RYLIE'S POV

Aisshhh kasingkulit ng babaeng to ang mga batang 3 years old, basta kung anong gusto nya yun nayun eh, hindi na ako pumalag nung hinila nya ako palabas dahil alam ko namang kukulitin at kukulitin nya lang ako

Paglabas namin ay agad nya akong hinila papunta sa street food vendor, actually di talaga ako kumakain ng street foods kase pinagbabawalan ako ni mama, sakitin kase ako kaya ayaw na ayaw nyang kumakain ako ng di healthy

Pinipilit naman akong kumain ni Bree pero ayoko talaga, pero nung sinabi nyang di sya magdadaldal ng 1 hour, agad ko itong sinubo kahit sobrang init pa, 1 hour na katahimikan na yun syempre di na ako nag atubuling sunggaban

Masarap naman sya, di ko inexpect na ganto pala lasa nya, nagdagsaan ang mga tao sa fishball stand kaya agad akong umalis, tila di ako makahinga dahil sa dami ng tao eh kaya di na ako nagsalita at agad ko ng iniwan si bree, gaya ng inexpect ko sinundan nya agad ako, pinili kong di nalang magsalita sa buong oras na pag lalakad namin, nang makarating na kami sa tapat ng mga bahay namin, bigla nya akong niyakap tsaka sya tumakbo sa bahay nila

"weirdo" bulong ko

Lumingon ako sa bahay nila at andun sya parang tangang nakasilip sa bintana nila, mukang hiyang hiya sya sa ginagawa nya kanina, so i waved goodbye to her at pumasok na sa bahay

"Hi anak, how's your day?" tanong ni mama

"okay naman ma, nakakapagod" sagot ko

"o sya magpahinga kana at ako ay magluluto na ng hapunan natin" sambit ni mama

Tumango na lamang ako at pumasok sa kwarto ko

Agad akong humiga sa kama at naalala si bree, ang kulit kulit ng babaeng yun, napangiti nalang ako nang maalala ko yung sinabi nya kanina, baliw talaga yun bibilhin nya daw ngiti ko

Agad akong dumungaw sa bintana at nagulat ako sa nakita ko

Si bree nakabukas ang bintana at half naked sya, bali parehong nasa second floor ang kwarto namin at magkatapat, agad kong sinara ang kurtina ko sa gulat

What the freakkk, hindi ba aware yung babaeng to na may kapitbahay sya, dahil sa kyuryosidad ay sumilip akong muli, nakabihis na sya, kumunot ang noo ko nang makita ko sya sumasayaw, mukang nagsosoundtrip sya

Agad kong kinuha ang camera ko at kinunan sya mg litrato, weird sya pero at the same time masaya syang kasama medyo nakakairita ngalang

Umupo ako sa study table ko at sinubukang magsulat

Matagal tagal narin nung huli kong sinubukang magsulat ng poem, sana marunong pako

She's extraordinary
Her hair was curly
Her eyes was shiny
She acts strangely

Agad kong nilukot ang papel at tinapon ito, bat ko ba ginagawan ng poem yung babaeng yun, kinuha ko nalang ang notes ko at nagbasa nalang, mag aaral nalang ako pero di padin ako makapag focus, huminga ako ng malalim at dumungaw uli sa bintana, nagulat ako nang nakita nyang akong nakatingin sa kanya, agad itong sumenyas ng sandali kaya tiningnan ko lang sya, kinuha sya ng whiteboaed at tila may sinusulat sya

Matutulog kana?

Tumango nalang ako at sinara na ang kurtina ko, humiga ako sa kama at pinilit pumikit

BREE'S POV

Pagdating ko sa bahay ay dumeretsyo agad ako sa kwarto, naligo ako dahil init na init ako, pagkatapos ay inopen ko ang music tsaka ako kumanta, sinabayan pa ng kanta

(now playing: you belong with me)

Gustong gusto ko talaga ang mga kanta ni taylor swift, napapaindak ka nalang

Hello NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon