"She is a beautiful rose, to be able to touch her, are you willing to be prick?" LB💘
FIERRA ZAEN
Nang makababa sa bus, ay agad kong tinawagan ang number ni Mr. Pablo ang secretary na nakausap ko. Dahil hindi ako pamilyar dito ay pumayag ako sa pakiusap niya na sunduin ako pahatid sa opisina ng boss niya.
"Kumusta ho ang biyahe Mam, hindi naman ho kayo natraffic?" tanong ni Mr. Pablo
"Ayos lang naman po, mabilis lang din po ang biyahe" sagot ko
"Mabuti naman po kung gayon, tayo na ho at nang maihatid ko na kayo sa Opisina" tumango lang ako at sumunod na sa kanya papunta sa kotse.
"Ito ho ang driver ni Sir, si Ka Nato" pakilala niya sa matandang may kaputian ang kutis na nakaupo sa front seat. Gumanti lang ako ng ngiti ng ngumiti siya sa akin.
Palagay ko ay nasa mid 60's na si Ka Nato, habang si Mr. Pablo naman sa palagay ko ay nasa Mid 40's or Early 50's na ang edad.Tahimik lamang kami sa biyahe hanggang sa huminto na ang kotse sa tapat ng isang may kalakihang building na gray.
"Narito na ho tayo Mam." Sambit ni Mr. Pablo
Pagkababa ng sasakyan ay agad na tinungo namin ang Elevator. At nang marating ang 7th Floor ay bumaba na kami. Iginaya niya ako sa Visitors Lounge
"Dito muna ho kayo maupo Mam, titingnan ko lang po kung tapos na ang meeting ni Sir." Tumango lang ako at nagpasalamat , bago umupo upang hintayin ang abiso niya.Kinuha ko naman ang phone ko at, tinext sila Elsie, Diane at Jenny na nakarating na ako. Ilang saglit lang ay may narinig na akong pamilyar na yabag ng sapatos. Kaya agad akong nag angat ng tingin.
"Mam, tayo na ho. Hinihintay na kayo ni Sir sa loob." Ani ni Mr.Pablo
Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka sinabing
"Hanggang dito na lamang po ako Mam, " paalam niya
"Salamat po sa paghatid Mr. Pablo" pagkilala ko tumango naman siya at ngumiti.Nang tuluyan na akong makapasok ay namataan ko ang lalaking medyo may katandaan na sa tingin ko ay nasa mid 50's na ang edad.
"Magandang Hapon po" bati ko, agad naman siyang nag angat ng tingin.
Bagaman may pagka seryoso ang mukha ay ngumiti siya ng bahagya.
"Magandang Hapon din Iha" bati niya pabalik"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, I'm Samuel Gregory Adam" inilahad niya ang kamay sa akin, ako naman ay napatulala sa kanya. Magka apelyido kami. Nang makabawi ay inilahad ko rin ang aking kanang kamay
"Fierra Zaen Adam po, pleased to meet you" bakas din ang gulat sa mukha niya, marahil ay nabigla na mag kaapelyido kami. Kumunot ang noo niya saglit bago nagsalita.
"Are we in some way related?" Tanong naman niya. Pinakatitigan ko naman siya, di sigurado sa nararamdaman kong kaba.
"I don't really know Sir." Maingat na sagot ko.
"To be honest to you Iha, bilang lang sa kamay ang Adam sa bansang Pilipinas. Ako naman ay walang asawa at anak, kaya kung iisipin ay maaaring kamag anak kita." Saad pa niya ngunit nananatiling tikom ang aking bibig, hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng parents mo Iha" tanong niya
"... A Alfredo Adam at Martina Adam po" parang may rumihistrong pagkilala sa mukha niya na may halong pagtataka
"Ang papa mo ay si Alfredo Adam? Ang lolo mo ba ang pangalan ay Christopher Adam?"
"Y-yes Sir" sagot ko na napupuno ng pangamba, ngumiti naman siya
"Akalain mong nagkaroon pala ako ng pamangkin ng hindi ko alam?" Animong di makapaniwalang sambit niya, habang ako ay naguguluhan,
Ang alam ko walang kapatid si papa.
"Kapatid po kayo ni Papa?" Tanong ko
"Naku hindi iha, magpinsang buo kami. Matatagal tagal na pala, hindi ko alam na nagkaanak siya, at babae pa."
"Bakit po?" Tanong ko naman
"Nakakainggit lang, dahil pangarap ko dati yon, anyway. Let's have a seat, kanina pa tayo nakatayo. Baka may gusto kang inumin iha ipahahanda ko"
"Ah ayos lang po ako, salamat na lang po."
"Siya nga pala iha, alam kong sobrang huli na pero. Sorry for your loss. I know its hard for you, maaga kang naulila at sabay pa silang nawala sayo. Basta kung may kailangan ka, don't hesitate to approach me.I'm more than willing to help." Tumango lang ako
"Salamat po, sa totoo lang po I don't really know what to say or feel. Hindi ko rin po kasi alam na may pinsan si papa, I don't know any relatives except sa lo- ... , except po sa parents ni Papa"
"Same iha, but may I ask kaano ano mo ang may ari ng lupa? You are here to represent the owner right?"
"Opo, actually po Tita ko siya, kapatid po ni Mama, nasa London po kasi si Tita France kaya ako po ang pinag aasikaso niya. "
"I see, well. Sa tingin mo ba willing talaga ang tita mo na ibenta ang Lupa I mean as far as I know Manahan ang Lupa na iyon, nakonsulta ka ba niya dito?"
"Sa totoo lang po kay Tita na lang po nakapangalan ang Lupa, ever since my mother was alive po, sa kanya na ipinangalan ang lupa. My mother refused to take any part of the land, since she's already married."
"So, ibig bang sabihin, ang full ownership ng lupa na iyon ay nasa pangalan ng Tita mo? If you don't mind may I have a look at the land title?"
"Sure po, heto po." Iniabot ko naman ito sa kanya.
"Alright I see, do you have any photocopy of the land title, kung maari sana ay mahiram ko, I'll hand it to my lawyer para mareview niya." Ibinalik niya sa akin ang titulo at inabot ko naman ang photocopy na dala ko
"And one more thing iha, wala ka ba sa poder ng lolo at lola mo? Hindi ka kasi nila nabangit nung last na kita ko sa kanila."
"I was in London po, doon po ako nag aral."
"Oh, so you are living with your auntie? Why is that?"
"Actually Mr. Adam--"
"Call me Uncle, Tito or Tiyo your choice "
"Ah sige po, Tito na lang. In all honesty, eversince my parents died po, I was living with my Auntie France."
"What?! Is that true? But Uncle Christopher and Aunt Isadora are still alive, and I think they were supposedly your poster and if I am right you are still a child back then."
"They sold the house that my father built with his own money, a few weeks after my parents past away. How are they going to keep a child like myself before, when they can't even keep the house their only son has build?" Pagpapakatotoong sagot ko, and I see how disappointed he looked
"I can't believe they did that to you, I am so sorry Iha, I didn't know"
"Its okay tito, wala naman kayong kasalanan, at isa pa nasa nakaraan na po iyong lahat." He then smiled at me
"Alfred and Martina are so blessed and lucky, they had a daughter like you"
"I was lucky to have them as my parents po Tito, kahit mabilis lang ang naging pagsasama namin. It was the best part of my life. "
YOU ARE READING
The Sweet Girl No More
RomansaShe likes him, but he does like someone She came to know it, he did tell it She was broken, he was enjoying the feeling of liking someone She had sworn to never fall to the same person, while he had his mind running thinking to someone he likes She...