BREE'S POV

Pagkagising ko dun ko narealize na di pala ako magpalit ng damit, pagtingin ko sa phone ko di na ito maopen, malamang ay nagshutdown na ito

Dumungaw ako sa bintana ni rylie bukas na ito, ang aga namang nagising ni neighbor ngayon

Agad akong nagpunta sa banyo at naligo, di na ako kakain, wala ding lutong pagkain ngayon, siguro ay maagang umalis parents ko ngayon

Pagtingin ko sa wall clock namin, lintik 8:30 na? Kaya naman pala bukas na bintana ni rylie, agad akong lumabas sa pintuan at nagulat ako nakaupo sa garden namin si rylie, nakatalikod sya kaya di nya ako napansin, nakikinig ata sya ng music habang nagbabasa ng notes, ano pa ngaba

Agad ko syang niyakap sa likod, nagulat naman ito at mabilis akong hinampas

"aray naman rylie" sambit ko

"sorry akala ko kase kung sino eh tsaka bat ang tagal mo, kanina pa umalis parents mo, sabi ko na antayin nalang kita dito sa garden nyo"

"late ako nagising eh, tara na" sambit ko at hinila ang kamay nya

"o eto" abot ni rylie sa isang sandwich

"ano to?"

"ano bang tingin mo? Pagkain yan, wala bang ganyan sa bahay nyo?"

"baliw, ang ibig kong sabihin, bakit moko binibigyan ng ganto? Nagtitinda ka naba?" mahina nya akong binatukan

"sira, pinagawa ko yan kay mama, sabi mo diba di ka nakakakain dyan sa bahay nyo" sagot nya, napangiti nalang ako, di na sya nagsalita pa at inunahan na ako sa paglalakad

Sinubo ko ang binigay nyang pagkain, ang sarap pala ng pagkain na gawa ng isang nanay sambit ko sa isip ko

Tinitigan ko si rylie mula sa likod, naglalakad lang ito at di man lang ako nililigon, napangiti ako mukha lang syang walang pake pero deep inside may pag aalala din sya sa ibang tao

Pagdating namin sa school agad kaming sinalubong ng adviser namin

"you two! Bat wala na naman daw kayo sa 1st subject nyo ha" galit na sabi ng teacher namin

"obviously kararating lang namin maam" sagot ni rylie

Kinurot ko si rylie sa likod pero pinalo nya lang kamay ko, sinasaway ko lang eh nananakit pa

"simulan nyo ng linisan ang cr, that's your punishment sa pagcucutting nyo" utos ng teacher

Di na sumagot si rylie at dumeretsyo na sa maintenance room, kumuha sya ng gamit sa paglilinis at pumasok na sa cr

"uy rylie sorry ah" sambit kong muli

"its okay" tipid nyang sagot

"marami ka ng namiss na subject dahil sakin"

"i said its fine" sagot nya

Hindi sya umiimik habang naglilinis, naguguilty ako, dapat di ko sya iniimpluwensyahan sa mga ganung bagay, nahiya tuloy ako sa sarili ko, ni tingnan sya ay hiyang hiya ako

Pagtapos naming maglinis ay binalik na namin sa maintenance ang gamit na ginamit namin, masikip at madilim doon, sobrang init pa

Sabay namin nilagay ang ginamit namin at di sinasadyang magtama ang paningin namin

Nakatitig lang sya sakin at di sya nagsasalita, rylie bakit ganyan ka makatingin? Bat iba pakiramdam ko sa bawat paghinga ko, napunta ang aking mga mata sa labi nya, napapikit ako at inaantay ang labi nya na lumapat sa labi ko, pero teka hahalikan nya nga ba nya ako? O bet nyalang yung shade ng liptint ko, nagulat ako nang biglang may nagflash sa harap ko

Hello NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon