Fancy POV
"Are you ready?"
Tumango ako kay Sydd saka huminga ng malalim. I looked at th whole mansion and looked at my bags.
Am I ready? Ayoko man gawin 'to, kailangan. Ayokong nakikita ni Blake 'yung epekto sa'ken ng kalagayan niya. Gusto kong sundin ang gusto niya. As long as he promised that he will fight, mapapanatag ang loob ko kahit nasa malayo siya.
Humarap ako kina Reid at Yumi. Gusto nila akong ihatid sa runway na pag-aari ng mga Abellano kung saan naroon ang private plane namin. Pero tumanggi ako. Baka mahirapan lang akong umalis. 'Di ko kase napaghandaan 'to.
"Kuya.."
Yumakap sa'ken si Reid. "Take care little devil. Promise me that when you came back, ikaw na ulit ang kilala naming Fancy Jewel Abellano. Always remember that we love you. Alright?"
Tumango ako. Na-touch ako sa sinabi ni Reid. So glad to have a Kuya like him. "Yes, Kuya. Thank you." Nanubig na ang mga mata ko. I hate to admit that I really don't want to go.
Kumalas siya ng yakap sa'ken saka naman ako yumakap kay Yumi. "Bubwit, pakabait ka don ha? Don't forget to call. Andito lang kami ng Kuya mo. 'Pag may kailangan ka tawag ka lang. Take care and we will miss you."
Kahit wala akong Ate, thankful ako na andyan si Yumi kase naging mabuting Ate siya sa'ken. That's why I'm glad that Reid already found his half. Masaya sila sa isa't isa. Gusto ko sa future ganito din ako, 'yung mahahanap ko yung half ko na mamahalin ako sa kung sino ako at ano ako. Like on how Yumi accepted my satan brother's imperfection.
Huminga ako ng malalim habang nakaharap na ngayon kina Reid at Yumi na parehong naging adviser ko mula noon.
Yung mga times na nililigawan ako nina Lyndon at Kit, nung baliw na baliw ako kay Blake at kung anu-anong kalokohan ang nagagawa ko. Yung mga times na yun, andyan si Yumi para ipaintindi sa'ken ang mga maling bagay na nagagawa ko na akala ko tama. At ngayon na malaman ko na may sakit si Blake, ang katotohanang kailangan kong maging malakas para sa kanya, andyan si Reid para ipaintindi saken ang mga bagay bagay. Para ipaalam saken na hindi na ako bata, na kelangang maging mature na ako lalo na sa pagiisip ko.
Alam kong marami akong naging kalokohan. Well, that's me. Pero sa mga panahon na lumilipas at sa mga sitwasyon at problemang dumarating sa buhay ko, naiintindihan ko at natatanggap sa sarili ko na hindi habambuhay ay magiging ganito ako. Na kung dati lahat ng bagay ay dinadaan ko sa kalokohan, ngayon hindi na. Kase may mga bagay na hindi dapat ginagawang biro.
Tama nga sila. Yung mga bagay at pagsubok na dumarating sa buhay natin, yun ang nagtuturo sa'ten para maging malakas. Dahil ngayon, buong lakas kong tinanggap na hindi kami para sa isa't isa--ni Blake.
At ang isa sa natutunan ko? Ang buhay hindi lang umiikot sa puro saya. Dahil kung walang lungkot, wala ring saya.
"Ihahatid ka ng driver natin sa runway. Andon na ang private plane natin na maghahatid sayo sa New York. Ayaw mo na talagang ihatid ka namin?" Tanong ni Reid.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Devil
Teen Fiction│PUBLISHED│ Be ready for her trippings. The little devil, Fancy Jewel Abellano. Copyrighted Pinkyjhewelii, 2014