1

19 2 1
                                    

"Thea, hurry up! We're going to be late!" Dad shouted from downstairs.





"Yes, Dad! Coming!" I shouted back.





Ano ba naman yan! 6:30 palang naman ah! But I can't do anything about it. Sasakyan 'yon ni Dad, sa kanya 'yon. Nakikisabay kase ako sa kanya sa pagpasok, ayokong magcommute.. at tsaka ang mahal pa ng pamasahe ngayon.





Balak ko sanang bumili ng sarili kong sasakyan pero nag-iipon ako. Kahit naman palagi akong binibigyan ni Dad ng allowance ay kailangan ko paring magtipid pero kung sobra sobra ay binibili ko nalang ng mga libro. I love to read. That's why.





Nagmamadali na akong bumaba ng hagdan kaya muntik na akong mahulog pero buti nalang at nakabalanse ako. Pagdating ko sa baba ay dumiretso na agad ako sa garage at sumakay.. nandoon na si Dad sa loob ng kotse, hawak-hawak ang ipad niya kung saan nakalagay ang kaniyang mga schedules.




And about Mom? Let's just not talk about it. Ayokong mawala sa mood. Ganda kaya ng gising ko tapos masisira lang ng dahil kay Mom.




I'm not eating breakfast. Coffee lang.




"Let's go?" Dad asked kaya tumango nalang ako bilang sagot. At agad namang pinaandar ni kuya Robert ang kotse tsaka tuluyang lumabas ng bahay.





Habang nasa loob kami ng sasakyan ay di naiwasang magtanong si Dad. Minsan lang kase siyang magtanong sa 'kin kapag nasa loob kami ng sasakyan.




"When are you going to buy your own car, Thea?"




"Maybe next year, Dad. Why?"




"You need to buy your own car as soon as possible, anak. Because if you have your own car, you don't have to wake up so early para lang makisabay sa pagpasok ko. 7:30 naman ang start ng klase niyo, anak." Dad explained.




"It's okay, Dad. Bago kase magstart ang klase ay gusto ko munang magbasa." I replied.

Heartless BenevolentWhere stories live. Discover now