#PracticeGame

42 2 0
                                    

JC's point of view

GYM. TRAINING NG BASKETBALL TEAM.

"o andito na pala c captain ball..." pang- aasar na sabi ni Edward.

"late ka ata par?.." dagdag pa niya...

"wala.. may inasikaso lang ako..."

si edward, ang 3 time mvp namin.. best bud ko din dito sa Graceland.. ang pinaka chikiboy sa aming lahat.. pareho kaming graduating this year kaya naman pursigido talaga sya na manalo ang team namin sa parating na basketball tournament..

___

"hi edward!"

si Yukino... ex ko. nagulat ba kayo? she's now rooting for Edward. si Edward na kasi ang sikat at mvp ngayon.

"hi JC!" pagbati ni yukino sa akin as i passed by them.. i just managed i quick nod.

"Practice na tayo in 2 minutes!" Sabi ng coach namin.

"Galingan mo Edward ah!" Yukino.

Ngumiti lang si Edward pero hindi na nakipag kwentuhan pa kay Yukino..alam kasi niya ang ugali nito...

---

"think you gonna out win me this time 'c?" sabi ni Edward sa akin. eye to eye, habang nag ddribble ng bola. lagi syang ganyan sa akin.. kahit best bud kami sa team.. he always consider me as a big threat to him..e sya nga itong naka 3 time mvp na...-- cguro kasi minsan naging over-all mvp ako sa college league at sya hindi pa... di ko alam kung magandang bagay yun o hindi. Magandang bagay siguro sa isang banda dahil he's pushing himself to become a better basketball player and vice versa, sa kabilang banda hindi maganda kasi ayokong maging threat sa kahit kanino. Mabait naman akong tao, mas gusto ko lang na mapag-isa minsan.

"we'll see." sabay agaw ko ng bola sa kanya at dagliang ishinoot ang bola.

"Go! JC!"

"nice one!"

"Last 2 minutes!" Sabi ng coach namin. Lamang ng 3 ang team nila Edward..

"J.C.!!!" Pinasa ang bola sa akin, and i am open for a three... ititira ko na ang bola ng biglang--

Prrrrrt!

"Foul number 30!"

Finoul ako ni Edward. Kitang-kita ang pagkainis nito.. Sa totoo lang minsan masarap na asarin tong si Edward, ayaw nya kasi magpatalo sa kahit anong bagay... kahit pag may practice game kami..

30 seconds left at tie na ang score ng team ko at team ni Edward..kitang-kita na ang pagka dismaya sa mukha nito.

"Ipasa nyo sa akin!!!" Sigaw ni Edward. Pagkapasa ng bola s kanya ay bigla ko itong naagaw sa kanya...

"Put*!" Nasa tono ng kanyang pananalita ang pagkainis sa ginawa ko..napangiti na lamang ako ng lihim.

10 secs., 5 secs., open ako ulit sa tres... 3 secs. Itinira ko na ang bola.. 2....1...

Paang!

EEEENNNNGGG

Panalo nanaman ang team namin.. 3 consecutive practice games na nananalo ang team ko.. at 3 consecutive practice games na hindi maganda ang nilalaro ni Edward.

Edward's POV

"Malas!" I muttered. Bwisit talaga! Talo nanaman ang team ko.

"Nice game!" Sabi ni JC at sabay tapik sa likod ko.. nangaasar pa! Tinignan ko lang sya ng masama at sabay tinaga papaalis ang kamay nito sa likod ko.

"Whoa! Par.. chill lang... practice lang to.. team mates pa rin tayo..." sabi ni JC..

Aargh! Ayoko talaga ng natatalo ako ni JC! Kahit 3 time MVP ako, hindi pa rin ako nagiging over all MVP kagaya nya, sampal kasi sa akin yun.. kaya sinabi ko sa sarili ko na ngayong taon ako naman ang magiging over all MVP!

"Ano ba nangyayari sayo Edward... pumapangit ang laro mo! Nawawala ka sa focus!" As expected, sermon nanaman ako kay coach. "MVP ka ba talaga?!" I winced. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni coach at naramdaman kong biglang uminit ang tenga ko. Nagkaron bigla ng tensyon sa loob ng gym.. kahit ang mga nanunuod ay biglang napatahimik.

"Im sorry coach! Hindi na po mauulit.."

"Dapat lang!" Biglang lumapit si coach sa akin at hinawakan ang aking damit papalapit sa knya. "Isa ka sa inaasahan ng team kaya dapat galingan mo!" Napa-tango na lamang ako.

After ng practice ay nilapitan ako ni JC. "Edward, okay ka lang ba?!" What's bothering you?" I just stared at him blankly. "Im fine dude." I said coldly, at nag kibit balikat na laman sya at umalis na ng gym.

Sa totoo lang I am pressured.. pressured sa daddy ko, pressured dito sa tournament, at pressured pa sa pag-aaral..tagilid kasi ako sa isang major subjet ko.. at hindi ako pwedeng bumagsak, dahil pag nagkataon hindi ako makakalaro sa college league.

I am almost near my car when i saw someone..










ALWAYS BE THE BRIDESMAIDS, NEVER BE THE BRIDE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon