Chapter 10

9 3 0
                                    

Chapter 10

Habang abala ako sa pag-e-scroll sa facebook para makahanap ng trabaho nang biglang may nag-text sa'kin.

Timothy
Ms. Mariano

Kinabahan ako nang mabasa ang pangalan ni Timothy. Oo nga pala, kinuha nya kahapon ang number ko at sinave niya rin ang number niya sa phone ko. Hindi ko alam kung ano e-re-reply ko dahil wala naman akong load. Binalik ko na lang ang tab sa facebook para ipagpatuloy ang paghahanap ko ng trabaho.

Timothy:
Hey

Muntik na mahulog ang cellphone sa mukha ko nang magtext ulit si Timothy. Problema nito.

Timothy:
Busy?

Sunod nyang tanong. Natulala ako habang tinitingnan ang pangalan nya. Maya maya nagulat ako ng may nagsend ng load. Hindi lang 50 pesos, hindi lang 100 kundi isang libo. Anong gagawin ko sa isang libong load, bihira lang naman ako mag text at tumawag. 

Hayop na yan.

Baka pang internet, pwedi rin.

Timothy:
I send you a load, I hope you do reply.

Dahil sa sunod sunod nyang text, nanginginig ang kamay ko sa pag t-tipa kung ano e-re-reply ko.

Sa huli.

Eleanor:
Hi?

Nagsisi ako ng napindot ang sent botton. Walang hiyang yan. Hi? amputik. Dapat nagpasalamat muna ako.

Eleanor, matapang ka pero bakit ganyan reply mo. Wala pang isang minuto nag reply na sya.

Timothy:
How are you?

Luh! Pa fall. Mag-t-type na sana ako na ayos lang, nang biglang may natanggap ulit akong text.

Timothy:
I hope you already think about my offer.

Naputol ang kilig ko sa text nya. Napabuntong hininga ako. Kala ko naman concerned siya sa'kin.

Kalma Eleanor, huwag assuming.

Eleanor:
Salamat sa load, sana hindi ka na nag abala.

Eleanor:
Hindi pa ako nakapag-isip kung tatanggapin ko o hindi.

Timothy:
If I didn't sent you load, you will never reply.

Timothy:
I'll pay you what you deserved. I'll pay you based on the quality of your work.

Eleanor, ito na ang sagot oh. Kapag ginalingan mo dito may possibility na mataas ang bayad sayo. Malaking halaga na 'yun.

Eleanor:
Wala akong sapat na gamit. Nasira na yung camera ko.

Timothy:
Don't worry about that, we already have. You just need to do is to direct.

Natulala ako sa reply nya. Bakit ako pa?

Pwedi naman sila mag hire ng mas magaling na director, yung mas may experienced. Kaya nga hindi ako nakukuha kahit sa maliit na production company dahil hindi ako magaling. Na-realize ko rin kasi na baka hangang school lang talaga ang galing ko.

Ilang beses na akong nag-overthink na baka hindi naman talaga ako magaling, marunong lang at magkaiba yun. Pwedi kasi lahat marunong, natutunan naman kasi pero hindi lahat magaling. Hindi lahat nag-e- excel sa ganitong field, maraming nagsimula pero kaunti ang nagpatuloy.

Maraming magaling pero mas pinili ang ibang career. Mahirap din maging successful dito, sa dami ng mga film maker sa Pilipinas  paano ka maging kakaiba sa lahat.

Her Perseverance (1st Cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon