RYLIE'S POV
Inagahan kong magising ngayon, nagulat si mama kase 6:00 palang eh paalis na ako ng bahay
"aba nak nagbago ata ang ihip ng hangin, bat ang aga mo yata ngayon?" tanong nito
"wa-wala ma, sige po alis nako" sambit ko at mabilis na lumabas ng bahay
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni bree, sarado pa ito, nagpasya na akong umalis at magtungong eskwelahan
Pagdating ko halos wala pang tao
"goodmorning rylie, aga nyo yata ah bat parang di nyo kasama si bree?" kumunot naman ang noo ko, kilala nya ako?
"kilala moko manong guard?"
"ah oo nakwento ka na kase dati sakin ni Bree, pasensya na ah kung sinumbong ko kayo, ako kase malilintikan pag may nangyaring masama sa inyo"
Acceptable naman ang reason nya, nginitian ko nalang sya at dumeretsyo na sa room namin
Umupo at huminga ng malalim, nung wala pa si bree sa buhay ko ganto katahimik ang araw araw ko, walang bree na makulit, walang bree na maingay, alam ko sa sarili ko na awa ang dahilan kung bat ko hinalikan si bree pero bakit ganun? Naguguluhan padin ako, winaksi ko ang iniisip ko at nagbasa nalang ng libro
Unti unti nading nagsisidatingan ang mga kaklase ko, naramdaman kong dumating na si bree kase may umupo na sa tabi ko
Bahagya ko itong nilingon at si bree nga, anong sasabihin ko? Mag ha hi ba ako? Ano kaya kung kunware susungitan ko nalang sya, bahala na kakausapin ko na sya, kakalabitin ko na sana sya nang biglang may lumapit sa kanya at tinabihan sya
"goodmorning bree" nakangiting sambit ng asungot nato
Marcus Jones, Mayabang, pacool at higit sa lahat feeling nya lahat ng babae sa school eh may gusto sa kanya
"marcus ikaw pala, goodmorning din" sagot ni bree
Inirapan ko lang sila, gusto ko syang kausapin pero hindi na pala, wag na
"yayayain sana kita mamayang break time, kain tayo ganun" sambit naman ng mokong nato
Tiningnan ko si bree at inaantay ang sagot nya, marahan naman itong tumango at nginitian si marcus
So nakalimutan nya ako ganun? Bahala nga sya
Natapos ang 2nd subject namin pero di padin kami nagpapansinan ni Bree, hindi nya rin ako niyaya kaninang break kaya di ako kumain, sa totoo lang medyo sumama loob ko pero okay lang yun, dyan ka naman sanay rylie diba? Hindi na bago sayo to
Pagtapos ng break time ay magkasamang pumasok si marcus at bree sa classroom, i acted like i dint really care kahit na sobrnag sama ng loob ko sa kanya, bat nya ako iniiwasan? Dahil ba dun sa kiss? Edi sana sabihin nya, nananahimik ako noon sa buhay ko tas ginulo gulo nya ako, hayss sumuko na ako sa pakikipagtalo sa isip ko at di nalang pinansin si bree
Medyo late kami umuwi ngayon dahil ang tagal magpalabas ng teacher namin, as ussual inantay kong makaalis ang mga kaklase ko
"tara na?" bigla akong napangiti pero masama padin loob ko kaya binawi ko uli ito
Tumayo ako at nilagpasan lang sya
"rylie sandali"
Derederetsyo padin ako, konti nalang ang mga estudyante, gaya ng sabi ko late kaming pinalabas ng teacher ko
"rylie saglit!" sigaw nya
Ewan ko pero ayokong tumigil sa paglalakad, naiinis ako sa kanya, gusto ko syang awayin pero mas pinipili kong manahimik nalang

BINABASA MO ANG
Hello Neighbor
Teen FictionRylie was just a typical girl, walang special sakanya,boring, lame, walang kaibigan akala nya magiging ganun nalang ang buhay nya habang buhay until someone came, dumating ang taong yun nung time na akala nya wala ng darating para mahalin sya ng to...