Chapter 21

6 2 3
                                    

Zia's Pov

Naka tayo lang ako at prinoproseso yung mga nangyayare habang silang lahat ay nagsi lapitan na. Pa'no? How?  Bakit andito yang mga 'yan? Hindi naman sa ayaw ko pero gagi unexpected 'to.

Naka tingin lang ako kay Azyl habang nakiki pag greet siya sa mga kaybigan ko, halatang inaasar asar pa siya dahil kinamot niya yung batok niya na parang naiilang. I couldn't help but smile upon watching her.

Nanlaki agad yung mata ko nang lingunin niya ako at nag smile nang slight! Enebe?! Pere nemeng tenge! Umiwas ako ng tingin while pursing my lips at tinatago yung ngiti, halata namang namumula yung pisnge ko dahil feel ko yung init do'n.

"Hi." She greeted.

Mahabaging Dios I feel like my heart just skipped a beat! Nilingon ko siya at nag smile din.

"H-hi," nauutal na sabi ko.

Una sa lahat bakit ako nauutal?  Pangalawa bakit ako kinakabahan? At higit sa lahat why is she giving me head pats?

"Ano ba kinikilig yung tao eh!" Sabi ko habang tumitingin sa dagat.

"Is that why you couldn't look at me in the eye, Luzia Marie?" Mapang asar na tanong niya.

Nilingon ko siya at tinignan sa mata. "I wouldn't mind getting lost in those beautiful eyes of yours." Hindi ko nalayan na nasabi ko at nanlaki naman yung mata niya pero agad ring naka recover.

"Ehem," tumikhim siya. "I think we should go they're already going inside."

Tumango lang ako at sabay kaming nag lakad papunta sa mga kaybigan namin at hindi maitago ang ngiti.Ang swerte ko na talaga ata parang feel ko na isa na ako sa mga favorite ni Lord.

"Iba yung ngiti mo ah?" Mapang asar na tanong ni Trev.

"Sinong hindi ngingiti ng ganito kung sa hindi mo inaasahan bigla bigla nalang sumulpot yung crush mo," sabi ko at ngumuso kay Azyl na nasa unahan na.

"Pansin ko nga," aniya. "Your eyes twincle and smile everytime you look at her."

"Pa'nong twincle and smile ba? Ganito?" I said habang kumukurap-kurap at tumawa kaming dalawa.

Tinignan ko ulit si Azyl at napansing naka tingin siya sa 'min. I smiled at her but she just looked away, huh? Ano kayang nangyari do'n?

"Ate Selsa!" Masayang sabi ni Brylan at hinug si ate Selsa.

"Ay jusko Brylan Eziekel! Para paring bata kahit napaka laki na," sabi ni Ate Selsa at kinurot pa ng mahina yung tagiliran ni Bry. Tatawa tawa naman kaming lahat habang pinapanood sila.

"Ate naman eh! Hindi mo ba ako namiss? Kasi ako namiss kita." Parang bata na sabi ni Bry.

"Syempre naman na miss kita! Ako kaya nag lalagay ng diaper mo kapag wala yung mommy at daddy ninyo," masayang sabi niya.

"HAHAHAHAH hindi kapa tuli no'n bro," tumatawang sabi ni Ashton.

"At hindi kapa nang chichix no'n, kuya," sabi ni Brielle.

"Ayna magsi tigil nga kayo, nako talaga." Pag sita ni ate Selsa. "Nandito nga pala yung kababata mong si Kel."

Kel siguro yung pangalan nung pogi kanina.

Speaking of the pogi kanina lumabas nga ito galing sa kusina na pawis na pawis at walang suot pang itaas! Umiwas agad ako ng tingin kasi parang pinag tataksilan ko si Azyl kapag tumingin ko.

Flying With Destiny Where stories live. Discover now