Juskoooo ano nanaman ba ito? Bakit may issue nanaman ako? Di ko na alam kung kakayanin ko pa ito.
"Earth to Jane!" Bigla na lang na parang bumalik ako sa reality. Napatingin ako sa paligid ko at napansing nakatitig ang classmates ko sa akin.. pati ang prof namin.
"Baka gusto mong ishare kung ano yang dine-daydream mo hija? Is it about Edward?" Sabi ng prof ko na sya namang tawanan ng buong klase... napapikit na lamang ako sa sinabi ng prof ko.
"I'm sorry po mam.."
"Very well, let's go back to our discussion" Damang-dama ko ang talas ng titig nag iba kong kaklase sa akin. I'm sure dahil to sa bagong viral video ko. Taena naman kasi nito ni Edward!
After class, mag-isa akong pumunta sa auditorium para sa practice ng play namin. Ilang weeks na lang kasi para sa play date namin. Habang naglalakad ako papuntang auditorium, as usual maraming mata ang nakatingin at bulung-bulungan sa tabi. Nasa hallway na ako ng bigla na lamang may humarang sa aking grupo ng kababaihan. Sina Yukino. Bigla nila akong kinorner, at unti-unti akong nilapitan ni Yukino.
"I thought i made my self clear, nung sinabi ko sayo na layuan mo si Edward.." wala na sana akong balak na patulan si Yukino, papalakad na ako palayo sa kanya pero bigla nya akong hinablot ..
"Saan ka ppunta? Hindi pa ko tapos sayo!" at malakas nya akong tinulak sa locker, dahilan para tumama ang likod ko ng malakas sa isa mga locker at bahagya akong napaupo. Lumapit naman ang isa sa mga alipores ni Yukino para iayos ang tayo ko, malapit na malapit na sa akin si Yukino ngayon.
"Hindi ka talaga marunong makinig ano?"
Nakasandal na ako ngayon sa locker at wala ng pag-asa na makatakas pa kay Yukino, bigla ko na lang naramdaman ang paglapat ng kamay ni Yukino sa aking kaliwang pisngi. Gaganti sana ako pero naramdaman kong pinipigilan pala ng dalawang alipores ni Yukino ang mga kamay ko. Isang sampal pa ulit ang naramdaman ko, this time sa kanang pisngi ko naman. Nagsisimula na mangilid ang luha ko, pero pinipigilan ko lang ito sa paglandas.
"Ano?! Ang tapang mo pa makatingin ah!" At bigla na din akong sinabunutan ni Yukino.
"Yukino! Tama na! Ano ba!" Pagsusumigaw ko. Nagsimula na rin magkumpulan ang ibang estudyante para panuorin ang nangyayari. Mga bwiset na ito.. hindi man lang ako tulungan!
"Dapat lang sayo yan! Di kita titigilan hanggat di ka nagtatanda!"
"Layuan mo si Edward!" Paulit-ulit na hampas ang ginawa sa akin ni Yukino. Halos mapahiga na ako sa sahig sa ginagawa nyang pananakit sa akin. Hinaharang ko ang aking mga braso sa aking mukha.
"Tama na Yukino! Tama na!"
Bigla na lamang natahimik ang paligid. Natigil na rin ang panghahampas ni Yukino sa akin, ako naman ay napatingin paitaas para makita kung bakit natigilan si Yukino sa pananakit sa akin.
Si Edward.
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE THE BRIDESMAIDS, NEVER BE THE BRIDE.
Romanceisang storya ng babae na kung saan ay sya ay isang wall flower... isang ordinaryong babaeng minsan ay hinangad na maging it girl...