Isang linggo nalang at gagraduate na ako. Maraming papers ang kailangang i-rush kasama narin duon ang projects at essay na ginagawa ko para sa mayayaman kong kaklase. kahit mahirap para sa akin kinakaya ko nalang, ito naman ang pakay ko diba? Ang magkaroon ng sideline at malibre sa pagkain para mabuhay ang sarili ko kahit papano.
Tracey! Ang tagal naman ng essay projects ko! Natauhan ako sa pagkakatulala ng ilapag nya sa desk ko ang dalawang libo. Muli ko syang binalingan ng tingin, ang gwapo naman talaga sana pero yung ugali kabaliktaran.
Ayan idagdag mo yang 2 kyaw. Pakibilisan tracey ha! Alam mo namang graduating din ako. tumango lamang ako rito at ngumiti... isang ngiting alam kong luha ang katumbas sa sakit. Tumalikod na ito at lumabas ng room. Grabe naman! feeling ko talaga bida ko sa parang teleseryeng drama.
Nakita mo ba si Jason? Tanong ni Ciara. isa ko ring kaklase. Mabait at friendly si Cia.
Oo. Umalis na sya. Matipid kong tugon habang nagaayos ng mga gamit ko. Si Jason ang pinakagalante sa lahat ng classmate ko, kahit masungit at may attitude may puso parin naman, Minsan pinadadalhan pa ko nito ng pizza at cakes sa Dorm pag nakakakuha sya ng dos(2) na grades.
Paano na to friend! I'am so nervous, its positive!
Dont be! Pananagutan ka nyan! Believe me... isang mahihinang bulong ang umalingawngaw sa tenga ko... Sino raw yung pananagutan? At ano yung positive? Gusto ko sanang malaman pero mas mabuti nalang na wag na baka mamaya kasi sabihin nila tsismosang palaka pa ako.
•••••
Lumipas ang limang araw
•••••
Tracey! Congratulation ikaw ang "suma cumlaude for this year batch" isang masayang pagbungad sa akin ni madam dean. Makapal ang pulang lipstick nito at yung ngipin nya parang nalagyan din... pasensya na! Sa sobrang Observative ko lahat tuloy napapansin ko.
Ano po? Totoo po ba maam? Nangigilid ang luha sa mga mata ko.
Oo! Finally, this is your dream come tru iha. You can choose whenever and whatever company you want to be employed. Hindi kona napigilan ang maiyak ng sandaling marinig ko iyon. This is the best feeling ever!!!!
Maam , wala po akong ibang masabi. Maraming salamat po sainyo.sobrang salamat po! Kahit nakakahiya, hindi kona napigilan pa ang mapayakap sa aming madam dean. Mabait ito at maunawain.
Totoo lahat ng ito. At kung hindi man at panaginip lang, ayoko ng magising pa! Ako ang suma cumlaude para sa taong ito, simple lang ang hiling ko ang makatapos lamang sa kolehiyo. Dati Burger lang ang hiniling ko Lord pero ngayon Double mac burger with fries at large coke float pa ang binigay nyo. Sobrang saya ko ngayong araw na ito, una sa lahat alam kong pinaghirapan ko ito at alam kona na hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng trabaho dahil ako mismo ang pipili sa mga "Big Empires Company" na gusto kong pagtrabahuhan.
Lumabas ako ng office dala ang ngiti at saya sa aking sarili. Ito na ang simula ng aking mga pangarap! SANA ITO NA NGA!
Hey congratsss!
Girl congratulations!!! Puro pagbati at papuri para sa akin ang naririnig ko.
Kamusta? Congratsss nga pala! Pagbati ng isang dalaga. Naalala kona sya yung kaibigan ni Ciara na classmate ko sa Algebra at madalas ding manlibre at mag pagawa ng projects sakin. Sila nga pala yung naririnig ko nuong naguusap about sa panagutan si Ciara at positive nga daw. Sila rin yung naghahanap kay Jason Benitez, five days ago kasi after akong bayaran ni Jason ng 2k para sa projects nya hindi kona rin sya nakita, some rumored say nasa america na raw at dahil sa malakas sa university listed as graduate parin ito. Ganon pa man lahat ng kailangan at kulang nyang projects ipinasa ko parin "on time" binayaran nya ako doon kaya ginawa ko parin ang tungkulin ko. Ganon rin ang GGG (girls generation group) grupo ng mga magaganda at sexy na babae ng university, lahat ng projects nila ako rin ang gumawa at nagpasa.