Styx...Tagapagbantay ng Lagusang Potion Mansion ◐.̃◐

53 12 0
                                    

Habang naglalakbay na silang apat patungong lagusan ng potion mansion, napadaan sila Fairy Io, sa karagatan ng Orlin, kung saan nananatili ngayon si Mayumi kasamang mga kaibigan nitong laman dagat.

"Napakaganda talaga nitong karagatan ng Orlin, nuh! Urduja?"

"Syang tunay, Amihan. Kaya nga dito napili ni Mayumi na magtatag ng sariling Palasyo, kasi, mahal nyang karagatan lalo ng mga nilalang dito."

"Pero, ang nasagap kong balita, madalang na lang syang pumapalaot ngayon, dahil abala daw sila sa Mansion sa paggawa ng iba't ibang klase ng gamot."

"Hah! Bakit naman, Urduja? May digmaan na naman bang nagbabadya sa Engkantadya?"

"Mas maiging laging handa, kesa magugulat na lang tayo sa mga kalabang sumusulpot na lang bigla.."

"Sabagay, matinik at malakas ang pakiramdam ng Ina ni Mayumi sa mga pangyayaring ganyan.. Laging tumutugma ang bawat salita nito sa paparating na kaganapan, kaya malaki ang tiwala ng mga kaalyado nitong Kaharian, dahil sa kakayahan at taglay nitong karunungan at kapangyarihan."

Napatigil ang dalawang Prinsesa sa pagkukwentuhan ng makitang huminto sa paglalakbay sa himpapawid sila Fairy Io at Lorsan na kanilang sinusundan. Kaagad nila itong nilapitan.

"Bakit kayo huminto, Fairy Io?" Nagtatakang tanong ni Amihan.

"Tumingin kayo sa baba!"

Tanging nasabi ni Io na ang mga mata ay na kay Lorsan. Na tila balisa at hindi alam ang gagawin ng makita ang mga nilalang na umaahon sa karagatan.

"Ang Reyna Eira ng Orlin!" Nanlalaki ang mga matang napasinghap pa si Urduja. "Hala! Bakit ito umaahon ng karagatan?"

"Baka mahalaga ang sadya sa'tin, kita mo kasama pang mga anak at si Nexie." May pagkabahalang sagot naman ni Lorsan.

"Kung sina Ashera, Eihran at Nexie lang ang makikita mong umahon sa dagat, wala tayong dapat ipangamba, pero kapag ang Reyna Eira na ang makikita mong umahon sa karagatan..."

Napahinga muna ng malalim si Io, saka binalingan ng tingin isa isa ang tatlong kasamahan na seryosong nakikinig sa kanya.

"... Siguradong may mabigat itong dahilan, ang pansamantalang iwan ang kanyang trono't Kaharian, para lang makipagtalastasan sa kung sinumang nilalang na tumatawid sa hangganan ng lagusang Orlin, ito ay may pananagutan na kelangang pagbayaran, at kung may nilabag o lumagpas man tayo sa batas nyang pinapatupad.. alam nyu ng sasapitin natin dito. Kaya ihanda nyu ng mga sarili nyu!"

"Teka lang muna! Kakaiba ang nararamdaman ko sa kanila Fairy Io, parang may mali dito na hindi ko mawari kung ano!"

"Anong balak mong gawin ngayon, Urduja?"

"Ako na muna ang unang haharap, dahil sa ating apat, ako ang mas higit na nakakakilala sa kanila."

"Kung ganun! Mag iingat ka Urduja! Nandito lang kami, nakahanda at mag aabang sa mga kaganapan."

Matapos sabihin yun ni Fairy Io, Kaagad na nagpalabas ng makapal na usok si Lorsan, nagkanya kanyang hugot sila ng mga sariling sandata.

Matapos sabihin yun ni Fairy Io, Kaagad na nagpalabas ng makapal na usok si Lorsan, nagkanya kanyang hugot sila ng mga sariling sandata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Mga Diwata◐.̃◐ ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon