[Luc's POV]
Hello po na miss niyo ako noh? Hahaha joke lang.
Nasa classroom na kami at siyempre hapon na At WALANG subjects... YES!! Dahil daw mag preprepare kami para sa School Festival. Nalalapit na kasi, 2 days nalang kaya para mag prepare. Aba mahirap yun kakaunti nalang oras namin.
Kaming mga props ay nag by pair... at *tentenenen partner kami ni Jen. Hahaha so much for being meant to be.
Kami ay na assign sa pagbili ng mga kailangan namin sa play at kami na rin ay utusan hahahah ang weird ng term. Basta ganun, yun na yun.
"Jen, luc, bumili nga kayo ng nakalista dito. Sa may mall nalang para mabilis." Sabi ni joan na isa sa nga naggagawa ng mga props. At binigay saakin ang listahan. Si jen naman tiningnan lang ang listahan at binasa.... malamang.
Umalis na kami sa classroom para pumunta na nang mall. At nung nasa gate na kami ng school Hindi pa kami pinapayagan nung guard lumabas ng school. Pero may advicer's slipt na binigay si jen.... san niya yun kinuha?.... bahala na nga.
Nung papunta na kami sa mall na lagi kong pinupuntahan. Siyempre kaming may ari eh. On the road, ay kinausap ko siya. "Anong hilig mong gawin?" Tanong ko sa kaniya. Habang nakatingin sa daan. "Alam mo na." Sabi niya. Tipid talaga niyang umimik. "Hindi kaya" sabi ko sa kaniya habang tinititigan siya.
"Don't stare at me" mediyo malakas niyang sabi habang nakatingin siya sa daanan. Hahaha Yes nalakas na boses niya. "Why? you don't like it?" sabi ko habang naka ngisi."Yes" mabilis niyang sabi. "Uy nagdedenial pa.... tama ba?" sabi ko sa kaniya na ikinairita niya. Hahahaha ang cute niya talaga pag naiirita. "Alam mo ang cute mo" sabi ko sa kaniya, siyempre totoo naman eh. "Huh?!" Sigaw na sabi niya kaya mas lalo akong natuwa.. "Hahaha wala sabi ko cute ka" sabi ko ulit sa kaniya. Tapos tiningnan ko siya sa mata. Kaya nagkatitigan kami. Kaya napatigil kami...after 5 or 10 seconds... "bahala ka na nga diyan" sabi niya sabay nauna na. Namula ba siya?.. Hahaha cute.
---Mall----
[Anj's POV][little sister ni jen]
Hello there.. hahaha first time mag P-Pov ahh. Salamat naman po at meron ako author.
--
So ayun na nga papunta ako ngayon sa mall kasama ang best friends ko. Na sina Arie (girl) at Rij (boy) at sa tingin ko ay nagkaka developan na. Hahaha, di ko lang sure.. pero parang oo.
Nung nasa mall na kami nag window shopping lang kami. Tapos maya maya rin ay kumain kami ng merienda.
Well siguro nagtataka kayo kung bakit kami nasa mall ng hapon. Kasi nga half day kami ngayon d ko lang alam kubg bakit eh. kaya naguli muna kami dito sa mall.
Pagkatapos naming kumain nag uli uli ulit kami. Tapos nakita ko si.... "ATE?!" Pabulong na sigaw ko. "Huh?!" Sabi nung dalawa. "Ah wala. Sige una na ako. Magdate muna kayo diyan" sabi ko sa kanila nang naka ngisi, na nagpapula sa kanilang dalawa. Hahaha.
"Ge bye" sabi ko sabay alis. Hahaha. Siguro alam niyo na ang gusto kong gawin. Siyempre sinusundan SINA ate. Kasi naman may kasamang LALAKI. Rare kaya to... Hala baka ito na ang Love Life ni ate. Masundan nga. Well ano na ba ang ginagawa ko. Hahaha.
Pumunta silang dalawa sa bookstore. Bibili ata ng mga gamit.
Mukhang irita si ate ahh. Napatingin naman ata sa akin ung lalaki at biglang ngumiti. Napa titig naman ako sa kaniya....WWWAAHHHH Ang GWAPO niya.
Bagay na bagay sila ni ate. Boto na ako sa kaniya para kay ate. Hahaha.
"What are you looking at?" Nakinig kong sabi ni ate. Nasa likod lang kasi nila ako. Well may harang naman na lalagyian ng gamit. Kaya nung tumingin sa pwesto ko si ate nagtago agad ako dun. "Nothing. Bakit mo tinanong? curious ka ba sa tinitingnan ko?" Rinig kong sabi nung lalaki. Wow boses palang gwapo na. Hahaha. "Che" sabi naman ni ata. Hahaha sweet.
May kinuha si ate dun sa lalake na isang papel. Tapos lumapit ung lalake kay ate. Kkyyyaaaa sovrang lapit na nila sa isa't isa. Para bang pisngi sa pisngi. Kasi nasa likod ung lalake tapos nag lean forward para makita rin ung nasa papel. Kaya parang nakapatong na rin ung ulo nung lalake sa shoulders ni ate.
Bigla namang tumuro si ate sa section ng mga cartolina. Kaya pumunta sila dun. Kumuha sila ng maraming cartolina... para san un? Bahala na nga basta susundan ko lang sila. Hahaha
Para nga akong t*nga dito eh. Para na akong stalker. Pinag titinginan na rin ako. hahaha pero ok lang, gusto kong mapanuod ang pagkakaron ng love life ni ate. Hahaha naiintriga(tama ba?) ako eh.
Pagkatapos nilang mag uli uli sa bookstore ay nagbayad na sila. Lagi ngang naka ngiti ung lalake. Pinag titinginan na nga silang dalawa. Pero si ate parang irita na talaga. Hahaha for the first time ahh. Sana ma update ako sa kanilang relationship. Hahaha. Parang masaya ang mangyayari ahh.. Abangan natin yan guys...
to be continued...
hahaha joke lang. Hindi pa dito nagtatapos ang pag stastalk este pagsunod ko at ang POV ko. Hahaha hindi ako stalker ha. Naiintriga lang talaga ako.
Pag kaalis nila sa bookstore ay nag lakad na sila paalis ng mall. Bit-bit nung lalaki ung mga pinamili nila kahit sobrang dami. Gentleman ahh. Pero nasa left hand niya lahat at nasa left side siya ni ate. Hindi kaya siya nabibigatan?
Biglang hinawakan nung lalaki ang left hand ni ate at biglang tumakbo sila. Nakaladkad ata si ate eh. Nagtaka naman ako at sa tingin ko nagitla rin si ate. Nakita ko ng kaunti ang mukha ni ate eh. Hahaha. Parang nanunuod lang ako ng anime eh.
Sa tingin ko nahalata na niya ako kanina pa nga ata eh. "What a smart boy" bulong ko sa sarili ko.
Hahabulin ko pa sana sila. Pero matalino ako. Hindi ako magpapagod para lang mapanuod sila. Hahaha gutom na rin kasi ako Kakasunod sa kanila habang nagtatago. Bilis kong magutom noh? Kahit kakakain ko lang.. well mag fi-five na naman so ok lang kumain na lang ulit, but this time dinner naman. Xd
Kaya pumunta na ako sa Mcbee. Kung saan kadalasan na kinakainan ko dito sa mall. Yeah being alone is so great.. sa kabaliktaran.... nagstay ako dun hanggang matapos kong kainin ang pagkain ko. Tapos umuwi na ako.
Yan pwede nang sabihin ang
To be continue...... hahaha
-----------
°A/N
Hello po sana po naenjoy niyo po. Hahaha. Sorry kung may mistakes.
Sa tingin niyo anong kasunod na mangyayari?.... abangan. Susunod. Hahaha
Vote, Comment, Enjoy and wait for the next UD Thank you♥
BINABASA MO ANG
My Secret ♥
Teen FictionI have my own secrets to keep and i know you guys have one too. Everyone has one secret right. One or maybe more secrets that you all have to keep for yourself. Like secret crush, love, being a secret mafia, gangster, spy. Secretly being sad, depre...