Chapter 9 - WHAT?!

2.1K 112 7
                                    

[Luc's POV]

Nung nasa bookstore kami may nahalata akong nasunod sa aming babae. Kaya nung pagkaalis namin plinano ko na talagang tumakbo. Kaya hinigit ko na si jen.

Natawa nga ako kanina dun sa sumusunod sa amin. Laging nakatingin sa aming dalawa. Na para bang.... kinikilig. Hahaha. Weird ni ate.

-----Present-----

Tumatakbo kami ngayon sa may labas ng mall "Hoy ano ba?! Bitawan mo nga ako!!!" Pasigaw na sabi sa akin ni jen. "Hahaha. Humahaba na ang mga sinasabi mo ngyon ahh. Pati lumalakas na ah." Sabi ko naman sa kaniya habang nakangiti at natakbo parin. "Heh!! Bitawan mo na kasi ako!!!" Pasigaw niya uling sabi.

Tumingin ako sa likod at mukha namang wala nang nasunod sa amin kaya tumigil na ako sa pagtakbo at paghawak sa kaniya. At tumigil din siya syempre.

"hyew buti nalang wala na ung nasunod sa atin" sabi ko sa kaniya habang siya ay hinihingal. "H-Huh?!" Ang tanong niya sa akin habang naghahabol nang hininga . "Wala" sabi ko.

"Psh!!!" Sabi niya. Salita ba 'to? Naupo muna kami dun sa may bench. Wow san nanggaling ung bench?

Di ko lang talaga alam kung bakit may bench out of no where hahaha XD Saya ah. Ang cool nung bench nakikisama sa pagkapagod namin. At tandaan niyo iisa lang ung bench. Nasa gitna pa, Hahaha.

Nasa may kalagitnaan kasi kami ngayon sa papuntang mall at school. Pero mas malapit na ito sa may school. Ito ay sa may malawak na damuhan. At sa may road para sa cars. Basta parang pang... park. Pero iisa lang talaga ung bench -__-.

Pagkatapos naming magpahinga dun sa mysterious bench ay dumeretso na kaming school at classroom.

--classroom--

Kinuha nila sa amin ung mga pinamili namin. Nagthank you naman sila at kami naman ni jen ay naupo na ulit sa aming upuan... Parang pagod parin ako ah pati siya. Hahaha. Oh well

Pinanuod lang namin silang gumawa ng kakailanganin sa aming play. Ung iba nagmemeasure ng mga height, weight, etc. ng mga kasali sa play. Para ata sa damit na gagawin nila para sa mga may role. Magtatahi kasi ung ibang naassign. Kami naman naka upo lang dito at naghihintay lang sa kung ano ang iutos nila.

Ung ibang mga kasali sa props ay gumagawa rin nang kakailanganin namin sa play.

Ung mga kasama naman sa play ay nag prapractice na at minememorize ang kanilang lines. Ang galing nga nung main characters. Feel na feel talaga nila. "Galing nila ano?" Lalo na ung mga leading roles.

Pabulong na tanong ko kay jen. "Yes" ang tanging nasagot niya. Bigla naman akong napatingin sa kaniya.

Binabasa pala niya yung script nung play. Seryoso niyang binabasa 'to. Wow "Interested ka ba dun sa play?" Tanong ko sa kaniya. "A bit" ang kaniyang sinagot. Aba rare to ah.

Interested daw siya. "Bakit naman?" tanong ko ulit sa kaniya "wala ka na dun" sabi niya. "Eh wala naman talaga ako dun ah, nandito ako" sabi ko na may nakakalokong ngiti sa kaniya na parang ikinairrita niya. "Che" hahahaha cute.

Tiningnan ko ung relo ko, 5:50pm na pala. Bilis naman ng oras. "Luc  kumuha ka nga nang mga tools sa may storage room, na malapit sa may gym. Para sa gagawin naming parang bahay." Sabi ni Paula. Tapos may inabot na papel. Wow ha puro papel ngayon. "Ok" sabi ko kaya tumayo na ulit ako. "Wait san un?" Tanong Ko kay jen. Umalis na kasi si paula. Tumayo siya at naglakad. "Follow me" sabi niya habang hawak parin ang script. Hahaha intetested tala siya.

Naglakad na kami papuntang storage room daw. Hindi ko naman alam ang daan kaya let jen lead the way Hahaha. Kaya nga sumama siya eh.

Nung nasa tapat na kami ng storage room daw. Binuksan na niya ung room. At may sinabi siya tungkol sa pinto ata.

Un lang kasi ang naintindihan kong word sa sinabi niua. Hindi ko kasi masiyadong nakinig ung sinabi niya. kasi ang hina nang boses niya, tapos pumasok na kami.

Mediyo maliit ung room. Walang bintana.. ata at wala ring ilaw. Madilim eh. Tapos sabi malapit sa gym, ang layo naman pala. -__-

Kinuha na namin ung mga kailangang tools pero may hindi kami mahanap na dalawang bagay. Ang martiliyo at pako. Importante pa naman un.

Hinalungkat namin ung mga gamit dun at sa wakas nahanap na namin. Hahaha. Nagkalatan pa ung pako, kaya pinulot pa namin lahat. Hahaha

Palabas na kami ng room. Si jen ang nauna dahil dala ko kasi lahat ng tools, kaya full ang hands ko. Nung hawak na niya ang doorknob. Pinihit niya ito.... pinihit niya ulit ito. Hanggang sa pinihit niya ulit ito nang paulit ulit. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. "Sinaraduhan mo ba to?" Taning niya niya. "Oo. Bakit?" "adfusigt Nalock tayo!!!!" "WHAT?!"

-------

A/N:

Nakakabitin ba? Hahaha sorry po. Effects lang po yan hahaha (tama ba?) Ah basta. Thank you for reading. Hope you wait for the next UD

Sorry kung may mga mali o kaya naman baduy yung story o kaya maunti. Wala po talaga ako sa mood....

Vote, Comment and Enjoy!!! ;D thank you♥

My Secret ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon