alam nyo ba yung feeling na kahit ang ganda-ganda ng araw, ayaw nyo bumangon? hindi dahil sa tinatamad ka.. kundi alam mong pangit ang magiging araw na ito para sayo... ganyan. ganyan ang nararamdaman ko... para akong isasalang sa firing squad mamaya... whaaaa
♪♫ You're my honeybunch, sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin, You're my sweetie pie
You're my cuppycake, gumdrop, snoogums-boogums, You're the apple of my eye.... ♫♪
SNOOZE.
♪♫ You're my honeybunch, sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin, You're my sweetie pie
You're my cuppycake, gumdrop, snoogums-boogums, You're the apple of my eye.... ♫♪
SNOOZE.
♪♫ You're my honeybunch, sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin, You're my sweetie pie
You're my cuppycake, gumdrop, snoogums-boogums, You're the apple of my eye.... ♫♪
after 3 snoozes tumayo na rin ako at saktong kinatok na ako ng tita ko..
"di ka ba papasok?!"
"papasok po..."
haaay.. ayoko talaga pumasok... natatamad akong ewan...
"JusLord, ikaw na po bahala sa akin..."
===========================================================================
SCHOOL.
bawat hakbang na ginagawa ko, pabigat ng pabigat ang paa ko.. warning ata na wag na ko tumuloy talaga sa pagpasok... naka-yuko na nga ako at lahat-lahat, pero some of the students still managed to recognize me... (did i just say na isa akong wall flower sa intro nitong story na ito?)
"sya yun diba? hahaha! grabe!"
"si bouncing vomitting girl..hahaha!"
i managed to take a quick peek dun sa mga nagbubulungan, at napansin kong theyre watching something over their ipad's and tablets tas tinuturo ako... then it hit me! dali-dali akong pmunta sa group na nagbubulungan na iyon to checck on their ipad's.. i grabbed it and watched the video..
"ANO? NGANGA-NGA KA NA LANG BA DITO?!!"
"YOU ARE JUST WASTING YOUR AND OUR TIME! YOU LITTLE VIRGIN DOUCHE!!! ASAN ANG TAPANG MO?? ANG YABANG-YABANG MO, SIMPLENG CHEERLEADING SKILLS LANG DI MO MAGAWA HA?! ANO?!"
"aray!"
"hahahahah!!!"
"anu ba yan.. nakakahiya"
"ayan kasi ang yabang-yabang"
"HINDI PWEDE ANG LALAMPA-LAMPA AT MATABA DITO SA SQUAD! ANO?! NASAAN ANG TAPANG MO JANE BERNARDO?!"
"EEWWW!!! YOU ARE SO GROSS!!! LUMAYAS KA NA NGA DITO!!!"
O..M..G..! MAY. SCANDAL. AKO.! tumigin-tingin ako sa paligid at parang deja vu ang scenario.. lahat sila, may hawak na ipad at tab nagtatawanan at tinuturo ako...
"hahahahhaha!!"
"hahahahahaha!!"
"hahahahahah!!"
"AAARRRRGGGHHH!!!"
*crash*
ibinagsak ko yung ipad at inapak-apakan ko hanggang sa mabasag..
"um! um! yan ang dapat ditooo!!! waaaahhh!! um! um!!"
"NOOOOO!!! YUNG IPAD KO!!!"
syempre joke yun! di ko binasag yung i-pad kahit gustong-gusto ko! kaso mahal yung ipad no! ala ko pambayad! hinablot na lang bigla nung may-ari yung i-pad nya nun matapos yung video...
"akin na nga yan.. mamaya sukahan mo pa!"
"e kung yang mukha mo sukahan ko? uwaaaa—k!"
"eew ang gross mo talaga!"
"kabagan sana kayong lahat!"
umalis na ako iniwan yung mga bwiset na yun... baka kasi maihampas ko pa sa mukha nya yung i-pad nya at masira ko pa ng tuluyan... naglalakad na ako sa catwalk, papunta na sa classroom namin... nang may isang grupo nanaman na nagkukumpulan doon at may tumigin nnaman sa akin...and again it hit me! dali-dali akong pumunta sa kinatatayuan nila at isang poster ko ang nandun... yung naka nga-nga pa ako at may naka-lagay pang "do you want her to be the next ms. graceland?!" PAK.SHET. TALAGA! nagpupuyos na ako sa galit! kaya walang dala-dalawang isip ay bigla ko ng hinila ang poster at pinunit-punit ito!
AAAARRRRGGGHHH!! SOBRA NA TO!!! LAHAT KAYO, NATATANDAAN KO MGA MUKHA NYO!! IPAKUKULAM KO KAYONG LAHAT!!
medyo nag-atrasan sila dahil sa sinabi ko.. pero syempre sinabi ko lang naman talaga yun no... hindi ako marunong mangkulam at lalong wala akong kilalang mangkukulam.
"IKAW! PAG DI MO TINIGILAN ANG PAG VIVIDEO NA YAN, IPAPABARANG KITA PARA LABASAN NG UOD YANG MATA MO!!"
sabay takbo papunta sa may bandang likuran ng campus. may mga benches kasi doon, saka tahimik ang part na yun ng campus, doon muna ako nag stay.. wala na akong ganang pumasok dahil sa nangyari...di ko na rin napigilan ang pag-iyak ko.
"anu ba yan...bakit ganito? ayoko ng ganitong buhay..." sabi ko sa sarili ko habang patuloy kong nilalamukos yung poster na pinagkakaguluhan nila. nagsimula na ring tumulo ang luha ko... haist kung pwede lang i-rewind ang mga araw at pangyayari... dapat talaga nag-isip muna kasi ako ng mabuti eh, dapat hindi na ako talaga nakinig sa pinsan ko, dapat hindi na ako nangarap na maging close ko so JC!
TOK.
Nakaramdam ako na parang may bumato sken. Shet naman. hindi pa ba tapos? pagod na ako. hinanap ko yung binato sa'kin at may nakita akong isang nakalamukos na papel. Di ako nagdalawang isip n pulutin iyon..
"ANG PANGIT MO UMIYAK. HINDI BAGAY SAYO."
O_o!!! huh?! kaloka... para sa akin ba to talaga?? ano ba to? concerned o nang-aasar.. parang hindi naman ata ito ang perfect timing para mabasa ko to... >_< . hmmmn.. para sa akin nga ba ito? sa pagkaka-alam ko kasi, ako lang ang nandito...
"KUNG AKO SAYO. LALABAN AKO."
.....
may ilang minuto ko ring tinitigan ang mga salitang iyon....
"KUNG AKO SAYO. LALABAN AKO."
.....
Infairness... tama nga naman sya... kailangan ko lumaban, dahil ako si Jane Bernardo!!! pero san nga ba galing to?? tumigin na ko sa kaliwa't kanan, harap at likod, pati taas at baba ko.. pero walang tao dun talaga... ang labo naman.. maka-alis n nga lang...
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE THE BRIDESMAIDS, NEVER BE THE BRIDE.
Romanceisang storya ng babae na kung saan ay sya ay isang wall flower... isang ordinaryong babaeng minsan ay hinangad na maging it girl...