I need to go, ill be right back. Pagpapaalam ng mahal na hari.
Sige. Magaayos narin ako. Ngumiti ito, at may nilabas sa bulsa. Ano yan? Tanong ko rito. Tumaas lamang ang kaliwang kilay at iniabot ang isang puting papel at cellphone na galing rin sa kabilang bulsa nito. Take it. Tumalikod na iyon at lumabas ng pinto.Ano naman kaya toh? Inikot ko.cheke? 200 thousand na halaga ang nasa cheke... pirmado iyon ni ivan, hindi ko to matatanggap kakasweldo ko pa lang at sobra sobra na to kung idadagdag pa. Sa kabilang kamay ko naman ay ang isang puting Iphone. Bakit naman nya binigay sakin tong cellphone nya? Lalabas na sana ako upang ibalik sakanya lahat ngunit nag ring bigla iyon. Agad naman akong tumugon baka kasi importante eh, mabuti nalang kahit papano may alam ako sa gadgets.
Hello? Un pa lamang ang sinabi ko, sunod sunod ng nagsalita ang nasa kabilang linya. Boses iyon ng isang babae.
Who's this? Gail, iha is this you? Nasan kayo ni Ivan? We have a family dinner tonight. Hindi kona alam ang isasagot ko, ano bang pinagsasabi nito...
Maam, assistant nya po ito. Mr. Montejano is not yet here. Buti nalang kahit papano nakapagisip pa ko ng sasabihin... akala ko okay na yung ganon lang. But the woman talked back...
Assistant? Oh isa karin sa mga koleksyon ni ivan? Hmmm. Pagismid pa nito. Its sunday at alam kong walang opisina. At bakit hawak mo ang phone ng pamangkin ko!! Kelan pa nagbigay ng private phone si Ivan sa isang Assistant! Mataas ang tono ng boses na yon. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Tama pa ba tong ginagawa ko? Alam ko namang mali eh bat ba kasi tinatanong ko pa!
"Grabe naman po kayo magsalita, kahit assistant lang ako, Tao rin ako! At wala kang karapatang pagsabihan akong isang koleksyon dahil may dignidad ako! Oo.meron, pero nawala na marahil un dahil sa nangyari kagabi. Salamat nalang at nakapagtimpi naman ako at sinarili ko na lamang iyon.
Uhm ... actually maam were making plans for the company event nextweek. Mr.montejano left his phone, dont worry maam i will tell him that you called. Super intense. Kaasar naman pag ganito feeling, nagsinungaling pa ko at napahiya sa mga sinabi nito.Talaga lang ha? Siguraduhin mo lang na "assistant" kalang talaga ng pamangkin ko. Dahil kung hinde, mawawalan ka ng trabaho habang buhay! Is that clear??? Para akong sinampal ng sandaling iyon. Natameme ako at hindi agad nakapagsalita. Alam ko naman, At dapat kong tandaan na malayong malayo ang buhay ko sa buhay ng lalaking yon. Sa lakas ng kapagyarihan ng mga nasa paligid nito alam kong isang salita o tawag lang ng mga ito sa kahit anong industrial company ay automatic block listed na ako. At ayokong mangyari yon...
Excuse me maam, pero mali po ang iniisip nyo... Yun lamang ang naitugon ko.
Then Good, Just make it one hundred one percent sure na sasabihin mong may family dinner sila ni Gail mamaya, her fiancé. And that was a very important dinner para pag usapan ang engagement party nila. Thats all, Goodbye! Sabay baba ng kabilang linya. Napasandal ako bigla. Engagement? Mr.Montejano has a fiancé... tama ba ang mga narinig ko? Kung kanina may pakiramdam akong para akong sinampal, ngayon mas pakiramdam ko binagsakan nako ng daigdig... why is this happening to me??? Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha sa mata ko, pinahid ko iyon... Bakit nagpadala ako sa bagay na alam kong hindi dapat, at hindi dapat mangyari kahit kelan. Napaka-imoral kong babae! Kailangan kong itama lahat... mali lahat ng nararamdaman ko. Hindi to tama! tumayo ako at nagpunas ng luha sa mga mata ko.
Muli kong pinihit ang pinto upang lumabas. Nanlaki ang mga mata ko. Sir? Mabilis iyong humalik sa pisngi ko. You forgot my goodbye kiss. Mas lalong kumabog ang dibdib ko...Syete namumula nanaman ako. Hanggang kelan ba ko magtitiis sa parusa ng kuryenteng to, twing magkakadikit kaming dalawa parang may kakaibang kuryente talaga akong nararamdaman at yung puso ko sobrang over acting sa bilis ng pagtibok. Ako lang bang magisa ang nakakaramdam nito? Ganun karin ba? Sumagot ka naman! Bulong ko sa aking isipan... bago pa mainvade ng pagnanasa tong utak ko naalala kong ikakasal na ang lalaking nasa harapan ko. U-uhhhm Sir ano kasi....
Wag mo ng ibalik yan. Para sayo yan, just think of it nalang na regalo ko yan sa pag sleep-over ko. Nainis ako sa sinabi nito. Pero hindi! Marahil ay dahil talaga iyon sa nalaman ko. Feeling ko hindi para dun kundi para talaga sa nangyari kagabi... ewan ko ba! girls instinct narin marahil.
Hindi ako nagpapabayad. Binabayaran mo ba ko dahil lang sa alam mong kaya mo kong paglaruan habang hindi kapa naikakasal??? Balak mo ba kong gamitin just to fulfill your needs...tanong ko sa aking isipan...Inilapag ko ang cheque sa sahig at mabilis na pumasok sa loob. Alam kong hindi nya rin iyon tatanggapin kung iaabot ko sa kamay nya kaya mas mabuting sa sahig na lamang nya pulutin.
hindi na ko magiimpake! Aba naman. Oo nga eksayted ako kanina pero hindi na ko eksayted ngayon! Sabay hagis ko sa mga damit kong pipiliin kona sanang dalhin. Sobrang nakakainis!!! Sigaw ko pero nagulat na lamang ako bigla ng may kumalabog.
What's the problem tracey! Sigaw ng lalaking kapapasok lang, oo nga pala alam nya nga rin pala ung passcode ng condong ito.
Ewan ko sayo sayo ! Ewan ko sayo! Mahina lang naman ang boses ko pero inis na inis ang bigkas ko ng mga salitang yon. Nakakahiya man sa pagkakataong to pero kahit na, sino ba ko para pagtaasan ng boses ang amo ko.
Sapo sapo nito ang kanyang noo at ginugulo ang buhok. Tell me. What's your problem! Hinarap nito ang mukha sa akin... maamo at tila nakikiusap ang itsura nito.nilapag nito ang cheke sa table...its nothing on your bussiness ivan! Tinalikuran ko ito.
Fvck it! Sigaw nito sabay hatak sa aking braso. Wag mo kong tatalikuran kapag nagsasalita ako!
At anong gusto mo? Makipagtalo ako sayo? Sir look at you! You have everything. Why are you doing this to me? Naiiyak na ko. Nauutal narin ang boses ko. Mixed emotion na ang lola nyo.
Why? You're asking me kung anong ginagawa ko?? Im helping you! Paliwanag nito.
Really? Then... you shouldn't! I can stand on my own. Sir, sorry pero hindi ko na gusto tong mga nangyayari. Im giving my apoligize to you. Pero pakiusap sir wag to, wag na to... sabay dikdik ko sa palad nito ng cheke na nasa table. At this point, medyo kumalma na kami pareho. Lumapit ito sa akin at dahil matangkad siya iniangat nito ang chin ko upang tumingin sakanya.
Your acting like that just because of this? Then he sighed. Bumaling ako ng tingin sa ibaba, iniabot ko ang phone nito.
Sir yung cellphone nyo, kinuha naman nya iyon. Tumawag yung auntie nyo, may important dinner raw po kayo mamaya. Pagiiba ko ng usap.
And so? Tanong nito. Un lang?
Yes, thats all sir. I need to go now, tumawag na rin kasi si jason... and....
And what? U have a date with him. Tumaas pa ang kaliwang kilay nito. I told you that were going somewhere far today. Are you ignoring me now! May galit na tono nito.
Hindi sa ganon... your'e my boss and i will do what you say... But sorry sir, not now. Mabilis ang mga pangyayari, dinampot ko ang pouch ko at mabilis na kumaripas palabas ng pinto. In just a seconds, naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Oo. Umiiyak ako :'(
Bakit ba kasi hindi pa sila nag va-vacum ng sahig? Napuhing tuloy ako... sabay pahid ko sa mga mata ko, kailangan kong kontrolin ang emotions ko dahil may mga kasabay rin ako, pagbukas ng elevator nakita kong may nag ma-map at nagva-vacum pala ng sahig. Ramdam ko ang mga mata ng babaeng mga kasabay ko na sakin nakatingin. Ahhh hinde! Ung eyeliner kasi sa department store expired ang hapdi tuloy ng mata ko. "Haay nako ano ba tong pinagsasasabi ko, eh ni wala nga akong eyeliner." Kahit may pagkaepic tuloy lang ang lakad ko palabas ng building.*******