Chapter 4
Pagkalabas ko nang cafeteria ay dumiretso na ako nang classroom. Hindi na ako nag abalang maghanap sa apat kong kasama kanina.
I'm seriously walking until I reached our classroom.
While walking, may mga nakasalubong akong bumabati sa'kin. I'm not too famous. May mga nakakilala lang talaga sa'kin dahil sa course ko.
AB film is one of the top courses here in Saint Agustine— pumapangalawa sa Business Ad na course. Kaya hindi mapagkaka-ilang kilala ang mga estudyante na kumukuha sa kursong 'to.
Pagpasok ko sa classroom nakita ko ang mga kasama ko kanina may kung anong pinagkaka-abalahan na naman.
Kaunti pa lang kami sa classroom dahil may 30 minutes pa kami bago dumating ang prof. namin.
''Bakit iniwan nyo ako kanina?" agad kong tanong pagdating sa pwesto nila.
"Direk nagbalik lang kami ng mga plato," rason ni Xeno.
"Nagbalik lang, apat talaga kayo?"
"Ay direk, pumunta ako ng CR. Bigla kasi akong naihi," si Jessel na nanalamin.
"Oh, at ikaw lino ano naman rason mo at bakit iniwan nyo ako?" tanong ko kay Lino na busy kaka-cellphone.
Tumingin sya sa'kin bago sumagot. "Naghanap ng chiks direk," nakangising sabi ni Lino.
"Lino, alalahanin mo. Mayaman ka lang hindi ka gwapo. Kaya manahimik ka dyan sa kaka-chiks mo." gigil kong sabi.
Syempre biro lang yun. Hindi naman pangit si Lino. Actually, sya ang pinaka gwapo sa kanilang tatlo.
"Sama mo naman mang real talk direk. Bakit ba pag ikaw nag salita e parang totoo. Buti na lang alam kong gwapo ako." sabay pose ng pogi points
Tawang tawa naman ako sa pagmumukha nya.
"Asan si Ark?" tanong ko nang mapansin na wala sya.
"Naka'y Marissa," pabalang na sagot ni Jessel.
"Oh, ba't ang parang galit ka?" tanong ko naman.
"Ha? Direk hindi ako galit ah. Bakit ako magagalit eh mas maganda ako doon sa Marissa'ng 'yun."
Di daw galit pero parang mabasag na yung salamin na hawak nya.
"Sus, selos ka lang eh," asar naman ni Xeno.
"Ako, magseselos kay Marissa? Asa sya, kahit sino pa yang liligawan ni Ark never akong magselos no. Bakit sino ba sya para selosan—"
"Nililigawan ng first love mo," agap na sabat ni Xeno.
Napahawak pa sa tyan si Xeno pagkatapos barahin si Jessel. Si Lino naman napa-iling lang. Habang ako nakitawa na rin.
May ibang napapatingin pa sa pwesto namin dahil mukha kaming mga baliw kaka-tawa.
Si Jessel naman namumula na sa inis kay Xeno. Agad ring bumawi si Jessel hangang sa nag-asaran silang dalawa, tumigil lang sila nang dumating na ang proof namin.
After 30 minutes dinismiss din kami. Hindi naman kami nag klase dahil ilang linggo na lang ay graduation na namin. Nag meet lang kami para sa grades at mga kulang kulang na requirement ng mga kaklase ko.
Agad akong dumiretso nang library pagkatapos. At, dahil maaga pa, marami pang mga estudyanteng pumupunta. Naabutan ko rin ang iba pang scholars na nag co-cover ng mga books na bagong dating. Tapos ang iba nag e-inventory.
Binati naman ako ni Ma'am Salvi pagkakita nya sa'kin.
Pagkatapos kong mag attendance nakisali na rin ako sa ibang scholars na ang co-cover ng libro. Hindi lang kasi mga bagong libro ang kailangang e-cover, pati na rin ang mga lumang libro na punit na ang mga plastic cover.
BINABASA MO ANG
Her Perseverance (1st Cut)
Ficción GeneralEleanor Mariano is a wild dream chaser. Her perseverance leads her to the top of her dream. However, in the circus of life is her perseverance is enough to fight her for love? Started: March 4, 2022 Status: On-going Writer: Risinglow