SABADO. Required kami pumasok para sa pagsisimula ng college week. ito na rin yung araw ng audition para sa pep squad... though medyo undecided pa rin ako...
"...gusto mo maging close dun? sali ka sa pep squad..."
"jane! ano sasali ka talaga sa pep squad?" Tanong ni Amber
"yup.. nagpasa na ao ng form kahapon bago umuwi..."
"sure ka na talaga?"
actually hindi... basic na cartwheel at bending lang alam ko... pero kung yun lang ang tanging paraan para maging close kami ni JC,
"yup! sasali ako! aja!"
~~~~~~
papunta na ako ng mini gym, dun kasi gagawin ang audition para sa pep squad. Ang dami kong nakikitang nag ppractice ng mga moves nila, mga nag iistretching at kung anu-ano pa...
"hiyang-hiya naman ako sa kanila... sila todo practice ako wala lang.. kapal naman ng mukha ko..." sabi ko sa sarili ko.
"huy Jane!"
si lawrence yung beki na nakilala namin ni amber sa canteen...
"ui.. ano ginagawa mo? mag aaudition ka rin?"
"naku bakla hindi.. manunuod lang ako... ikaw ba?"
"ah eh.. oo sana!"
"naku wawarningan kita... yung captain nila... matapobre yun bakla! suot mo palang ligwak ka na..."
"suot ko?? bakit ano ba meron sa suot ko?"
"mukha ka lang naman mag zuzumba... sorry walang aerobics club dito darling..."
bigla nanaman may sumabat. ganito ata dito sa Graceland, bigla-bigla na lang may sasabat sa usapan nyo... anyway, hindi yung pag sabat ang kinagulat ko... kundi yung sa nagsalita...yup tama kayo.. si Yukino.
"e kumpara mo naman sa suot mo.. para kang magsswimming.. sana nag bikini ka na lang..."
e pano naman naka sports bra at short shorts... nagtawanan yung ibang mag aaudition na nandoon... nainis ata sa sinabi ko at nanliit lalo ang mata nya...
"mag aaudition ka rin ba?"
"My God.. you really do not know me...dumb***!
yun lang sagot nya at pumasok n sya sa loob ng mini gym...pumasok na rin yung ibang mag aaudition at sumunod na rin ako... mukhang isang privelege ata ang masali sa pep squad isa sya sa pinaka-mahabang pila ng mga mag aaudition...
"bakla.., gogora ka talaga sa audition?"
"oo bakit ba?"
"e kasi....yung captain nila..."
"anong problema sa captain nila?"
"bakla, yung captain nila kasi..."
Di ko namalayan na nasa gitna na pala kami ni lawrence ng mini gym...
"sino ba ang captain nila?!"
"ako lang naman... si Yukino Yano!"
.
.
.
.
.
.
.
..
....
.
...
.....
.
BINABASA MO ANG
ALWAYS BE THE BRIDESMAIDS, NEVER BE THE BRIDE.
Любовные романыisang storya ng babae na kung saan ay sya ay isang wall flower... isang ordinaryong babaeng minsan ay hinangad na maging it girl...