[Jen's POV]
Maga nalang at di pa ako nakatulog ng ayos dahil sa nakita ko kahapon. Alam ko naman lahat ay may reasons kung bakit may kasama si Chris. Kaso nga lang nahuhurt ako. Kasi.... long life crush ko siya. Tapos.... ah hindi ko na alam. Alam ko naman wala akong karapatan sa kaniya kasi childhood friend niya lang ako at friend ngayon. Ah bahala na nga.
Basata aalamin ko yun. Di ko lang alam kung kailan. Hahahah. "Hai. Bumaba na nga lang." Sabi ko at bumangon na at bumaba na. Pagkababa ko sa mag dinning table nandun na sina anj at mami. "Ano pong ulam?" tanong oo na parang pagod. "Abodo at itlo-" sabi ni mami pero naputol ang sasabihin niya. Nang humarap siya sa akin. Nagtaka naman si anj kaya tumingin din sa akin.
"Ate nangyari sayo?" sabi ni anj. "Huh?" yan lang ang comment ko. anong pinag sasabi ng mga 'to? wala namang nangyari sa akin ah... "Jen may problema ka ba?" Tanong ni mami sa akin. "Wala naman po. Bakit po ba?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatitigan silang dalawa at tumingin ulit sa akin. "Ang laki kasi ng eyebags Mo!" sabay nilang sabi. "Ahhh yun lan- WHAT!?" sabi ko. Bigla akong tumakbo papuntang salamin. "Oh my." Bulong ko sa sarili ko. Mukha akong Zombie!! Nako po. Anong gagawin ko. May pasok pa..... Bahala na nga lang. Tapat nga wala akong pakealam sa mga ganiyan diba??
Kaya bumalik nalang ulit ako sa dinning table at umupo. "Pffft" nakinig ko tawa ni Anj. "Oh anong tinatawa mo diyan!" pagalit na sabi ko. "Ang pangit mo kasi ate. Laki ng eyebags mo Hahahahah. Ano ba kasi talaga ang nangyari?" tanong sa akin ni Anj. "Wala!" sagot ko naman sa kaniya. "Weh di nga. Sa itsura mong yan. Wala? niloloko mo ata ako ate" sabi niya at sumimangot.
Biglang umupo si mami sa may upuan ng table at nilapag ang pagkain sa table. "Sabihin mo na kasi Jen. Kung'di. Mayayari ka sa aming dalawa" sabi ni mami na may pa glare pa. Kaya naman. Mediyo natakot ako. Kayo kaya ang titigan ng masama ng mami mo. Tapos nakakatakot pa ang istura, kahit maganda si mami nakakatakot parin talaga siya.
"Hai. Gan'to po kasi ang nangyari...... Di ba po nasa mall ako kahapon" sabi ko sa kanilang dalawa. Nag nod namn silang dalawa. "Pagkatapos ko pong bumili ng manga. Kumain po ako sa Mcbe". Sabi ko at biglang nagsalita si anj. "Daya di man lang ako sinama." Sabi niya. "Di ka kasi sumama" sabi ko naman. "So ano na ang nangyari?" tanong ni mami. "Habang ako po'y nakain at tumitingin sa paligid. Nakita ko po si Chis na may kasamang babae at sobrang saya po nila.... tapos po napaisip ako. Yan ba ang dahilan kung bakit umabsent siya? yun po yung nangyari. End of story." sabi ko naman.
-____- - reaction nilang dalawa.
"Bakit po ganiyan ang mga itsura niyo?" tanong ko sa kanila. Nagkatitigan nanaman sila. "Kasimple simpleng bagay lang. Nagkaganiyan ka na. Napaka OA mo naman." Sabi ni mami. "Kaya nga napaka OA mo naman ate. Yun lang yung nangyari. Akala ko pa naman kung ano nang mahalaga. Di ba mami?" sabi ni anj, tumango naman si mami. "Pede mo namang tanungin, may dahilan ang lahat anak. Wag kang OA masiyado. Napaka mo talaga. Yun lang nagkaganun na" sabi ni mami.
Natapos na kaming kumain at ang pagsasalita nila nang nakakasakit sa akin. Ay umalis na kaming dalawa ni anj sa bahay para pumasok. Pinipigilan pa nga ako ni mami. Kasi nga daw ang laki ng eyebags ko. Oo na napaka OA ko na sa simpleng bagay. Pero..... long time crush ko siya eh. May feelings na ako eh para sa kaniya. Huhuhuhu. Pero hindi ko pa sinasabing love yun ha. Para sa akin iba pa yun sa like at feelings or crush. Love ay to the highest level na. Hahahahaha.
-skip-
Nasa classroom na ako ngayon. At alam niyo ang himala??? Walang babala ngayon. Yay!!! buti nalang nagsawa na sila.... Ata..sana. Nakakapagod na rin kasi yung may mga ganiyan. Pero hindi ako nag enjoy. Pang bata kasi ang mga pinag gagawa nila.
"Good morning" sabi ng isang boses na lalaki na malapit sa akin. Buglang bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko alam kung sa kaba ba o sa boses lang ba niya talaga. "G-good morning" sagot ko naman. "What's wrong?" tanong ni Chris sa akin. Oo si chris ang kausap ko ngayon. "Ah wala. Nga pala bakit ka absent kahapon?". Tanong ko sa kaniya. Yan jen ready mo na sana maganda ang dahilan. Sana hindi yung inaakala ko. "Oh that, well it's because of my father's business. I was really needed in it. That's why i met up with a lady and discuss some things" sabi niya. "Oh" sabi ko. So that's why.
BINABASA MO ANG
My Secret ♥
Teen FictionI have my own secrets to keep and i know you guys have one too. Everyone has one secret right. One or maybe more secrets that you all have to keep for yourself. Like secret crush, love, being a secret mafia, gangster, spy. Secretly being sad, depre...