Chapter 2

18 4 0
                                    

Chapter 2

Hapon ng nag out ako sa trabaho. Pupunta pa ako sa school. Kaya pagkatapos ko mag bihis nagpaalam agad ako sa mga ka-trabaho ko.

I've been working in this fast food for 10 years. Oo, ganun ka-tagal. Simula high school dito na ako nag ta-trabaho. Dito na rin ako kumukuha nang allowance at pambili ko ng mga gamit ko.

Lalo na sa kurso ko, masyadong magastos. Film dito; gastos doon. Tapos kailangan maganda ang quality ng camera mo. Kaya pinag ipunan ko ng ilang buwan ang pambili ko ng magandang cellphone kahit Android lang pero maganda pa rin ang quality ng camera.

It's not about the prize it's about the skills.

Anyway, the money I earned hindi ko binibigay sa magulang ko. Not because I'm selfish but I have a lot of things that should be prioritized.

I need to prioritize my education first before them. Hindi ko pweding pabayaan ang pag-aaral ko alang-alang sa kanila.

Dahil kung hindi ko tulungan ang sarili ko, paano ako makakatulong sa kanila?

So, my best choice is to help myself to finish my degree.

Pagdating ko sa school dumiretso ako sa library para mag arrange ng mga books. I'm scholar and required naming mag duty depend on our schedule.

One week din kasi akong hindi pumasok at alam naman nila ang reason kung bakit.

Pag pasok ko nang library naabutan kong kaunti lang ang nagbabasa. Siguro dahil marami ng umuwi, hapon na rin kasi.

"Tapos na ang taping nyo?" tanong ni Ma'am Salvi ang aming librarian.

"Opo, pero may editing pa po," sagot ko naman habang nililista ko ang pangalan ko para sa attendance ko ngayong araw.

"Ilang buwan na lang ga-graduate ka na. Congratulations Eleanor, I'm so proud of you." nakangiting bati ni Ma'am Salvi.

It feels warmth in my heart after I heard those words.

"Ang advance naman po, Ma'am. Pero salamat po. Sige po, mag-aayos na ako." paalam ko.

Tumango syang nakangiti. She's like a mother to me, since the day I worked here.

Iniwan ko lang ang bag ko at pumunta na sa mga shelves para ayusin ang mga libro.

Iilang estudyante na lang natira, and mostly ay mga night classes.

Seryoso akong nagbabalik ng mga libro sa ayos. Nasa shelves naman na lahat kaya lang hindi nabalik sa tamang pwesto ang mga libro pagkatapos gamitin ng mga estudyante.

Bitbit ang limang libro nang makita ko si Arvi schoolar din kasama tulad ko pero magkaiba kaming kurso.

"Hi," mahinang bati nya since nasa library kami.

"Patapos ka na?" tanong ko. Hindi kami parehas ng schedule kaya malamang pauwi na rin 'to.

"Oo, may pasok pa ako sa trabaho eh. Ikaw, ba't ngayon ka lang? Isang linggo kang hindi pumasok,"

"May shooting kami para sa final requirement,"

"Graduating ka na pala no? Sana all,"

"Ano ka ba, sa susunod na taon ikaw naman ang ga-graduate. Konting tiis na lang,"

Marami pa kaming pinag-usapan ni Arvi habang nag-aayos ng mga libro. At least kahit papaano ay hindi ako inaantok dahil sa tahimik at lamig ng library.

After thirty minutes lumabas na rin si Arvi dahil tapos na ang duty nya.

Kaya ako na lang natira. Malaki ang library pero dahil hapon na ako nakapasok kunti na lang gagawin ko dahil naayos na rin ng ibang scholar ang mga libro at nakapag linis na rin sila.

Her Perseverance (1st Cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon