#NewsFlash

35 1 0
                                    

"Shit! Yung i.d. ko..Asan na?" paghahalungkat ko sa bag ko, ayaw akong papasukin nung guard dahil wala akong i.d. first class ko pa naman ay major namin, kaya d ako pwede umabsent, kaso ayaw naman akong papasukin...

"Kuya guard... sige nanaman oh.. papasukin mo na ako.. na-nawawala kasi id ko... "

"Hindi pwede. Kami mapapagalitan..kumuha ka muna ng affidavit of loss.." sabi nung guard.

"Eh paano nga ako makakauha ng affidavit of loss kung d m ko papapasukin dyan?!"

"Magpakuha ka na lang!"

Bwisit talaga tong mga guard na ito kahit kelan! At kahit inis na inis na ako ay nakiusap pa rin akong makapasok sa loob ng campus.

"Kuya guard, sige na please! Kailangan ko talaga makapasok sa class ko eh.. parang awa mo na... baka naiwan ko rin kasi yung i.d. ko sa auditorium eh... please.. please... please..." pagmama-kaawa ko sa guard, tinignan lang nya ako at nagdalita ng "hindi talaga pwede miss!"

Aaaaiiiissshh!!! No choice na ako at lumabas na lang ako ng gate ng campus. Naupo ako sa isa sa mga benches na nandoon, itetext ko na sana si Amber na hindi ako makakapasok nang biglang may nakita na lang ako na nakatayo sa harapan ng aking kinauupuan. Tinignan ko ito magmula sa kanyang paa paitaas, nagulat ako ng malaman na si Edward pala yun at biglang may ibinato sa akin. Ang aking I.D.

Kinuha ko iyon at bigla akong napatayo, "Bakit nasayo to? Siguro sinadya mo talagang kunin to para ma-late ako sa klase ko no?!" Kumunuot ang noo nya at nag-igting ang kanyang bagang. Marahan syang pumikit at huminga ng malalim bago ito nagsalita.

"Fyi lang suka girl, naiwan mo yan sa kotse ko kagabi, hindi ko na nabigay sayo kasi nag dire-diretso ka na sumakay ng taxi..! At saka bakit ko naman sasadyain na kuhain ang i.d mo? Hindi ko aaksayahin ang oras ko para sa i.d mo.. tsss buti sana kung maganda ka sa i.d picture mo!" At bigla itong tumalikod at nag dire-diretso ng paglalakad papasok sa aming campus. Nalaglag ang panga ko sa aking mga narinig at inisa-isa ang kanyang mga sinabi. Napatingin ako sa aking paligid at ang ibang mga students ay nakatingin sa akin, at nagbubulungan. Shit. Dali-dali akong pumasok sa campus.

BREAKTIME

"Bakit ba hindi ka nakapasok kanina?" Tanong ni Amber.

"E paano wala yung i.d. ko.. andun kay Edward.." Natigilan si Amber sa aking sinabi..

"Paano mapupunta kay Edward ang i.d mo?"

"Naiwan ko sa kotse nya.." ngayon naman ay napakunot ang noo nya sa sinabi ko.. halatang gulong-gulo sa mga naririnig nya. "Ganito, diba sabay-sabay tyo lumabas ng auditorium, tapos nauna ka na umuwi.. uuwi na rin sana ako, kaso hinila ako ni Edward at isinama nila ko kumain ng dinner nila dun sa may tapsihan sa bayan."  Pagpapatuloy ko.

Nanlaki ang mga mata nya at biglang tumili! nataranta naman ako dahil nagsimula na kaming pagtinginan ng mga kumakain doon.

"Huy! Umayos ka nga!"

"Sorry bru.. na-carried away lang..pero grabe lang!! sinama ka nya kumain, tapos nakasakay ka ng kotse nya!!! Wala pa atang girls na taga dito sa Graceland ang nakakasakay sa kotse nya! Ikaw pa lang bru!"

Bigla kong naalala yung ginawang paghalik sa akin ni Edward. Habang kilig na kilig si Amber, ay nakatulala lamang ako..

"Eh? Ganern.. ganyan.. kilig na kilig ako dito tapos ikaw tulala lang? Bakit? Anyare?"

"Huh? Uh.. w-wala lang... tara, alis na tayo.."

Papaalis na kami nang makita namin sa Lawrence na humahangos at papunta sa direksyon naming dalawa ni Amber.

"Mga baaks!!! Juskooo!!!"

"Anes ba yun at talagang tumatakbo k p? Urgent ba?" Taning ni Amber.

"Oo.. kasi tumetrending ka nanaman, Jane!!!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi na yun ni Lawrence... what is it this tiiiime???

"Ha? Patingin nga!! Juskooooo!!!"

Video:
Bakla 1: "Sinetch itech na nakaiwan daw ng kanyang school I.D. sa karu ni.... guess who mga mamsh... sa karu ni papa Edward???"

Video clip:
"Bakit nasayo to? Siguro sinadya mo talagang kunin to para ma-late ako sa klase ko no?!"

"Fyi lang suka girl, naiwan mo yan sa kotse ko kagabi"

Main video:
Bakla 2: "OMG!!! Si Jane Bernardo ba ito mamshieee?"
Bakla 1: "Mismo, mamshie!!! Mukhang tinotodo na talaga ni Jane Bernardo a.k.a Suka Girl ang pagiging 'friendly' nito kay papa Edward..
Bakla 2: "Nako ha... wag ko lang masalubong yang Suka Girl na yan!"
Bakla 1: "But wait, there's moooore... balita din na makakapareha ni Papa Edward si Suka Girl sa play nila na gaganapin sa foundation week!!!"
Bakla 2: "Aaaay!!! Iba din tong si Suka Girl! Haba ng hair mo teh! Ganda ka?"
Bakla 1: "At dyan po natatapos ang aming Chika news flash!"

Nagkatinginan na lamang kaming tatlo matapks namin mapanuod ang video.

===============================================
Meanwhile sa school gym...

ANETTE'S POV

"THIS CAAAAAAAANN'T BEEEEEE!!!!! NOOOOOOOOOOOO!!!!!" Halos magbuga na ng apoy tong si Yukino dahil sa napanuod namin.

"Huy, kumalma ka nga!"

"I. CAN'T. CALM. Anette!!! THIS CAN'T BE HAPPENIIIIING!!!! Ako nga na girlfriend ni Edward.hindi pa nakaksakay ng kotse nya.. tapos yang suka girl na yaaaaan!!! She's really getting into my NEEEERVVVEEEESSS!!!" Galit na galit na sabi ng dragonang si Yukino na halos madurog na nya ang kanyang cellphone.

"Lam mo girl, unang-una sa lahat, hindi ka pa girlfriend ni Edward, pangalawa kesa nagsisisigaw ka dyan, dapat mag-isip ka ng paraan para hindi tuluyang maagaw ni suka girl si Edward sayo!"

"Alam mo, you're right, minsan din pala may silbi ka! Im gonna make sure na mag ddrop-out yamg suka girl na yan dito sa campus! Humanda sya!"

ALWAYS BE THE BRIDESMAIDS, NEVER BE THE BRIDE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon