CHAPTER 10

1 0 0
                                    

Natapos yung buong week na lahat nag-enjoy, yes, nakakapagod pero masaya over all. Now, we have to face naman ang community service, since, lahat e, anak ng mayayaman, usto ng school matutunan namin kung paano maging isang mabuting mamamayan because lahat nman aware na sooner or later kami ang mga magiging tagapagmana ng negosyo ng mga pamilya namin, kaya as early as now we have to learn socio-ethical resonsibilty, how can we help poor communities, ng hindi lang basta humihingi ng pera sa mga magulang namin, like feeding program, pero sa pera ng mga parents galing. So me and my team decided na magkaroon ng garage sale. Old cloths, bags, shoes and other personal stuffs na pwedeng i-auction.

" ok class, I'm glad na masaya at excited kayo sa mga project proposal nyo, and as your adviser sobrang natutwa ako sa heart nyo na maka-help sa mga poor communities, ganyan ag dapat ugali meron ang mga successful businessman at woman. " ano yon Mr. Gonzales?", nang makitang nakataas ang kamay ni Andrei.

" Ma'am, I wanna discuss my proposal to the class," seryosong sabi nya.

" Ok, go ahead Mr. Gonzales, last year your project was very successful and nabigyan pa ng recognition ng ating principal, how about this time?" pagpupuri at pag gigive-way nito kay Andrei.

" Ok, classmates listen, I just wanna inform you that this year the Auction for T.A.G. Master is now officially open, 4pm sa quadrangle." nakangiting sabi ni Andrei. Nakakapagtaka, ano kaya yung TAG master na yun? auction ng kotse? auction ng gadgets? auction ng Varsity Jackets? Jersey?. haaayyyy ... bat ko ba iniisip yun. Kitang kita kasi sa mga classmates ko na excited sila, parang sa kanila perfect tong mokong na to, lahat ng naiisip nya maganda, parang lahat gusto nila sa taong to.


" Ok, Mr. Gonzales, it's unique ah, manpower ang kailangan, pag-ispan nyong mabuti yan, ha, kasi everything is on paper, and should be notarized so dapat ready kayo. Open to all the students, well I can say na it brings a lot of excitement and fun. So, be ready. and class God bless you all. " masayang sabi ni Ma'am.

Ang weird, nakaka-curious yung proposal project nila kailangan pa ng naka-notaryo.Antagal nila yaya, andami ko pa namang bitbit.Ng biglang may mga lumapit sakin, at gusto daw nilang magpa-picture, kaya dapat lagi akong maayos e, di pa naman ako marunong mag-make up , pero ayun, di naman ako tumatanggi pag sa ganun.

Biglang nag-bell ng 4p.m. lahat ng students ay pwedeng lumabas at lumabas sila sa quadrangle.

Grabe, andaming tao at nakaka-hilo makipagsiksikan kaya nag-stay na lang ako sa gilid, may malaking screen naman e, kaya makikita mo rin kung anoman ang nangyayari sa stage.

Then,mga ilang minuto lang kumpleto ang SCA Basketball Team, sabi ko sa sarili ko " baka nga eto na yung pakulo ni Andrei, magtitinda sila ng Signed Jersey nila, o kaya may photoobooth may bayad ang picture sa kanila, hmmm,,, ansama talaga." sabi ko sa sarili ko.

" Oyyyy! Ishi! halika nga.." hinatak ako ni Jona papunta sa gitna, di daw kasi sya makasingit e, kaya baka daw pag nakita ako ng mga tao, magbigay daan,at di sya nagkamali.Grabe, though madami ang nagpapicture ay pinadaan nila kami at nakaupo sa may bandang unahan.

" Naku, Jona, naman e, alam mo namang di kami in good terms ni Andrei e, tapos dinala mo pa ko, sana sa gilid ka na lang. TSk, baka mapagbintangan pako dito na nakikigulo e." angal ko.

" ano ka ba, gusto ko lang makita yung pasabog nila this year, sorry na... o yayan na ayan na mag-uumpisa na." excited na sabi nito. Minsan si Jona talaga pagnaeexcite nawawalan ng pakialam sa iba.

Nang makita sila ng mga estudyante kabilaan ang flash ng mga camera, at tilian at di matapos tapos na cheer.

" Hi! guys! I'm Andrei and I wanna fromally open the auction for T.A.G. Master!" masaya nyang sabi. At biglang nagbulong bulungan ang mga tao, masyado kasing nakaka-intriga ang T.A.G. Master.

" ok, ok, guys, calm down, para ma-end na ang pagka-intriga nyo , I wanna share and briefly discuss to you WHAT IS T.A.G. Master all about, here we go, We have here our this year's proposal for Our Socio-Ethical Responsibility, what we have here is our beneficiary, napili naming tulungan ang mga street kids, why? because we wanna share what we have sa mga less fortunate, pero hhindi manggagaling sa bulsa ng mga parents namin, our school wants us na maging responsible kahit na capable tayo to help, mas masarap pa rin i-share ang bagay na pinaghirapan natin, para alam din natin yung value nung mga bagay na binibigay natin.Hindi dahil we're still young e, we're not capable and exempted na tayo to help, requirement lang ay generous hearts, willingness to help,"" sa mga naririnig ko ngayon mula kay Andrei, nagugulat ako na may ganito pala syang puso. Habang nagsasalita sya hindi ko mapigilang hindi mangiti sa ganda ng advocacy nya.

" and here's the catch guys! T.A.G. Master, I and the entire SCA Basketball team is now having an auction, auction for? I have here in my hands the contract, the rules and regulations, the fines,and of course limitations and lahat ng ito ay may legal supervision, yes! you're right, pag may nag-violate ng rules that's time the legal actions should take place. Alm kong excited na kayo, eto na, T. A.G. Master is a deal, whereas, each SCA basketball member is subject for auction, yeah! tama po ang narinig nyo, sa mananalo sa auction 5 days nyong makaksama at lahat ng gusto nyong i-utos ay aming gagawin para sa inyo,. In short, Master-Slave relationship, you are the master and we are your slaves." pagpapaliwanag nito. Grabe, they are now screeeeeeaaaammmmiiiing!!!! e pano ba naman , ikaw ba naman pagsisilbihan ng 5 days ng mga ganito ka-gagwapo, at popular sa school, ewan ko na lang talaga.

Nag-umpisa na ang auction, grabeeee, may mga girls na naiiyak pa kasi di sila ang nanalo sa bidding. Grabe, and parang yung itsura nung mga nanalo, parang feeling nila papakasalan na sila nung slave nila, oy , 5 days lang yan. Aba! teka, 5 days na maglilingkod, at magpapaalipin sayo, sounds! GREAT!!!.

" nangingiti ka dyan? may nagugustuhan ka ba? don't tell me, ay naku, nababasa ko yung mga ngiti mong ganyan Ishi, HINDI, WAG, DISASTER yang naiisip mo" puna sakin ni Jona.Alam na nya agad kapag may naiisip akong kalokohan.

" shhhhh,, ano ka ba chance na to' antagal kong hinintay, and this time I'll make sure na ako naman, sakin naman ang huling halakhak." sabi ko.

" and now... ladies, excited na ba kayo para sa last subject natin???? here's T.A.G. looking for his Master, let us all welcome ang heartrob and certified Campus crush ng SCA, Mr. Thomas Andrei Gonzales," dumagundong ang hiyawan ng mga tao ng lumabas na si Andrei.Grabe, pinaghandaan nya tong araw na to' ang pogi nya sa suot nyang White na longsleeves, tapos naka-shades, ng biglang may sumigaw...

' 15,000.00" sabi nung isang babae. halatang eager sya maging master ni Andrei.

papataas ng papataas ang bid, umabot na ng isang oras, at nasa 55,500.00 na ang bid,

ng biglang sumigaww si Monica " just to close this deal 75,000.00" confident na sya na ang magiging master ni Andrei.

" O, wala na bang hahabol? sobrang taas na ng bid, at maraming salamat sa mga naki-join, sa mga di pinalad, better luck next time, now, We would like to announce that,....." napahinto sya ng bigla akong tumayo..

" 100,000.00," sabi ko.

" ohhhh, wait, si Ms. Dela Cruz, sumali sa bid, just for Andrei, howwww sweet, comment ng mga tao." kitang kita ko kay Monica ang pagka-disappoint. at nag-walk out sya.At andaming kinilig.

" at the count of 3, kung wala ng hahabol, Isasarado natin ang subastahan. 1.......2......3........ and the winner is Ms. Ishi Nicole Dela Cruz," gulat na gulat si Andrei ng ako yung makita nya, hindi nya inexpect na sasali ako. Isa lang ang nasa isip ko ang gumanti.It's about time na ako naman. Kinuha ko ang contract at binasa ko ang mga rules and regulations, maganda kasi, malinaw lahat, basta walang sexual activities, bawal na physically sasaktan ang slave. Lahat ok na. AYOS na AYOS to!

Natapos ang nakakalokang bidding, at marami ang umuwing luhaan. Pero ako sobrnag saya, magsisimula na ang 5day journey na matagal ko ng hinihingi, 5day journey with me na hinding hindi nya makakalimutan for the rest of his life. After this, kwits na kami.

T.A.G. MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon