Chapter 6
Sabi nila pagkatapos ng saya ay may kapalit na lungkot. A sadness that teach you that not all the days is good day.
"Ma'am, paano po nangyari yun? Akala ko ba—"
"I'm sorry, Miss Mariano, but the company don't need you anymore. Sobra sobra na pala ang na hired for production staffs. I hope you understand,"
After I heard those words; isang nakakabinging tunog ang narinig ko mula sa cellphone.
I took a deep breath and close my eyes for a moment.
Pagbukas ko ng mata ko natulala ako sa papel na hawak ko. 'Transcript of Record' kung saan makikita ang mga grado kong umuulan ng uno. Bunga ng hirap at pagod ko, pero ngayon pakiramdam ko nanghihina ako.
Tatlong tawag ang natanggap ko ngayong araw. At lahat sila ay iisa ang rason. Hindi nila ako kailangan. The three production companies who hired me; now don't need me.
I asked them why's pero pinapatayan agad ako ng tawag. Ang excitement na naramdaman ko at biglang naglaho.
Excited akong gumraduate para makapag trabaho. Ilang taon akong naghirap sa pag-aaral tapos ito lang ang matanggap ko.Do I deserve this?
I bit my lower lip and when I about to stand I hear my stomach growl. Gutom na ako. Kanina pa kasi ako dito sa school. Ito lang ang pinunta ko pero inabot ako ng ilang oras dahil sa registrar. Napaka kunat nila magbigay ng TOR. Ang daming rason, kaya tiniis ko, naghintay ako ng ilang oras para maibigay. Tapos hindi na pala ako tanggap sa mga trabaho na in-applyan ko.
Hindi ko na pinansin ang tyan ko. Dere-deritso akong naglakad. Ang isang daang dala ko ay hindi ko muna ipangkain. Dadaan ako ng computer shop para gumawa ng application letters at resume. Kung ayaw nila sa'kin pwes! hindi lang naman sila ang kompanyang pweding pag applyan.
Ilang beses na akong sinubok ng panahon at pagkakataon, ngayon pa ba ako susuko?
Kung saan may diploma at degree na ako?
Binagtas ko ang mainit na sikat ng araw palabas ng SAU. Wala akong pakialam kung tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw ay naglalakad ako. Ang importante ngayon ay uuwi akong may siguradong trabaho.
Nag resign na rin kasi ako sa fast food na pinatrabahuan ko. Kasi nga akala ko ay makapagsimula na ako sa kompanya.
"Isang open hour nga," sabi ko sa cashier nang makapasok ako sa comshop.
"Number 12," sabi nya.
Dumiretso naman ako sa computer 12 at binuksan ang word.
Una kong ginawa ang resume ko. Sinunod ko naman ay ang application letters. Dahil naka open hour naman ako nag hanap ako ng mga Production Company kung saan pwedi ako makapag apply.
Limang Production Companies ang na search ko na naghahanap ng production staff. Yung iba nag hahanap ng editor, writer at technical.
Isa isa kong ginawan ng Application letters ang limang Production Company.
Pagkatapos kong magawa, pumunta muna ako sa cashier para manghiram ng flash drive at para makapag-pa-print na rin.
Bitbit ang brown envelop na may lamang documents, sumakay ako ng Jeep. Ininda ko ang init at gutom, dahil mas importante sa'kin ang makapag-apply ng trabaho.
Una akong bumaba sa H&T Production. Ang alam ko itong company na'to ay kinukuha rin ng ibang TV station—na hindi masyadong kilala— para sa iilang mga pelikula o teleserye.
Pagpasok ko sa loob ay tinanong agad ako ng receptionist.
"Yes, Miss?"
"Good afternood, Ma'am. I'm here to apply po as Production Staff. Nakita ko kasi sa FB page ninyo na nangangailangan kayo ng mga Staff." sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/247463107-288-k98834.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Perseverance (1st Cut)
Ficción GeneralEleanor Mariano is a wild dream chaser. Her perseverance leads her to the top of her dream. However, in the circus of life is her perseverance is enough to fight her for love? Started: March 4, 2022 Status: On-going Writer: Risinglow