lang na sobrang laki na pala nito. Ang pagnenegosyo ang magiging daan para makamtan ko ang tagumpay at yaman sa mundo. Kung iisipin: mula sa isang pares na sapatos ay naging SM Malls ang pag-aari ni Henry Sy; mula sa isang libro ay naging National Book Store naman ang pag-aari ni Socorro Ramos; mula sa isang inihaw na manok ay naging Mang Inasal na ang pag-aari ni Edgar Sia at mula sa isang maliit na bibliya ay naitatag ni Bo Sanchez ang The Feast. Lahat ng tagumpay at yaman ay nagsisimula sa isa.
Ang Kwento ng Piso
Ang piso ay napakahalaga sa buhay ng tao kung ito ay bibigyang-halaga. Ang piso ay maaaring maging mahigit na 100 milyong piso sa loob lang ng 28 araw. Dahil sa konseptong ito ay iniisip ko na palagi na ang bawat piso na ibinibili ko ay pwedeng maging 100 milyong piso, kaya ginagamit ko ang bawat piso sa tamang paraan. Nararapat lang na pahalagahan ang bawat piso. Gaano nga ba kahalaga ang piso?
Araw Piso
1 1
2 2
3 4
4 8
5 16
6 32
7 64
8 128
9 256
10 512
11 1,024
12 2,048
13 4,096
14 8,192
15 16,384
16 32,768
17 65,536
18 131,072
19 262,144
20 524,288
21 1,048,576
22 2,097,152
23 4,194,304
24 8,388,608
25 16,777,216
26 33,554,432
27 67,108,864
28 134,217,728
Para maging mahigit na 100 milyong piso ang piso, ang kailangan ko lang palang gawin ay doblehin ang kita nito bawat araw sa loob lang ng 28 na araw. Makakamit ko ito sa paggamit ng angking talento para gumawa ng isang malikhain o kakaibang produkto o serbisyo na maibabahagi ko sa mundo para makapagsilbi sa maraming tao.
BINABASA MO ANG
Paano Maging Milyonaryo?
Literatura FaktuAng walong madadaling hakbang para maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na milyonaryo.