Chapter 5 - Change?

2.7K 121 0
                                    

{Jen's POV}

"....Pwedeng itanong kung saan ka nag aaral? at kung anong year mo na?" Tanong ni luc. Na nagpakaba sa akin. WWWAAAA!!! Yan na nga baga eh. Ang Mga tanong na hindi maiiwasan. Sasabihin ko kaya?

"P-pwede naman. S-sa Se-seiyou A-academy ako nag aaral" paputol putol kong sabi. "3rd year H-highschol" dagdag ko pa. WWAAA!!!! Ayan na nnasabi ko na. Wala nang bawian. Wag lang sana niyang mahalata. Wala eh. wala na akong alam na ibang school.

"WEEEH!!!! Pareho pala tayo nang school at pati narin year. Anong Section mo? Pwedeng magi kitang friend?" Tanong niya na para bang excited.

"Ha?! S-secret nalang ung section. Hulaan mo nalang. Para masaya." sabi ko ng nakangiti, pero pilit. "Daya mo naman pa secret secret ka pa." sabi niya habang naka pout.

Hindi bagay sa kaniya. "Ung friend naman ay.... b-bawal" Sabi ko nang naka tungo. Kailangan kong protektahan ang aking secret kaya tapat lang. Yep Yep tapat lang to. Push natin to!!! hahaha

"Bakit naman?" tanong niya sa akin. pero nakatungo lang ako. "Basta bawal" sabi ko naman habang nakatungo parin. Nakain nga rin ako ng fries habang naka tungo eh. Hirap pala nun. Ngayon ko lang na feel.

"Oh well pipilitin at pipilitin din naman kita tuwing pupunta ka dito" sabi niya, kaya napa tingin ako sa kaniya. Naka smirk siya. May binabalak si kuya... "WHAT?!! WHY?!!" Pasigaw na sabi ko sa kaniya, kainis ha, sabi nang bawal. "bakit ikaw ba ang nag o-order sa akin. I have my own will and my own choices. So words won't stop me" sabi niya na para bang nag mamayabang.Kainis eh, yabang.

"Edi ikaw nang magaling. Pero hindi mo naman alam, malay mo Ayaw talaga, tapos mamaya nasasaktan mo na pala." sabi ko sa kaniya. "eh Anong connect?" un ang nasabi niya. "Wala... kumain ka nalang" Sabi ko. Di ko rin alam ang pinagsasabi ko eh. Natatawa naman siya. Napapahiya na ako dito sa lalaking to eh.

Maya maya lang eh tiningnan ko ah relo ko. "AAHH!! 8 O'clock na pala. Sorry ha. kailangan ko nang umalis. By the way, thanks for the food" Tapos tumayo na ako. "Sige sa monday nalang ulit" sabi niya sa akin. Na nakangisi ata. Di ko na siya sinagot at tumakbo na pauwi....LAGOT AKO NITO!!!

----

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. "BAKIT NGAYON KALANG HA?" Sigaw sa akin ng mami ko. "N-natagalan lang po maghanap ng L-libro" sabi ko kay mami habang nagpipilit ngumiti.

"Hai nako. Sige na at magpalit ka na ng damit mo at kakain na tayo. Pati next time gandahan mo ang excuse mo." sabi ni mami habang papunta sa kitchen. Moms really can see through lies -__-'' walang takas eh. "hahaha sorry po" yan lang ang nasabi ko kay mami. Sabay kamot sa ulo.

Ayaw kong sabihin na may kasama akong lalake. Kase baka pagalitan ako o kaya naman pagtripan pa. Tapos sasamahan pa ni anj.

Tumaas na ako para magpalit at mahiga ng kaunting oras... Maya maya din ay tinawag na ako ni mami.

Kaya bumaba na ako. At umupo na sa may hapag kainan.

"So how's life?" Tanong ni anj saakin habang naka ngiti. "Well boring, I think" sabi ko sa kaniya. "Humanap kana kasi ng LOVE life." sabi niya sa akin ng naka ngisi. "ANJ alam mo naman na may rules ako. di ba?" pasigaw kong sabi sa kaniya.

Oo ang may alam lang ng rules ko ay sina mami at anj. wala nang iba pa. "Aaaiiii GUSTO MO NAMAN PALA EH.Pumipigil lang ata sau ay yung rules mong yan. Kung punitin mo na kaya yan at wag mo nang pakialaman o kaya naman Go against the rules" sabi ni anj. naka ngisi parin. " Bakit pa kasi nag gawa ka pa ng rules na yan?" tanong ni mami sa akin. "Dahi-- Bakit nga ba?"

Tanong ko sa sarili ko. Why did I make it in the first place. "Basta ang alam ko lang nun gusto kong magka maganda at tahimik na buhay nang pagiging highschool ko" paliwanag ko sa kanilang dalawa.

" May pagka sira pala si Ate mami. Mas lalo kayang sasama ang buhay mo pag may rules rules ka pang nalalaman" sabi ni anj sa akin na parang nagagalit "heh! bahala na nagawa ko na eh. There is no turning back. Pati ayaw ko pa ng love life" sabi ko sakanila sabay subo ng pagkain. "Edi magbago ka pauti uti." sabi ni mami. "Nagdedeny pa si ate. Gusto naman talaga" sabi naman ni anj na naka smirk nanaman. "heh! Bahala kayo diyan" sabi ko. Tapos kumain nalang ng tahimik. Pero sila nagtatawanan dun. Hai Gusto ko lang gawin un, kasi it's part of my character.

Pati ayaw kong makita nila ang other side ko. Baka mamaya masaktan lang ako at hindi nila i-accept ang side kong yun. Sasabihan nila ako ng WIERD o kaya naman.... Ah! basta. problemahin ko pa. Ipag patuloy ko nalang ang nagawa ko na at na startan ko na.

Pagkatapos naming kumain bumalik na ako sa kwarto ko at nag review na. Malapit na ang exam eh.

Habang akoy nagrereview nakita ko bigla ung phone ko. Para san ba tong phone na to kung wala naman akong friends o mga textmate? Bahala na pang Emergency lang naman daw ito sabi ni mami. Kaya nga lang di ko masyiadong nadadala ito tuwing naalis ako hahaha. Di ako sanay ng may ganung bit bit eh.......

*sigh* What a long tiring day it was today.

------

{A/N:

Happy reading. Sorry sa mga mistakes. :D kung naiklian kau sorry wala ako sa mood eh. (Ang Moody aman.) Next week ko po sisimulan ung announcement. Well thanks for reading♥

Vote, Comment and wait for the next update. Thank you♥ :)}

My Secret ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon