Tracey baby, do you want me too? He whispered... gusto kong paniwalaan lahat ng sinasabi nya. Gusto kong magpakalunod ngayon kasama sya, pero yung isang side ng utak ko ayaw parin bumigay sakanya.
Ivan shut up! Umuwi kana... lasing ka! nakakalas ako sa kamay nito at nakatakbo pabalik sa kwarto. Nakasunod agad ito. Niyakap ako ng sobrang higpit.
Tracey, i admit it you really looks like her... my deceased fiance. It was.... it was 3 years ago. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng nararamdaman nito...
Ivan... as i called his name.
Trace... she really looks just like you. I want to make things clearly . Hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko kanina, all of that wasn't true. When i first saw you, damn it! I fvcking like you. And i dont know! Maybe becoz you look damn same as her. Hindi kona mapigilan ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.
Ivan... hindi kita kilala. Wag mo sanang buhayin sakin yung taong nakikita mo bilang ako.
Im sorry sir. Im really sorry sir. Unti-unti itong kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Forget what i say. This is an order! Take care of yourself... Pahabol nito bago tuluyang lumabas ng Condo.
**********
Sapo-sapo ko ang ulo habang naglalakad palabas ng kwarto. Ang sakit naman ng ulo ko. Naghanap ako ng pain reliever at uminom. May trabaho pala ako ngayon at may meeting na dapat attendan. I'll texted ciara, i told her to beep me before she'll come home, just to secured her safety.
**********
Sir, ms.sandera is here. Kailangan talagang ipaalam pa na nandito ako bago ako patuluyin. Malayo sa nangyayari nitong mga nakaraang buwan na hindi na kailangan pa ng permission to enter.
So, tell her i dont wanna see her. Just check her sched and tell her what to do. Patuloy parin iyon sa pagtatype sa kanyang laptop. Ni-Hindi man lang nagawang lumingon, walang kahit na ano. Samantalang ako parang tangang nakaharap sakanya mula sa labas ng sliding.
Nandito na ako ngayon sa isang kilalang hotel and resort. Makikipagkita daw ako sa isang importanteng tao. Dagdag pa ni Mr.Enriquez isa daw itong special meeting at kailangan ko daw ipaliwanag mabuti rito ang mga kasagutan sa itatanong nito. Syempre hindi rin nakaligtas sa akin ang pagmamalupit ni ivan, yung bagong sasakyan ko ang gamit ko ngayon at may sarili pa akong Driver. Sa sitwasyon ko ngayon, pinamumukha talaga sakin nito that im just only working for him and for the money.
Pasok na po kayo maam. Nakangiti si Betong, yung magiging driver ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan, stokwa daw yung bata... (stow away) dahil sa hirap ng buhay sa probinsya nakipagsapalaran sya dito sa syudad.
Tulala ako ng makapasok sa loob. Malayong malayo ang itsura ng loob nito kesa kahapon. May imbose na "Tracey" yung cover ng backseat at yung floor may matt na nakakapagreduce ng pawis. Siraulo talaga yon! Palibhas alam na nagpapawis yung paa ko, and the worst nagpuputik pa pag ninenerbyos ako...
May stereo narin... may tissue pa nga at paper bag, pati hello kitty hanger meron din. Magagamit ko ba to? Sana naglagay narin sya ng sabon at palanggana para pwede narin akong maglaba dito sa loob...
Seatbelt na po kayo maam. Inistart na nito ang sasakyan at tuluyang pinaandar. Sa backseat ako nakaupo feel na feel ko ang lambot ng upuan na may mismong imbosed name ko, pati nga yung car stereo amg ganda ng tunog.
(Now playing: Cry By Mandy Moore)
Habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Bigla nalang akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Hinanap ko kaagad yung pain reliever sa bag ko. Binuksan ko ang mineral water at ininom iyon. Parang kanina lang sumakit narin tong ulo ko, sa sobrang pagod at stress narin siguro kahapon, dagdag pa ang puyat dahil sa lalakeng yon na nang istorbo sa kalagitnaan ng gabi.