Chapter 19

17.9K 511 24
                                    

"CAN we talk?"

Natigilan siya sa paglalakad niya ng makita si Luiz sa harap ng gate ng bahay niya.

He looked calm than the last time. Wala na sa mukha nito ang manggulo.

"What is it this time, Luiz? I have a boyfriend, hindi mo ba naiintindihan 'yun?  Mahal ko siya."

Pain crossed his eyes.

"Alam ko. But I'm here to save you, Crosette."

Umiling siya.

"Please, hinding-hindi ako makikinig sayo---"

"Just this once, Crosette. Please. I'm not just doing this because I still love you, ginagawa ko 'to para hindi ka masaktan."

Kumunot ang noo niya, hindi pa rin siya naniniwala pero napag-isipan niyang hindi rin naman siya titigilan ni Luiz.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Sais is the reason why we broke up," Luiz said firmly without even blinking.

She almost laugh on what he said. Sa lahat ba naman ng pwedeng kasinungalingan na ibato nito. 'Yun pa?

"Luiz---"

"It may seems that I'm lying but you know I'll never lie to you, you know that." Seryosong saad nito.

Sumeryoso na rin siya.

"Ano ba 'tong pinagsasabi mo---"

"He wants you even before you knew him. I even think he's obsessed! Kahit 'nung tayo pa ramdam ko na palaging may nakasunod sa 'yo, so I had it investigated but I didn't get what I want kasi binayaran pala niya ang investigator ko na ngayon ko lang nalaman ng pagtagpi-tagpiin ko ang nangyari."

Her brows furrowed in confusion. Wala siyang matagpuang sense sa sinasabi nito.

"Crosette, binayaran at pinagbantaan niya ang Mama ko na kung hindi niya tayo paghiwalayin at maglalaho ang business namin. My mother loves you so much, you know that. She loves how brave your personality is at alam na rin ni Mama kung anong trabaho mo dati pa but she still respects you. But she left with no choice, ayaw niyang mawala ang kabuhayan namin. So she used that to throw against you... And I don't believe her, but Sais...he manipulated me. He sent me pictures of you two in a bar, no, not in a sexual way but just fragments that you two are close. Pinaniwala na rin ako ni Mama na pineperahan mo lang ako tulad ng ginagawa mo kay Sais."

Napahilot siya sa sintindo. She doesn't to digest what he said, parang...parang ang hirap paniwalaan ngunit parang totoo. Hindi na niya alam!

"I really thought he was just obsessed. But I digged deeper about your family background and the controversial issue of his family. A-and it says that your mom..."

Napapikit siya at naalala ang sinabi ni Mommy Caria.

"Inakusahan ng Mama mo na nabuntis siya ni Spade Benjamin at muntik ng maghiwalay ang mag-asawang Benjamin. That's why...that's why Sais appeared in your life to have revenge."

"N-no...no, you're lying. Enough na please." Kasi malapit na siyang maniwala pero mas nanaig ang tiwala niya sa binata.

"Really? Then why did he looked for Josette Fruez' daughter? That's what his first move until he found you and stalked you like an obsessed stalker!"

Umiling siya.

A flash of memories appear on her mind.

That first night... How did Sais find its way to her house when there's no reason for him to be on that place? Bakit sa lahat pa ng pwedeng katukin nitong bahay para lapitan ng tulong sa kasagsagan ng bagyo bakit pa ito nagtangkang pumasok sa gate niyang sinadya niyang lagyan ng alambre para ang mga estranghero ay hindi makapasok?

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon