Naghahanda ng umalis sa Palasyo ng Umbra sila Fairy Io, ng mapansin nyang tatlong Diwatang Prinsesa na pasilip silip mula sa malaking puno ng makopa. Nagtatakang tinapik nyang katabing si Lorsan, abala itong nagtatali sa mahabang buhok nito.
"Hmm.. bakit?"
Itinuro nya kaagad sila Amihan, Mayumi at Urduja.
"Anong ginagawa ng tatlong yun doon?"
"Aba! Malay ko! Eh, nandito ako sa tabi mo, panu ko malalaman? Hindi naman ako manghuhula!"
Papilosopong sagot nito sa kanya, inirapan na lang ni Io ang binata.. Bumalik ang kanyang pansin sa tatlong Prinsesang matapos sumilip magtitinginan muna, bago magbubulungan na tila ba napaka seryoso ng pinag uusapan.
"Bakit dimu kaya lapitan? para iyong malaman, kung anong pinagkakaabalahan ng mga yun dun."
"Sige, dito ka lang ha! Antayin mo kami dito! Sunduin ko lang sila.. para makaalis na tayo.."
Malalaki ang kanyang hakbang na tinungo sila Amihan, dina nga nya hinintay ang sagot ni Lorsan, basta na lang nya itong iniwan. Ng medyo malapit na sya sa tatlo, naririnig nya ng pinag uusapan ng mga ito.
"Talaga ba Amihan, ngayon mo lang nalaman na taga Umbra yang dragonyang si Draca?"
"Oo nga, Urduja! Paulit ulit? Kanina ko pa nga sinasabi sa inyo, diba?"
"Sigurado kaba! na sila ang nakasagupa mo sa lupain ng mga Didosaur?"
"Sigurado ako Mayumi! Inakala kong isa syang salamangkera ng Didosaur! kasi, naglabas sya ng maraming Dragon, mula sa kanyang pulang panyo at sinalakay ako!"
"Baka naman, hindi ka lang nya nakilala Amihan? Kasi nga, madalang ka lang kung lumabas ng inyong Kaharian."
"Syanga naman Amihan! Napakahigpit naman kasi ng yung Ina. Eh! kami nga ni Mayumi, pahirapan pang makadaan sa lagusan ng Nahara, kahit na kilalang kilala na kami ni Calypso, basta't walang pahintulot ng yung Inang Reyna Shera, di kami basta basta pinapapasok."
Napangiti na lang si Io, sa naririnig na usapan ng magkakaibigan. Nakisillip na rin sya para makatiyak kung tama ngang kanyang hula.
Mula sa pinagkukublihan nilang apat, malinaw na nakikita ni Fairy Io, ang buong Angkan ni Prinsesa Ayana.. seryosong nag uusap ang mga ito. Marahil ang tungkol sa kanyang misyon ang pinag didiskusyunan ng mga ito. Kasi, bukod kila Prinsesa Ayana at Prinsesa Alitaptap.. Nandun din ang magigiting na mga Kabalyero na sina Dwarf, Euri at Onyx. Idagdag pa sila Draca, Alex at Heneral Ixoe, na dating mga tagapagbantay ni Ayana sa mundo ng mga Tao.
"Anu, Io! Dipa ba tayo aalis?"
Pasigaw na tanong ni Lorsan sa kanya, na ikinalingon.. hindi lang nilang apat, kundi nila Ayana na rin. Nakita tuloy sila ng mga ito..
'Letseng! Lorsan na'to! Kahit kelan pahamak talaga ang punggok na ito!'
Senenyasan nya sila Amihan na manatili na lang sa kinatatayuan ng mga ito. Sya na lang ang kakausap kay Ayana.
"Ayana! Aalis na tayo!"
Sabi nya sabay kaway kay Ayana, para pagtakpan ang pagkapahiya, dahil huling huli syang naninilip sa mga ito. Kumaway din ito pabalik sa kanya, saka niyakap isa isa ang mga kasama, bago patakbong lumapit sa kanya.
"Tayo na!" Nakangiting yaya nito. Pagkuway kumunot ang nuo na tila may hinahanap. "San na sila Mayumi?"
"Ayan!" Pasulyap na tiningnan ni Fairy Io ang tatlong Prinsesa na nagkukubli sa likod ng malaking puno. "Lumabas na kayong tatlo dyan, aalis na tayo!"
BINABASA MO ANG
Ang Mga Diwata◐.̃◐ ✔💯
FantasySa mundo ng kathang isip, Nabuo ang samahang Diwata sa daigdig, Mga Diwatang nagbigay ng Kalayaan sa paligid, Naghahasik ng kanilang kamandag sa pakikipag laban na kay bagsik.. 🍃🍃🍃 ♣URDUJA♣ Ang Diwatang pasaway sa kanila, Di nawawalan ng kalokoh...