HAKBANG 4: MILYONARYONG YAMAN

798 0 0
                                    

KASABIHAN

"Ang kayamanan sa mundo ay mahalaga para makatulong sa mga taong nangangailangan, sa simbahan, at sa nagkakawang-gawa."

KAHULUGAN

YAMAN

Kayamanan: halaga o bagay na pagmamay-ari ng isang tao.

KARUNUNGAN

Ang Kayamanan

Ang kayamanan sa mundo ay nakakatulong sa maraming tao para makapagbigay ng saya sa mga minamahal, tinutulungan at pinagsisilbihan. Mahalagang gamitin ang kayamanan sa pagtulong sa maraming tao, sa simbahan, at sa nagkakawang-gawa para maging makabuluhan ang buhay sa mundo. Napagtanto ko na kung nakakatulong ako sa kapwa, ako ay maaalaala sa mga mabubuti at magagandang ginawa ko sa iba.

Bakit Kailangang Maging Mayaman?

Kailangang maging mayaman ng isang tao para makatulong sa maraming nangangailangan, sa simbahan, at sa nagkakawang-gawa. Ang pagtulong ko sa kapwa ay nagdudulot sa akin ng umaapaw na tuwa na nagiging inspirasyon ko sa buhay. Ang pagtulong ko sa simbahan ay nagsisilbing daan para mas marami pang tao ang makapakinig ng mabuting balita ng Diyos. Ang pagbibigay ko naman sa nagkakakawang-gawa ay isang paraan para suportahan ko ang kanilang mga misyon: magbigay ng pangunahing pangangailangan sa ibang tao o trabaho sa mga walang hanap-buhay, maglinis ng kapaligiran, magpatayo ng maraming bahay, at magbigay ng pag-asa sa maraming tao para mangarap.

Nais ng Diyos na Maging Masaya ang Tao

Nais ng Diyos na maging masaya ang bawat tao. Natutunan ko na isang daan ang pagyaman para maipakita ko ang pagmamahal ko para sa pamilya, makakakain ako ng mas masasarap na pagkain, makainom ako ng malinis na tubig, masaya kong magawa ang mga gusto kong gawin sa buhay, mapaligiran ako ng magagandang bagay, makapasyal ako sa magagandang lugar sa Pilipinas at sa iba't ibang bansa, mabili ko ang lahat ng gusto kong makamit sa buhay, mapalago ko ang aking magandang kaisipan, makalikha ako ng makabagong bagay at makatulong sa lahat ng taong nangangailangan. Nais ng Diyos na makamit ko ang lahat ng bagay na gusto ko para ako ay maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Lahat ng kailangan ko sa mundo ay ibinibigay ng Diyos sa akin; gayun pa man, kailangan kong hilingin ang mga kagustuhan ko sa Kaniya para mamuhay nang mas masaya.

Ano ang Mayroon sa Tunay na Mayayaman?

Bata pa lang ako ay nais ko ng yumaman. Kaya naman sa batang edad ay natuto na akong magtanong sa mga kakilala ko kung paano nga ba ang yumaman. Ayon sa kanila, ang taong mayaman ay may maraming halagang maipapambili ng anumang gustuhin nila sa buhay, malaki ang bahay, magara ang sasakyan, at mayroong mamahaling kagamitan. Ayon pa sa kanila, dapat akong mag-aral nang mabuti para sa pagtatapos ko ay makahanap ako ng magandang trabaho.

Tumatak sa isipan ko na kailangan kong humanap ng magandang trabaho para yumaman at magkakaroon ako ng maraming halaga, malaking bahay, magarang sasakyan, at mamahaling kagamitan. Nakilala ko si Rich Dad (Robert Kiyosaki) nang makatapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na. Ipinaliwanag niya na ang tunay na mayaman na tao ay mayroong malalaking negosyo, dahil dito nanggagaling ang malaking kita, libreng magarang sasakyan, libreng malaking bahay, at libreng mamahaling kagamitan, sa pamamagitan ng kaniyang librong "Rich Dad, Poor Dad". Napagtanto kong kaya pala lalo pang yumayaman ang taong mayaman na ay dahil sa ganitong kaisipan. Dahil sa karunungan na ito, nagsimula akong magtayo ng sariling negosyo para simulang mamuhay gaya ng isang tunay na mayaman.

Paano Maging Milyonaryo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon