Amihan ng Kahariang Nahara...◐.̃◐

132 12 0
                                    

Patungo sa Kaharian ng Nahara, kung saan nya matatagpuan si Amihan, ang Diwatang itim na napadpad noon sa kanyang bahay na bato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patungo sa Kaharian ng Nahara, kung saan nya matatagpuan si Amihan, ang Diwatang itim na napadpad noon sa kanyang bahay na bato. Nag iisip na sya kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila dun ni Lorsan.

Mababagsik ang angkan na pinagmulan ni Amihan. Sapagkat kahit na puting Diwata ang Ina nito, puro namang itim na Engkanto ang kanyang Ama. Alam nyang hindi madali ang misyong nakaatang ngayon sa kanyang balikat. Lalo pa't dipa nya alam kung sa anong paraan nya makukumbinsi si Reyna Shera ang Ina ni Amihan, kasi, kahit na nag iisang kapatid ito ni Reyna Amethyst ng kahariang Umbra, magkaibang magkaiba ang pag uugali ng dalawa.

'Bahala na kung anong sasapitin ko sa Kaharian ng Nahara. Basta di ako aalis dun ng hindi ko kasama si Amihan.'

Unang kita palang nya noon sa Diwatang itim, kakaiba ng kanyang pakiramdam dito.. Kahit na wala itong maalala sa nakaraang buhay, kusang lumalabas ang mga kapangyarihan nitong taglay. Hanggang sa bumalik ang lahat ng alaala nito at nagpaalam sa kanyang uuwi na sa Kaharian ng Nahara, hindi nya ito pinigilan bagkus pinalaya nya ito ng walang pag aalinlangan. Batid nya noon na hindi lang yun ang huli nilang pagkikita. Na makakaharap at makakasama pa nya ito balang araw.

Kaya naman ng atasan sya ng kanyang Ina, na maghanap ng mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante, isa si Amihan sa unang naisip nyang mag alaga ng makapangyarihang Brilyante ng Hangin.

Napangiti sya ng matanaw mula sa himpapawid ang Kahariang Nahara. Hinayaan nya na lang na tangayin sya ng hangin patungo sa Palasyong may nagliliparang iba't ibang klase ng heganteng insekto. Kahit nababalot ng aurang itim ang buong Palasyo ng Nahara, panatag ang kanyang kaloobang pasukin ito. Nilingon nyang katabi. Kitang kita nya ang pangingitim ng mga mata ni Lorsan, habang tutok na tutok ang tingin sa matayog na Palasyo ng Nahara. Kagaya nya nakikita na rin siguro nito ang nakapalibot na mga mandirigma ng Palasyo.

"Lorsan! Handa kana ba?"

"Makakalabas pa kaya tayo ng buhay kapag nakapasok na tayo sa pananggalang ng Palasyong yan, Io?"

"Wag kang umastang natatakot ka sa'yong mga nakikita Lorsan! Pareho nating alam, na kahit gaano pa kabagsik ang mga tagapagbantay na mandirigma ng Palasyong Nahara, kayang kaya natin silang tapatan.. kahit na tayong dalawa lang ang makikipaglaban!"

"Hahaha.. Nagbibiro lang naman ako eh! Ikaw naman! Masyado kang seryoso dyan!"

"Pwes! Hindi ako natawa sa biro mo! Kahit kelan talaga! Walang kadating dating yang mga hirit mo.. Anu handa kana ba?"

"Whew! Sungit! Sige, handa na'ko!"

Itinaas ni Lorsan ang hawak na espada, kasabay nun ang pag iiba ng kanyang kasuutan.. Imbis na pandigma, isang damit na kulay itim na mahaba, at may desenyong ginto na kumikinang pa sa sikat ng araw ang suot nito, may nakakabit pang kapa na mahaba sa kanyang likuran. Ang mga kamay nito ay balot ng gwantes. Mabilis na iwinasiwas nito ang espadang hawak, at sa bawat galaw ng kanyang espada, iba iba ang mahikang lumalabas dito. May apoy.. kidlat.. nyebe.. tubig.. at ipo ipo na nagtatalsikan lang kung saan.

Ang Mga Diwata◐.̃◐ ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon