Andrei's POV
" hi! mi, dinalhan kita ng flowers, ohh.. ang gaganda fresh lahat yan, mi, 12 years na pala nakakalipas, pero parang kahapon lang. Mi, ga-graduate na din ako next year sabi ko sayo e kaya ko wag ka na mag-alala , ano bang gusto mong course para sakin? gusto mo ba kong maging lawyer? doctor? accountant? nurse? engineer? sana ma andito ka, pero alam ko naman na masaya ka na e. Wag kang mag-alala mi, kayang kaya ko sarili ko," sabi ni Andrei sa harap ng puntod ng kanyang mommy Heidi.
19 years old na si Andrei, pero dahil sa late na sya nakapag-salita at nai-ready para makapag-aral. Kilalang businessman ang kanyang daddy, kaya madalas wala ito, simula ng mawala ang mama nya ay lumaki na si Andrei na alaga ng yaya, at ng tita Madel nya. Gwapo, pero pilyo ang batang ito., marahil siguro ay naghahanap ng kalinga ng magulang.
Lagi syang dumaraan sa mama nya tuwing umaga para kausapin ito bago pumunta sa school. Sa school ay sobrang popular ni Andrei dahil bukod sa gwapo na, varsity pa, maloko nga lang.
" hi.. Andrei.." sabi ni Monica, isa sa mga pinakamagandang babae sa university.
" hi," matipid na sagot ni Andrei, at agad na umalis.
" oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh.... nag-hi sya... nag-hi si Andrei Gonzales sakin.. " o.a na reaksyon ng mga babaeng nagpapansin, at nagtilian ang iba pang babae ng dumaan si Andrei.
Sanay na sanay na si Andrei, kaya parang balewala na sa kanya ang pagkaguluhan, dati sinubukan nyang maging approachable, pero madalas napapa-away sya dahil sa mga nagsiselos na mga boyfriend ng mga lumalapit sa kanya.
" Pareeee! iba ka.. iba ka talaga... andaming lumaglag na panty kanina kakatili ng mga babae sayo." pang-aasar ni Jake sa bestfriend na Andrei.
" siraulo ka tol' , tara na nga at magpraktis na tayo, nangingiting sabi ni Andrei.
" e, tol, monthsary namin ni Mitch,e alam mo na effort effort din ako minsan, yardu ako sa kuya non pag-umiyak na naman yundahil hindi ko nabati." pasumbong na sabi nito.
" hahahahaahahaha.. nagpatali ka kasi agad , yan tulog putol ang kaligayahan mo.. inlababo ka dude.. corny pre!" pang-aalaska nito
" naku, bro . .. I bet pagtinamaan ka, sasabihin mong tama ako, baka mas malala pa ang kaya mong gawin." banta ni Jake.
" haha... oo na, oo na, wish me luck... na wag mala-Mitch sa higpit ang mapunta sakin.O' sya alis na ko kakausapin ko pa si coach." paalam nito.
BINABASA MO ANG
T.A.G. Master
RomanceAko nga pala si Ishi Nicole Dela Cruz, yes , you're right, ako nga ang nag-iisang apo ni Don Isidro Dela Cruz, isa sa pinakamayang nilalang sa earth, joke lang syempre, may sinabi lang sa lipunan. Well, as early as 5 kinailangan ko ng manirahan sa s...