Chapter 2 - The New Student.

3.9K 176 10
                                    

[Jen's POV]

( the next Morning in school)

nakaupo na ako sa upuan ko (malamang) at nagbabasa ng libro. " Did you hear that there is a new student? " bulungan ng mga kaklase ko. but Seriously bulungan pa ba to? " weh di nga? Lalake daw ba o babae? " tanong ni girl 2 " Hindi ko rin alam, basta daw kasection natin. " sagot si girl 1.

Ganyan ako di tinitingan ang mga.taong pinapakinggan ko kaya di ko kilala kung sino ang nagsasalita XD. " Sana lalakeng gwapo. Pag babae naman sana maganda. Well I'm not expecting naman, pero un ang gusto ko " sabi ni girl 3. Wow ha New student lang po yan. In short TAO rin yan.

Tapos ng chikahan nila biglang dumating si advicer na si mikka. " Good Morning Class, I know that you all have heard of the new student today. Please come in and introduce yourself " Sabi ni ma'am.

[Luc's POV]

" Please come in and introduce yourself " pagkasabi na pagkasabi nun ni Ma'am pumasok na ako at humarap sa mga magigi kong kaklase at nagpakilala.

" Hello everyone I'm Francois Luc Alphonse, just call me luc.As you can see I'm a boy. I'm half French and Half Filipino. Nice to meet you all. " Pag iintroduce ko nang biglang nag " kyaaaaa!!!♥" ang mga babae. Ano nga baga tagalog dun? nagtilian ba yun? hai nako basta.

Pero may isang hindi nag sigaw. Nagbabasa lang siya ng libro niyang hawak. Para pang walang pakialam sa mundo at di alam ang mga nangyayari. Sino siya?

" Ok hmmm.. where will you sit. Ah! over there at the back sit. Where no one is sitting. " sabay turo ni ma'am sa katabi nung babaeng may libro. " ok ma'am " i answered to her. Katabi ko pa tong babaeng to. Parang sobrang tahimik niya. Baka mapanis laway ko pag ganun.

" Hello I'm luc nice to meet you. " sabi ko sabay offer ng handshake. Tapos ang sinagot niya lang ay "hm". Napapahiya na ako dito kaya binaba ko na kamay ko. "What's your name? " tanong ko ulit sa kaniya habang naka ngiti. "......" wala man lang sagot mapapanis nga talaga laway ko dito!

" Okaay." ang tangi kong nasagot. Ano ba tong babaeng to. Hindi manlang nasagot. Basa lang ng basa. May problema ba siya?.... Wait parang nakita ko na siya. Hmmmm. isip ako ng isip ng mga tao.

Pero wala parin talagang lumalabas na taong kamukha niya sa utak ko. Kung Tanungin ko nalang kaya siya. Tama para wag na akong maghirap pa " Have we met before? " tanong ko sa kaniya. Pero wala talagang sagot na lumabas sa bibig niya.

Hinintay ko nalang mag lunch tutal wala naman akong makakausap na matino dito. Bakit may nakakausap ba ako? nga naman wala nga pla XD.

*Bell ringing*

Yes lunch na. Mabilis kong kinuha ung bag ko at tumakbo na. Baka kasi pagkaguluhan pa ako ng mga kaklase ko. At tadtaran ako ng mga tanong. Una kong pinuntahan ang gusto kong part ng schools. Ang ROOFTOP. Oo favorite place ko yun. Pero pagkapunta na pagka punta ko dun. Nasa pinto palang ako. Nakita kong mag isa ung katabi ko dito sa rooftop.

Nakain lang siya at wala nang iba pang ginagawa. Naisipan ko naman obserbahan siya kaya kumain nalang ako sa may likod ng pintuan na medyo nakabukas ung pinto.

Natapos na siya sa pagkain at niligpit niya ito. May bigla siyang nilabas sa bag niya. Ito ay SKETCHPAD?! Anong gagawin niya dun? Kumuha rin siya ng pencil at eraser? Bakit kaya?

Luc naman common sense. Malamang magdrawdrawing. Oo nagdrawdrawing siya ngayon. Ta-Tapos NG-NGUMITI!! Marunong pala siyang ngumiti. Kala ko hindi.

Maya maya lang ay tinago na niya ang sketchpad niya at tiningnan niya ang relo niya. Kaya napatingin din ako sa relo ko. MAGTITIME NA!!! Agad kong inayos ang pinagkainan ko at tumakbo na papuntang classroom.

Mga kaunting oras lang ay dumating narin ung katabi ko. Hindi ko parin alam ung name eh kaya si katabi muna hahaha :D

Natapos na ung kalse namin ng panghapon. Biglang may nag approach saakin na lalaki." Hey Luc I'm Alex nice to meet you. Can you understand filipino language? " tanong nung lalake. English kasi ako ng English eh.

" Nice to meet you too. And yes I can understand tagalog. " Sagot ko sa kaniya. Mukha naman siyang mabait. "Malas mo Pre. Katabi mo si Jen"-Alex. Huh bakit naman? Ano bang mero sa kamiya? "Why? is there something wrong about it? " Tanong ko naman sa kaniya

" Kasi nga wala siyang pake alam sa lahat, puro studies lang. Hindi siya Ngumingiti at wala pang nakakakita sa kabiyang ngumiti. Hindi siya umiimik, pero pag kailangan talaga umiimik siya. Isa pa maraming takot diyan, kasi pagniloko mo siya o may nasabi kang masama sa kaniya... Mararanasan mo ang HELL." yan ang explanation ni alex.

" Why? " yan ang tanging natanong ko. " kasi alam niya lahat nang tungkol sa kaklase natin at sa iba pang tao. She will make you suffer from everything. Hindi ka niya tatantanan hanggat bawiin mo ang mga sinabi mo o kaya magsosorry ka sa kaniya. Kaya wala masiyadong lumalapit sa kaniya, pag kailangan lang. Para ngang nagsasaya pa siya pag may nakita siyang nasasaktan o natatakot sa kaniya. " explain niya

" So she's like a sadist? or a nightmare? " sabi ko na puno ng pagtataka. " hmm O-oo parang ganun na nga. Pero daw pag nakinig mo ang boses niya parang anghel daw. Kaso nga lang kakaunti lang ang nakakakinig ng boses niya, Tahimik kasi. Di naman ako sigurado kung totoo un." sabi ni Alex.

" hmm... ok Thanks for the tips. I will ba going now. " sabi ko sa kaniya. Pupunta pa ako sa parents ko eh. Tatawagan nanaman nila ako pag nahuli nanaman at papagalitan.

" No biggy. Aalis na rin ako mamaya. Ge una ka na. " sabi ni Alex... Nacucurious tuloy ako dun sa babaeng yun. Ano nga baga daw sabi ni alex na pangalan niya.... Ah Jen. Jen pala pangalan niya. Well atleast nalaman ko pangalan niya.

Umalis na ako sa school at dumeretso sa mall nandun kasi magulang ko nag wowork pero lagi lang naman si dad ang nandito. Mami ko kasi French at Dad ko naman Filipino so half ako. Mami ko minsan ay nasa bahay lang pero pag nandito si mami , lalanggamin ako sa sobrang kasweetan nila ni dad.

Pero ang saya nilang panuorin dahil nga sweet eh.. Ngayon nandito na ako sa may office ni dad at nalita ko nanaman silang naglalambingan ni mami. " Tama na po nilalanggam na po ako! " sigaw ko bigla. Napatingin tuloy sila pareho sa akin at tumawa.

Oo nakakaintindi si mami ng tagalog. Nageenglish ako sa school kasi.. trip ko lang :D hahaha." Nandiyan ka na pala anak. Halika dito." sabi yan ni dad. " Wag na po nakakaabala lang po ako sa inyo ni mami.

"Maguuli na lang po ako dito sa mall." sabi ko naman sa dad ko. " Ok, then you should come back here later ok? " sabi ni mami. " ok po " sabi ko at umalis na sa office. Napaka sweet nila sa isa't- isa eh... bale nilanggam ako dun eh.

Pero back to Jen. Kukulitin ko siya nang kukulitin hanggang siya ay umimik. Sisimulan ko yan bukas. Nakita ko nanaman siyang ngumiti, pero mas gusto ko sa harap ko siya ngumiti. So gagawa rin ako ng paraan para pangitiin siya. Lalo na sa harap ko. Sisimulan ko talaga yan bukas.

--------

(A/N:

Sorry po sa mga errors. :) Thanks for reading. Hope you like it.

Vote, Comment and keep on reading po ...Your choice. :D hahaha. Thank you!♥.)

My Secret ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon