RYLIE'S POV
"Ma anong magandang regalo?" tanong ko kay mama na abala sa pagluluto
5 am pa naman eh maaga akong nagising ngayon
Tumigil si mama sa pagluluto at nilapitan ako
"para kanino naman nak?" tanong ni mama
"Birthday po kase ni Bree ma kaya ayun gusto ko syang regaluhan"
Ngumiti naman si mama at hinalikan ako sa noo
"masaya ako na dumating si Bree sa buhay mo, dati ni hindi ka lumalabas eh, school bahay tas bahay school tas saka ka lang lumalabas pag niyaya ka nung boypren mo dati" sambit ni mama
Ngumiti naman ako, totoo naman ang sinabi ni mama, ang laki ng impact ni bree sa buhay ko, natutunan kong muli ang magtiwala sa ibang tao, after ng panloloko ni francis akala ko di ko na kayang magtiwala sa kahit na sino until Bree came, ang gaan ng loob ko sa kanya kaya i want to make her feel how thankful i am dahil nakilala ko sya
"alam mo anak wala naman yan sa presyo ng regalo mo, its the thought that counts baby" sagot ni mama at bumalik na sa niluluto ko
Pagkatapos nyang magluto ay kumain na ako, 6 am nadin naman nang biglang nagring phone ko
Bree Epal
-Goodmorning neighborrrr
Napangiti nalang ako
"uy sino yan? Bat parang napapangiti nya ang baby ko" sambit ni mama
"si bree ma" tipid kong sagot
Di sumagot si mama kaya nilingon ko sya at nakangiti lang ito, weird
"bakit ma?" takang tanong ko
Sa ngiti nya mukang gets ko na
"mali ang iniisip mo ma ah di ako lesbian okay? Friends lang kami ni bree yun lang, straight ako straight din sya tsaka like duh babae kaming dalawa bakit naman ka..."
"baby chill haha why so defensive?" natatawang tanong nya
Hindi nalang ako sumagot at binilisan ng kumain, after nun ay nagpaalam na ako kay mama
Paglabas ko ay nakita ko si bree na nakatayo sa labas ng gate namin
"kanina kapa? Bat di mo sinabi?"
"di naman, Tara na?" sambit nya at inabot ang kamay nya, magiliw ko naman itong tinaggap at makahawak kamay naming nilakad ang daan papuntang school
Pagdating namin sa room ay sinalubong naman ng mga kaklase namin si bree, bibitaw na sana ako sa kamay ni bree ngunit mas lalo naman nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sakin tsaka ako nginitian
BREE'S POV
Pagdating namin sa room ay sinalubong kami ng ilan sa mga kaklase namin, ininvite ko kase sila sa slumber party ko grabe sobrang excited na ako, sana mag umaga na para birthday ko na
Isa isa kong pinakilala si rylie sa mga kaklase ko dahil im sure di nya masyadong kilala mga kaklase namin si rylie paba? Eh wala namang pakealam yan sa mga kaklase namin, sa ganda ko lang nakafocus tong babaeng to HAHAHASabay kaming umupo ni rylie, this pass few days mas nakilala ko si rylie, at masaya ako kase di na nya ako sinusungitan minsan nalang
Wala namang masyadong nangyari sa buong klase namin kase nagfocus ako sa studies ko
Nagtaka ako nung uwian kase pinauna ako ni rylie umuwi dahil may pupuntahan pa daw sya
Bukas birthday ko na kaya, napangiti nalang ako, naalala ko yung kapatid ko dati pag birthday ko talagang nageefort sya para mapasaya nya ako kahit na lagi ko syang pinapahiya at lagi ko syang sinasabihan ng masama
BINABASA MO ANG
Hello Neighbor
Teen FictionRylie was just a typical girl, walang special sakanya,boring, lame, walang kaibigan akala nya magiging ganun nalang ang buhay nya habang buhay until someone came, dumating ang taong yun nung time na akala nya wala ng darating para mahalin sya ng to...