BREE'S POV

Flashback :

Napagdesisyonan ng parents ko na lumipat na ng house dahil sa nahihirapan kaming makamove on sa pagkamatay ng brother ko

Its been tough for our family, nagsuicide ang kapatid ko dahil sa depresyon, akala namin okay lang sya, akala namin masaya kase nakikita namin syang tumatawa, nakikipagbiruan sa amin pero di pala ganun yun, walang muka ang depresyon, tumatawa man ang tao, umiiyak, di natin alam depressed na pala sila

Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari, pero sabi ni dad di ko daw dapat sisihin sarili ko pero guilt is always haunting me

Tumigil kami sa isang store para bumili ng snacks, kakarating lang namin galing probinsya at pansamantala titira muna kami sa kapatid ni papa habang nakikipagnegotiate pa ang parents ko sa bagong bahay namin

Paglabas ko sa convenience store, i saw a girl

Umiiyak sya, gusto kong lapitan pero nag aalangan ako, nagulat ako nang nagtama ang paningin namin, mugtong mugto ang mga mata nya, tinitigan ko ang maamo nitong muka na tila minememorize ko, maganda sya pero bakit sya umiiyak? Ay wow pag maganda wala na ba pakiramdam bree?

"anak lets go?" sambit ni dad

Tumango na lamang ako at sumakay sa kotse, tinitigan ko ang babae hanggang sa nawala na ito sa paningin ko

End of flashback:

"whatever weirdo" sambit ni rylie sa akin

Sa wakas nakita ko din syang ngumiti

"yunnn nakita ko din yang ngiting yan, dalas dalasan mo yan ah" sambit ko

"ayoko nga, mahal ang mga ngiti ko" pabirong sagot nya

"magkano ba? Lalabas ko na yung cheke at papakyawin ko na" sagot ko

"sira, tara na baka sitahin tayu dito, bawal pa naman yung hindi member ng music club dito" hinila nya ang kamay ko palabas

"san tayo nyan pupunta? Libot mo nalang ako dito sa school" suggestion ko kase bago palang ako dito eh pero marami na akong nakilala kahapon dahil narin sa magaling ako makipag kaibigan

"tinatamad ako" tipid nitong sagot

Luh, sinusumpong na naman ata ng kasungitan tong babaeng to, ang bilis magbago ng mood nya

"eh anong gagawin natin?" tanong ko

"ewan, upo nalang tayo habang inaantay yung next class natin"

"studious ka talaga no?"

"Ayoko lang madissapoint ang mama ko, alam mo ba straight section 1  ako dati kaso napabayaan ko studies ko dahil sa lalakeng yun" kitang kita ko ang luhang tumulo sa mga mata nya, agad nya itong pinunasan at tumayo

"rylie saglit" sambit ko at hinila ang braso nya ngunit agad naman nitong inalis at tumakbo palayo

Hinayaan ko nalang muna sya kase yun ang kailangan nya sa ngayon

Nagpalipas muna ako ng oras sa canteen, sa wakas ay natapos nadin ang 1st subject kaya bumalik na ako sa room at nakita ko doon si rylie, blanko, wala na naman syang pinapakitang emosyon or kahit ano, she was so unpredictable, di mo alam kung anong iniisip nya, kung anong gusto nya

"Rylie about pal..."

"Stop, kung about kanina yung tatanungin mo, ayoko pag usapan" cold nyang sagot at tinuong muli ang atensyon sa binabasa nyang libro

Buong klase ay tinititigan ko lang sya at kapag nililingon nya ako ay ibinabaling ko sa iba ang paningin ko, ang lungkot ng mga mata nya, kahit di nya sabihin ay ramdam ko, ang bigat

Kinalabit ko ito at tiningnan naman nya ako

"okay kalang?" bulong ko

Hindi ito sumagot at tinuloy ang sinusulat nya sa notes nya

Natapos ang klase namin na di kami nag uusap, inaayos ko na ang gamit ko dahil uwian na namin, napatitig ako kay rylie na nakaupo lang sa upuan nya

"di ka paba uuwi?" tanong ko

"mamaya na pag nakaalis na kayong lahat" sagot nito

"I'll wait for you then" sagot ko

"di mo ba narinig sinabi ko? Mamay....."

"mamaya na kapag nakaalis na kayong lahat, narinig ko rylie di naman ako bingi eh" sagot ko

"o ano pang hinihintay mo? Alis kana" sagot nito

"kaya nga tara na eh"

"can you just leave me alone? Ayoko ng ganyan, Ayoko ng may nag aantay sakin, ayoko ng kasama, i can handle myself alone"

Hindi ko na sya sinagot at hinila ang kamay nya

"anong ginagawa mo?" inis nitong tanong

"uuwi na tayo neighbor" nakangiti kong sagot

"Ang kulit mo no?" tanong nito

Hinila ko sya palabas ng room at di naman na sya pumalag, paglabas namin sa gate ng school ay nakakita ako ng street food, natakam ako kaya agad kong hinila si Rylie

"tara dito rylie kakain tayooo" masigla kong sambit

"Ayoko"

"Sige kung sasamahan moko kumain promise tatahimik ako ng 1 hour"alok ko

Bigla naman nya akong hinila papunta sa nagtitinda ng street foods,ay wow rylie ah youre rude ha
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a/n: will rylie open up for bree? Malalaman natin sa mga susunod na chapter

Hello NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon