Fancy 9

445K 8.6K 1.6K
                                    

Third Person POV

Dinala ni Lyndon si Fancy sa cottage. Mukhang masama yata ang tama ng balakang ni Fancy dahil napapangiwi ito kanina habang buhat niya. 

"Okay kalang?"

"Y-yes.." Nauutal nitong sagot. 

Inilabas ni Lyndon ang phone nito saka tumawag ng medic. "Ipapagamot natin yan. Baka mamaya nagkaroon ng fracture."

"Waaa! No! I don't want sa doctor. It's freaking me out! I'm ayos naman eh!" Walang kaalam-alam si Lyndon na takot si Fancy sa ospital. “Look oh, I can make it galaw n—AWWW!” naramdaman ni Fancy ang mas matinding kirot nung igalaw niya ang katawan niya.

“See? Sabi sayo, kailangan nating ipatingin yan. Baka mamaya makasama pa sayo. Mapapatay ako ng Kuya mo.” Bukod sa nag-aalala si Lyndon sa kalagayan ni Fancy ay nag-aalala din siya na magalit si Lance sa kanya dahil sa nangyari sa kapatid nito at baka maging dahilan pa yun ng hindi nito pagpayag sa susunod na maisama niya si Fancy sa mga ganoong lakad. 

Napangiwi si Fancy. Ayaw naman aksi talaga niya sa clinic o hospital. “But Lyndon..” Nanggigilid na ang luha niya. Mas naiiyak pa sya sa katotohanang dadalhin siya sa clinic kesa sa nararamdaman niyang kirot ng balakang niya.

Naaawa naman si Lyndon sa itsura ngayon ni Fancy. Para itong bata na nagmamakaawa. "What will we do then?" 

"A-ah, I will take pahinga na lang sa room or here. I'm fine naman."

Napailing si Lyndon. Hindi na kasi nito alam ang gagawin. "Look, ano bang kinakatakot mo sa ospital o kahit sa clinic lang?" 

"A-ah, t-the syringe! Waaa. It's nakakatakot.."

Napangiti si Lyndon sa hindi malamang dahilan. "Masakit ang balakang mo. Sa tingin mo ba kakailanganin kang turukan? Let's go. I-e-xray lang yan. Akong bahala sayo. Kapag naglabas sila ng syringe, hindi ako papayag."

Nagliwanag ang mukha sa sinabi nito. "Really? You won't let them gamit ng syringe to me?"

Tumango si Lyndon and show his face that he really won't let that happen. "Now, can we go?"

"O-okay. But Lyndon ha? If they make labas ng syringe, I will tusok that to their pwet. Psh." Naka-pout na sabi ni Fancy bago buhatin ni Lyndon na parang newly wed. 

"Hahahahaha. Nakakatawa ka talaga Fancy."

"Ugh, I'm not clown kaya, so don't make tawa!" Suway nito. 

Nagpunta sila sa clinic roon sa resort. Kumpleto naman sa gamit ang clinic roon kaya mapapa-XRAY si Fancy. 

Ilang minuto ang hinintay nila Lyndon at Fancy sa result ng xray. 

"I'm so natatakot. Baka I have bali dito sa balakang ko. What will happen to my sexy body na?"

Crazy Little DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon