Nagbihis ako with so much thoughts in my head. Hindi pa din kase mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi naman sa bastos ang nakita nila pero hindi ko parin maiwasang isipin na baka nag-iba na ang tingin nila sa'kin nang dahil lang dun. I sigh.
Habang pauwi kami kahapon ay natulog lang ang ginawa ko buong byahe. I still couldn't face them. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi na ako nagpaalam pa. Alam kong bastos 'yon pero I just couldn't. Tanging sa kanya lang ako nagpaalam pero hindi naman ako nagsalita. Pero bago ako nun bumaba ay sinulyapan ko muna siya. Only to find him already staring at me with.. worry in his eyes? I don't know.
'It's okay.' He mouthed, and I just smiled at him for him to know that I'm fine kahit na ang katotohanan ay hindi naman talaga.
I was going back to what I was doing when someone suddenly knocked. Only to find Manang Fe standing at my doorway.
"Good Morning, hija. Nagising ba kita?"
"Hindi naman po. Bakit po ba? And good morning by the way,"
"Pinapatignan kase ng Daddy mo kung gising ka na. Kung oo ay bumaba ka daw muna at may sasabihin daw siya sa'yo." Mahaba niyang paliwanag.
"May aayusin lang po muna ako pero paki sabi nalang na bababa din po ako kalaunan." Tumango muna siya bago ngumiti at nagpaalam ng bababa na.
Hindi pa naman siya ganun katanda. Nasa mid 60's palang si manang Fe. Pag sixty pataas na kase yung edad ng isang tao ay paniguradong iisipin mong medyo hindi na nakakalakad something like that pero iba si manang Fe. She could still do house chores and cook some dishes at pwede ding all around. Ang tanging hindi lang namin pinapagawa sa kaniya ay ang paghuhusgas at paglau-laundry.
Tsaka matagal na din sa'min si manang Fe. She's been with us for the past 11 years, I think. Mula pagkabata ko ay dito na siya nagtatrabaho. Kaya nung mga panahong tinatrato ako ni Mom na para bang hindi niya ako anak ay palagi niya akong pinagtatanggol. I don't know why pero there's this one time na pagsinasaktan ako ni Mom ay agad-agad din siyang tumitigil 'pag inaawat siya ni manang Fe. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni manang Fe kay Mom but I'm very thankful and grateful to have her by my side when Dad wasn't.
At ang isa ko pang pinagpapasalamat ay hindi niya sinabi kay Dad ang tungkol dun. I'll tell him all of it when the right time comes.
As I walk down the stairs nakita ko na agad si Dad na preteng naka-upo sa couch sa sala habang nakahawak ng magazine at may kape na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. That's his everyday routine, I guess. Because as far as I remember nung bata ako palagi ko siyang naabutang nakahawak ng magazine kapag gumigising ako ng maaga. Pero minsan ko nalang siyang maabutan ng ganito. Minsan kase tapos na siyang magkape pag gumigising ako.
"You're up so early, anak. Is there something bothering you?" He asked, still not looking up at me. I guess he felt my presence. But I was shocked when he asked me that question. How did he—iwinaksi ko nalang ang katanungang nasa aking isipan at nakangiting lumapit sa kaniya.
"Nothing, Dad. I just decided to woke up early para maaga akong makapasok. It's a busy week for me, Dad." That's just 25% of the reason. The main reason is that I just want to divert my attention to studying instead of thinking about what happened yesterday.
"Okay. Anyway, I have already thought this through. It's about what you want. You moving out," Walang pag-aalinlangang sabi niya which really surprised me. I didn't expect it at all!
"P-po? Wait, r-really?" Hindi makapaniwala kong tanong. I just want to confirm it kung tama ang pagkakadinig ko or I'm just hallucinating things.
YOU ARE READING
Heartless Benevolent
Teen FictionWilliam chose to take the path his parents took to become one of the doctors here in the Philippines. Their family is one of the richest families in the world, also known as the "Richest Family of Doctors". On the other hand, Thea will be the next C...