Chapter 8

10 3 0
                                    

Chapter 8

Ilang araw lang ang inilagi ni Nanay sa hospital. Nagawan naman ng paraan ni Tito dahil may philhealth naman siya, kaya hindi na kami nag bayad sa hospital. Ang nireseta ng doktor na lang ang hinanap ni Tito ng pera pambili.

Ilang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa Production Company na pinag-applyan ko. Patuloy pa rin naman akong nag-aapply kahit sa maliliit na production lang.

Minsan naisip ko, mahirap talaga maging mahirap. Yun lang kasi ang dahilan kaya ka nagsisikap. You will work hard kasi nga mahirap ka. You did everything kasi nga mahirap ka. Hindi ka makapag trabaho agad agad sa malalaking kompanya kasi nga wala kang koneksyon.

Even though I am persevere person, I'm still doubting myself. Ang hirap kalaban ang rejection kahit parte na ito nang buhay.

Especially if you graduated with latin honors. Para kang sinampal ng reyalidad na walang honors honors pagdating sa paghahanap ng trabaho. Kasi doon mo rin malaman na hindi lang pala ikaw ang matalino.

Masakit din sa damdamin na ilang taon mong pinaghirapan ang pag-aaral para sa pag graduate mo makapag trabaho ka kaagad tapos wala pa ring tatanggap sayo.

That was my reason before, why I really need to graduate with high grades and belong to latin honor's list. So that I can easily get a job. But what's happening to me now?

Halos mag-iisang buwan na akong walang trabaho.

Hangang ngayon pala-isipan pa rin sa'kin kung bakit sa tuwing tinatanong nila ang pangalan ko, sinasabi nila na hindi na sila hiring. May nagawa ba akong mali?

May kaso ba ako sa NBI?

Naka patay ba ako?

Dati ba akong criminal?

O baka sobrang taas ng grades ko at iniisip nila hindi nila kayang tapatan yun?
Shempre hindi yan totoo.

Hays. Ang hirap.

Kung mag freelance photographer kaya muna ako?

O di kaya editor.

Hindi ko expertise ang photography at editing pero dahil sa kurso ko natutunan ko na rin. Mas nag fucos lang ako dati sa pag di-direct dahil tuwing nag babasa ako ng script mabilis kong na v-visualize ang mga nangyayari. At gusto ko lahat ng na v-visualize ko dapat yun ang kalalabasan sa video.

Napabuntong hininga ako sa kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko.

"Lalim ah," sambit ni Bea habang nag pupunas ng mesa.

Tiningnan ko lang sya at pinagpatuloy ko ang pag ma-mop.

Noong isang linggo pa ako bumalik dito sa fast food, buti nga tinanggap ako ulit. Nakakahiya man, pero wala eh. Kung hindi ako mag ta-trabaho wala akong pera. Tsaka hindi pweding aasa rin ako kay Tito, e, hindi nya naman ako anak.

"Akala ko ba tanggap ka na sa malaking production company. Bakit bumalik ka pa rin dito?" tanong nya.

"Hindi ko alam. Bigla  na lang tumawag na marami na daw silang na hired na katulad ko rin." sagot ko na hindi man lang sya tinapunan ng tingin.

"Sayang naman. Cum Laude ka tapos ni-reject ka lang. Naku hindi sila kawalan Eleanor. Ikaw ang kawalan kasi hindi ka man lang nila tinanggap." puna nya.

Nag kibit balikat lang ako at hindi na sya sinagot. Ayoko na gumatong pa baka mas lalo lang akong ma disappoint. Well, those big production companies will never regret that they don't hired me because they can hired more competent and proficient than me.

Her Perseverance (1st Cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon