BREE'S POV

"Goodmorning neighbor" nakangiting bati ni rylie sakin, nilapitan ko naman sya tsaka ko inintertwine ang mga kamay namin, hindi ko alam pero gusto kong laging hawak ko ang mga kamay nya, pakiramdam ako secure ako sa mga tabi nya na kahit anong mangyari ay walang makakasakit sakin

"hey sexy" bulong ko, napatawa naman to ng mahina

Pagdating namin sa classroom ay agad naman kaming umupo ni rylie, i held her hands at mas lalo namang nyang hinigit ang pagkakahawak namin ng kamay

Buong klase ay distracted ako dahil sa kamay ni rylie, di nya ako binitawan kahit nung second subject na

Break time ay nilapitan ako ni marcus at niyaya akong kumain, binitawan naman ako ni rylie, selos yan rylie? Hahaha tinanggihan ko ang alok ni marcus at niyaya ko na si rylie sa canteen at etong babaeng to ay tuwang tuwa naman

As ussual sa likod uli kami, mas maganda din dito sa spot na to kase kaming dalawa lang ni rylie, mas natititigan ko ang mukha nya

"may dumi ba ako sa mukha?" tanong nya

"wala, ang ganda mo rylie" sambit ko

"i know right" nakangiting sagot nya

Kahit di na ako kumain, mas gusto ko nalang titigan si rylie mag hapon

"baka matunaw naman na ako nyan ah" nagulat ako sa sinabi ni rylie at agad na inayos ang upo ko, agad akong sumubo ng derederetso dahil sa hiya

"dahan dahan lang bree baka mabulunan ka"

Ghadd bakit ko to nararamdaman rylie? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko, nag tataka ako kung bakit pa nagcheat si francis sa kanya, ang ganda naman nya, ang bait, bakit pagdating sayo rylie pakiramdam ko nagiging jelly ako, nanlalambot, gusto kong titigan ka maghapon at walang sasabihin, gusto kitang ipinta ng paulit ulit, gusto kong kantahan ka, i want to make you feel how special you are to me

"hey" kumaway kaway sya at bumalik naman ako sa ulirat ko

"you're spacing out bree, are you okay?" tanong nya at kinapa ang noo ko

"ye-yeah im perfectly fine" sagot ko

"kain kana, mamaya tapos na ang break time" sambit nya

Natapos na nga ang breaktime at bumalik na kami sa classroom namin, 3rd subject namin ay PE, isa isang nagpalit ang mga kaklase namin at ganun din kami ni rylie , pumasok kami sa loob ng cr, sabi niya na mauna na daw ako pero hinila ko sya sa loob ng cubicle

"anong gi-ginagawa mo bree?" tanong nya

"magbibihis" sagot ko tsaka ko inunbutton ang blouse ko

Tinititigan nya ako at di sya nagsasalita

"what? Tititigan mo lang ba ako?" tanong ko kaya agad naman nyang inunbutton ang blouse nya

Napatawa nalang ako sa inaakto nya, mas lalo akong lumapit sa kanya hanggang sa dumikit na sya sa pader

"did i turn you on?" bulong ko

"a-ang init, tara na" sagot nya at lumabas na kami sa cr

Dumertsyo kami sa gym at kanya kanyang pili ng grupo dahil maglalaro kami ngayon ng volleyball

Magkakampi kami ni rylie pero hindi sya naglaro at pang sub lang sya, medyo marunong naman ako magvolleyball at kada ako ang magseserve, tumitingin ako sa kinaroroonan ni rylie tsaka ko sya kinindatan, nagulat ako nang ngumiti si marcus na nasa tabi nya, luh? Akala nya siguro sya yung kinikindatan ko

Natapos ang laro at di nila pinagbigyan maglaro si rylie, tsaka ayaw din naman ng babaeng yun

Lumapit ako sa kanya at inabutan ako ng tubig, uminom ako konti at binalik sa kanya, ininuman naman nya ito, indirect kiss bulong ko sa isip ko

May paniniwala kase na kung sino daw ang nakaindirect kissan mo ay yun ang makakatuluyan mo, i gulp as i see how she swallow, she's so fine, her neck, her chin lahat sa kanya nakakaturn on, aware ba sya na sabog na sabog ang lakas ng sex appeal nya?

Lumapit si rylie at pinunasan ang pawis ko, hinawakan ko naman ang kamay nya, agad nya itong binawi at inabot ang panyo na hawak nya tsaka ako tinalikuran, nagbihis na kami ng damit at Dumeretyo na sa classroom

"rylie mamayang 6 ha, dapat andun ka" sambit ko

"oo naman i will be there birthday girl" sambit naman nga

"promise?"

"i wont promise because i will surely come" sagot nya at ginawaran ako ng ngiti

Pumasok na ang next teacher namin at di na kami nagusap dahil nag focus muna kami sa studies namin

Nung lunch break ay sabay kaming kumain, masaya ako sa simpleng pagsulyap ko sa kanya, masaya ako sa mga banatan namin sa isat isa na kung may ibang makakarinig ay paniguradong makokornihan samin, masaya ako sa bawat pagdikit ng mga balat ko sa balat nya, masaya ako sa bawat pag ngiti nya na halos mamatay ako bilis ng tibok ng puso ko, masaya ako na nakikita syang masaya

Natapos ang isang araw ng nakakapagod na klase pero di ko yun masyadong nainda, sa ganda ba naman ng katabi ko eh talagang sisipagin ako mag aral

Sabay sabay kaming lumabas nung uwian kasama ang mga kaklase ko at si rylie dahil sabay sabay na kaming pupunta sa bahay, alam kong nahihirapan si rylie na makiget along sa ibang tao pero masaya padin ako na ginagawa nya ang best nya

Nagulat ako nang biglang nawala si rylie, san naman nagpunta yun? Nilingon ko ang paligid but rylie is nowhere to be found, siguro ay nauna na syang umuwi o baka may surprise na naman yun tas inaantay na pala nya ako sa bahay, rylie was full of surprises and i love it, masaya kong nilakad ang daan pauwi kasama ang mga kaklase ko

Pagdating namin sa bahay ay pinapasok ko na silang lahat, di tulad ng inaasahan ko, wala si rylie tinanong ko sa mom nya at sabi nya ay di pa daw ito umuuwi, nag alala tuloy ako kase baka nakidnap nayun o kaya nabudol budol na, oo oa na kung oa pero ganun ako kalala mag overthink, agad ko syang tinext pero di naman nya ako nirereplayan hayss rylie asan kaba?

.
.
.
.
.
.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon