"Eyes can see how diamonds shine, but only those that are pure and true shines the brightest from within" ~LB 💘
Tahimik lang kaming nakaupo sa kotse walang umiimik hanggang sa di na nakapag pigil si Diane na katabi ko dito sa back seat.
"I still can't believe you Elsie" saad niya
"How can you forget that?" Di makapaniwalang sabi pa niya
"I'm sorry, okay? Alam niyo namang di ako nakapag kape sa kakamadali niyo" sagot niya naman
"Anong konek?" Tanong ni Diane tahimik lang kami ni Jenny na nasa passenger side
"Patay pa ang dugo ko" sagot niya naman, nagkatinginan kaming tatlo deretso namang nakatingin sa daan sa Elsie
"So, patay pa ang dugo mo hanggang ngayon?" Tanong ko tumango naman siya tapos ay umiling napakunot noo naman ako
"Eh ano yung kanina?" Saad naman ni Diane
"Patay pa dugo mo nang lagay na yan? Nagwawala ka nga dun sa Airport kanina. Daig mo pa Overblood." Natawa naman ako sa sinabi ni Jenny
"May pa sigaw sigaw ka pa doon Zaen honey babe zaen honey babe, dyosang single" segunda ni pa ni Diane nagulat kami nang pumreno si Elsie mabuti na lang at naka seat belt kami
"Hoyy kayong dalawa!" Sigaw niya na masamang nakatingin kanila Jenny at Diane na magkatapat, habang ako naman ay nasa likod sa tapat ni Elsie. Pasimple kong tinanggal ang seat belt ko I felt suffocated. I breathed, at pinakiramdaman ang sarili ko. I calmed down
"My gosh Elsie!! Papatayin mo ba kami?"si Diane
"Hey Elsie calm down please, " pagpapakalma ko sa kanyaTumingin naman siya sa akin mula sa rearview mirror na parang naguilty.
"Sorry na, ito naman kasing dalawa eh. Ako na nga ang nagda drive" dipensa niya nagkatinginan kami ulit na tatlo binubusinahan na kami ng mga sasakyan.
"Sorry Elsie" sabay na sabi pa ng dalawa
"Apology accepted!" Masayang sabi pa niya. Bago nag drive ulit.
Napangiti na lang ako at sumilip na lang sa bintana. Hindi pa rin sila nagbabago.Si Jennylyn Faith Torres as always beauty and brains pa rin, she's smart and fierce, siya ang protector naming tatlo and the Eldest sa grupo namin the real definitin of badass. She's a Psychiatrist
Diane Quinn Romero, well she's the girly girl, and she hates Math. She's sweet and clingy at heart, the real definition of Fashionista by heart. She's a model and Designer
Elsie Claire Madrigal, she is the magnet of good vibes, she's the smartest pagdating sa kalokohan, happy go lucky she loves art and she's the real definition of a drama queen. I admire her artwork very much. She's a Child Psychologist
Ako? I was a professor of Creative Arts in London for 1 year and a half. Ako ang nerdy noon. No not your typical nerdy girl with a rimmed eyeglass though. Mas madalas akong mag-isa, yes, mainly because it's hard for me to trust and to mingle. I had only trusted one person before. He was my best friend, actually since childhood but he doesn't know it, he doesn't remember me. But then naging magkaibigan parin kami. We were in our last year in junior years when he transferred to our school. We're best friends for 3 years, but then may mga bagay talaga sa mundo na hindi pang matagalan at kasama na doon ang pagkakaibigan namin. Mahirap talaga kapag sa bestfriend ka nahulog, maraming masisira lalo pa kung may iba siyang gusto at sa kanya siya masaya.
We are not on good terms when I left to study in London. I can still remember that day when I got the scholarship grant to study in London, it was my biggest dream.
It was raining that day when I got a phone call from our School Administrator. 12th day of January, when I got the most unforgettable present of my life. Walang pasok that time cause its weekend, but still I rushed to our school para personal na magpasalamat sa mga teachers ko and kay President na supportive sa akin.
I was running for honors, but that was the most special gift I have received that day.
I decided to call him but he did not answer any of my calls, kaya naisipan kong sorpresahin na lang siya with my good news.
Pumunta ako sa bahay nila, akala ko walang tao, nang makapasok ako sa gate ay narinig kong may tumutunog sa bakuran ng bahay nila, agad ko itong tinungo na nakangiti.
Bagsak ang balikat at naramdaman ko ang pagkawala nang ngiti sa aking mukha sa nakita ko.
Kneeling in the center of that space is my best friend. It broke every piece of my heart seeing him kneeling in front of the girl who stole my identity.The girl whom he thought or maybe he really loves. The girl who compete with me for honors. The girl who sees me as a competitor in everything even in him.
She smiled at him lovingly then at me before she answered his question with a kiss.
'Will you be mine?' How ironic, to other people they may see it as sweet but in my point of view those four words cut deep, and it breaks me.
I looked around them his male friends cheering for them. I smiled bitterly a tear escaped my eyes, as I wiped them dry and left.In that very night, it rained heavily as if consoling me. The rain is pouring and I am crying. They found me and I found a new shoulder to cry on, not just one but three.
They protected me, and I am lucky to have them beside me to support me.Mabuti na lang at classmate ko sila, it becomes easy for me to avoid him. Wala siyang alam sa nangyari noong araw na iyon. Never kong nasabi sa kanya na nag apply ako for scholarship sa London kahit ang magandang balita ay hindi niya alam, at di na niya malalaman pa.
Whenever he would try to approach me, andyan na agad sila Jenny, Elsie and Diane to get him out of my space. Kaso may mga bagay yata talagang di natin kayang iwasan.
Flashback
"Iniiwasan mo ba ako Fierra?" nagpatuloy lang ako sa pag lakad na animong hindi siya nakita
"So iniiwasan mo nga ako?" saad niya ng makaharang sa daraanan ko. Tiningnan ko siya
"Hindi ko alam kung ano yang mga sinasabi mo" sagot ko at nag simula na muling humakbang at nilagpasan siya agad kong tinungo ang lamesa kung saan naroon ang mga gamit ko.
"Why?" tanong niya kaya napahinto akong saglit. Kailangan ko ba talagang sagutin lahat ng tanong niya?
"Just leave me alone" sagot ko at isinukbit ko sa balikat ko ang bag ko at niyakap ang ilang librong hiniram ko
"Bakit? May nagawa ba ako?" napatawa ako nang mahina saka siya hinarap
"Wala, wala kang ginawa. Gusto ko lang na lumayo ka na sa akin simula sa araw na to" sagot ko
"Bakit? Bakit kailangan kong lumayo sayo?" tanong niya hindi naman ako sumagot
"Bakit pakiramdam ko may nagawa akong mali kaya gusto mong lumayo ako sayo" umiling iling naman ako, walang patutunguhan ang usapang to. Napabuntong hininga na lang ako at nilagpasan siya. Napahinto naman ako nang biglang sumagi sa isip ko yung nakita ko sa bakuran nila.
"Bakit Drake? Bakit sa tingin mo may nagawa kang mali kaya gusto kong lumayo ka sa akin?" tanong ko, hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya, tumingin ako sa relo ko hinihintay na ako nila Jenny
"Mauuna na ako sayo" paalam ko, pagkapihit ko nang pinto ay bigla niya akong hinila paharap sa kanya. Hawak niya ang kanang palapulsuhan ko na kaninang nakahawak sa doorknob ng pinto
"Meron ba?" tanong niya, "Sumagot ka, sagutin mo ako, meron ba?" dagdag niya hindi ko siya sinagot
"Best friend pa rin ba kita?" tanong niya nag angat ako ng tingin sa kanya.
'Best friend'
Ang sakit na oo, pero hanggang doon lang. Pero mas masakit dahil ayoko na.
Napalibot ang tingin ko sa paligid ko nakakatawa na dito kami matatapos kung saan kami nagsimula.
"I was never your best friend Drake, I never really wanted to be your friend in the first place, wala lang akong choice" napabitaw ang hawak niya sa akin napangiti ako at itinago ang sakit sa loob ng pagkatao ko
"Ayokong magmukhang kawawa sa paningin ng iba na wala akong kaibigan. At nung makita kong mabait ka, kahit ayaw ko, magmukha lang akong hindi kawawa kinaibigan kita. No, let me correct it tinanggap ko ang pakikipagkaibigan mo" hindi makapaniwalang tiningnan niya ako sa mata na animong naghahanap ng kasagutan, kumpermasyon kung totoo lahat ng sinabi ko.
"Ibig sabihin lahat nang iyon, pakitang tao lang? 3 years yon Fierra" nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Good, it's better this way
"Di ko rin nga akalaing aabutin nang ganoong katagal, akalain mo yon ang saya palang paglaruan ka?" saad ko pa
"Pero Drake, Salamat ha? Pero sana next time na magtitiwala ka sa isang tao siguraduhin mong mapagkakatiwalaan din at hindi ka ituturing na laruan. Madala ka na sana sa gaya ko" matapos ko yong sabihin ay tinapik ko ang balikat niya
"Sana sapat na yan para lumayo ka" saad ko at iniwan na siya.
Sunod sunod na nagpatakan ang mga luha ko habang papalapit ako kanila Jenny, kaya agad ko itong pinunasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/241765159-288-k265293.jpg)
YOU ARE READING
The Sweet Girl No More
RomansaShe likes him, but he does like someone She came to know it, he did tell it She was broken, he was enjoying the feeling of liking someone She had sworn to never fall to the same person, while he had his mind running thinking to someone he likes She...