Chameleon.. Tagapagbantay ng Lagusang Inspra◐.̃◐

95 13 0
                                    

Nagising si Lorsan sa malakas na hampas ng dahon sa kanyang mukha. Muntik pa syang mahulog sa pagkakasandal nito sa puno. Kinusot nyang mga mata, naghihikab na ininat ang mga braso, ng biglang may maalala.

"Sina Io!"

Napasulyap sya sa dalampasigan, nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang wala na dun ang kanyang mga pinagmamasdan, nakatulog pa sya ng hindi nya namamalayan.

"San ng mga yun?"

Naiinis na pinaghahablot nyang mga dahon na malapit sa kanya. Masamang masama ang kanyang loob. Isipin lang nyang basta basta lang syang iniwan ni Io dun, kumikirot ng kanyang dibdib.

"San na nagpunta ang mga yun?"

Napatingala sya sa bughaw na kalangitan dala ng prostrasyong kanyang nararamdaman. Umihip ang malamig na hanging dagat, napabaling tuloy ang tingin nya sa asul na karagatan. Sa matagal nyang pagmamasid dun, may naaninagan syang isang Sirenang lumalangoy padalampasigan. Sa kulay orange nitong mahabang buhok at sa buntot nitong nasisinagan ng araw kapag lumilitaw sa tubig, nakilala nya kaagad kung sino ang Sirenang yun.

 Sa kulay orange nitong mahabang buhok at sa buntot nitong nasisinagan ng araw kapag lumilitaw sa tubig, nakilala nya kaagad kung sino ang Sirenang yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nixie!'

Kaagad syang naglaho at lumitaw sa dalampasigan, hinintay nyang makarating ang Serina dun.

"Hoy! Lorsan! Ba't ka nandito? Dika ba sumama sa kanila patungong Kaharian ng Inspra, ha?"

'Grabe! Pumunta sila ng Palasyo na hindi ako kasama?'

"Sino bang hinihintay mo dito? Si Ashera ba?"

"Ahhm.. Oo! may hihingin sana akong halamang gamot sa kanya."

Pagdadahilan nya dito... Nakakahiya naman kasing malaman pa ng Sirenang ito, na basta na lang syang iniwan ng tatlong Diwata dun.

"Naku! Di makakaahon yun ngayon, binabantayan si Eihran.. Naglalasing na naman kasi ang nagtatampong Shokoy!"

"Ahh.. ganun ba! Sige, babalik na lang ako ng Umbra, Nixie! Hanggang sa muli.. Paalam!"

"Paalam! Lorsan, mag iingat ka sa'yong paglalakbay!"

Napangiti si Lorsan sa huling sinabi ni Nixie sa kanya.

'Silang mag iingat sakin!' Kumaway sya sa nakangiting Sirena. "Ikaw din, mag iingat ka rin palagi, Nixie! Paalam!" Yun lang, at naglaho na sya.

Echos nya lang kay Nixie na babalik syang Umbra, pero ang totoo nun sa Inspra sya tumungo.. Ayaw nya kasing magtagal pa dun, napakadaldal pa naman ni Nixie, baka kung saan pa mapunta ang usapan nila kung mananatili sya dun.

"Chameleon!"

"Chameleon!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Mga Diwata◐.̃◐ ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon