7. Teach him

3 1 0
                                    

"Smile though your heart is aching, laugh though your heart is breaking." 💘LB

Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari simula nung magkita kami sa Restaurant hanggang sa kung paano ako napunta rito. Nang makatapos naman ako ay siya ring labas ni Jenny, mula sa kwarto.

"Jenny kumusta si Zaen?" tanong ni Diane

"She's fine, pero hindi pa rin siya nagigising. " sagot niya 

"Ano sa tingin mo ang dahilan bakit siya nawalan ng malay?" tanong ko sa kanya

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Ano bang ginawa mo?! Bakit siya nagka ganoon?! she asked more like accused

"I don't know what happened, all I know is that we were talking and then, bigla kong napreno ang sasakyan. The next thing I knew she was catching her breaths. I thought may asthma siya or what, I tried asking pero hindi niya ako sinasagot. Nung medyo kumalma na siya bigla naman siyang bumaba ng sasakyan."

"Nag iisip ka ba? You were with her for almost 3 years before, seriously asthma?" parang di makapaniwalang sabi niya sa akin

"Hindi naman lahat alam ko tungkol sa kanya" katwiran ko

"Oh yes!, How can I forget you don't even know she was i--" di niya natapos ang sasabihin niya

"Jen, calm down please, we'll talk about it later. Kumalma ka muna okay?" Agad na sumingit si Elsie sa pag uusap namin ni Jenny. Nagtitigan sila at animong sa ganoong paraan ay nagkaintindihan na sila.

"I think you need to go Drake. Salamat sa paghatid sa kanya dito." hinila ako papunta ng pinto ni Diane

"Pero-" di ko na natapos pa ang sasabihin ko

"Kami na ang bahala sa kanya, alam na namin ang gagawin."  dinig kong sabi ni Elsie. Lumingon naman ako kay Jenny na malayo ang tingin, pero nakakuyom ang kamao na parang sa ganoong paraan niya pinipigilan ang sarili.

May hindi ba sila sinasabi sa akin?

'Eh ano namang sasabihin nila sayo?'

Hindi man kami lubos na magkakilala ni Jenny alam kong mabait siya pero alam ko ring iba siya pag nagagalit. At hindi ko maisip kung anong nagawa ko para magalit siya sa akin ng ganoon. Bago naman sila naging kaibigan ni Fierra ako ang laging nasa tabi niya.

~End of Drake's Pov

Fierra Zaen

Nang imulat ko ang mata ko, ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagtantong narito ako sa kwarto ko.

'Paano ako napunta dito?' 

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala, dahil ang huling natatandaan ko ay nasa tapat ako ng gate tapos ay nakaramdam ako ng hilo. Wala na akong ibang naaalala pagkatapos noon.

Napa-angat ang tingin ko sa pinto ng may marinig akong katok

"Zaen? Gising ka na ba?" boses iyon ni Elsie. Tumayo ako at binuksan ang pinto

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tumango naman ako

"Ayos naman ako, pero hindi ko maalala kung anong nangyari." tumango naman siya

The Sweet Girl No MoreWhere stories live. Discover now