JANE's POV
AUDITORIUM
"Nakakainis talaga 'ber!!!!!! Of all people.. bakit ako pa??! Peste talaga!" gigil na gigil akong nilulukot yung mga papael na gagamiting props,
"Relax ka nga lang... masisira mo yung props!" pag aawat sa akin ni Amber. "Eh bakit ka ba kasi pumayag?"
"Amber... c dean yun... makakahindi k b?"
"E di wag m nlng patulungin dito.. kunyari na lang tumulong sya..."
"Hindi pwede eh.. gusto ni dean na mag lead role sya sa play..."
"Ano?!"
EDWARD's POV
"Dyahe yun pre!" Matawa-tawang sabi ni Ronald habang nag aayos sya ng kanyang bag. kakatapos lang kasi ng practice namin.
"Mas dyahe kung di ako makakalaro...lagot ako kay daddy..."
"Wag m sabihing sseryosohin m yan?"
"Kailangan... nakabantay si dean...pati yung si Jane!" nanlaki ang mga mata ni Ronald sa sinabi ko.
"Si suka girl?!"
"Mismo.. haay ewan ko ba, ang daming pwede tumulong bakit yun pa.." Nakita ko na lamang na umiling-iling si Ronald habang natatawa ito.
"Mukhang tinatadhana kayo ahh...hahaha!"
"Ulol!" sabay lahad ko sa kanya ng aking middle finger at inaya na syang lumabas ng gym.
AUDITORIUM
Kasagsagan ng aming pag gawa ng props at pag practice sa play ng biglang dumating si Mam Gomez..
"Hi guys! We have a special, uhm, well guest i think..."
Napatingin ako bigla kay Amber dahil alam kong yung mayabang na Edward na yun ang tinutukoy ni Mam Gomez.
"...gusto ni Dean na sya ang mag lead para sa play natin... si Edward Kelsey!" May halong kilig pa ang pagkakasabi ni Mam ng pangalan ni Edward, samantalang ang iba sa amin ay napatahimik at tila gulat na gulat sa inannounce ni Mam Gomez..ni halos walang nag react.
Krooo krooo krooo <<insert cricket sound here>>
"Uhm... hi?" More of question rather than a statement ang sinabi ni Edward. Napatingin ito sa akin at inismiran ko lamang sya.
"Okay! Rehearsal tayo!" Sabi ni Mam Gomez. Dali-daling nagtayuan ang mga participants ng play namin, mula sa props, hanggang sa main actors.. napansin ko na parang lahat ay ilag kay Edward. binully nya kaya ang mga ito noon kaya halos ilag lahat sa kanya? Napansin ko na lamang na dalawa na lang kaming nasa stage. Nagulat ako at lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa amin. Paalis na ako ng bigla nitong hilahin ang aking braso.. sa lakas ng kanyang pagkakahila sa akin ay halos magkalapit na ang aming mga mukha! Shit!
"A-ano bang problema mo?!" pautal kong sinabi sa kanya. Ngumisi ito. Takte! Ano kaya ang iniisip ng kumag na ito?!
"Sa tingin mo, papayag akong ako lang ang mahirapan dito?" Sabi nya, at bigla itong ngumisi. Humarap ito kina Mam Gomez habang hawak-hawak nya pa rin ako sa braso. Pinipilit kong maka-wala sa pagkakahawak nya ngunit di ako makawala-wala. Ano bang binabalak nito? at anong ibig nya sabihin sa sinabi nya?
"Mam Gomez... since I am portraying the lead role on this play, may I know kung sino ang makakapareha ko?"
Nabigla si Mam Gomez sa tanong ni Edward, at marahan itong napa-ubo. "Actually Edward, wala pa kaming napipili... nagback out kasi yung original na makakapareha mo... bakit iho?" biglang napangiti si Edward at bigla akong binitawan nito ngunit umakbay naman sa akin ngayon, pilit pa rin akong kumakawala sa ginagawa nya hanggang sa maramdaman ko na lang ang higpit ng akbay nito sa akin at bigla ako iminuwestra kay Mam Gomez.
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE THE BRIDESMAIDS, NEVER BE THE BRIDE.
Romanceisang storya ng babae na kung saan ay sya ay isang wall flower... isang ordinaryong babaeng minsan ay hinangad na maging it girl...