CHAPTER 4

9 0 0
                                    

CHAPTER 4

Today ang first day of school sa St. Claire Academy, dito ako inenroll ng Lolo ko isa daw to sa mga Exclusive School sa Pilipinas, rich kids lang daw ang nakaka-afford na mag-aral dito. Ibang iba tong school na to, ditto ang mga estudyante ang makapangyarihan. Yung iba madalas ginagawang tambayan at rampahan lang ang school, irarampa kundi bagong bag, hi-tech na gadgets, even vintage cars. I have to admit na kailangan marunong kang makipagsabayan kundi kakainin ka ng mundong to ng buhay. Naeexcite ako, kasi sa L.A. home schooling lang ako dahil nga sa condition ko, first time ko na pumasok regular school as an ordinary student, pero andun pa din yung fear dahil nga first time ko makikihalubilo. Akala naman pagpumasok ako sa school magiging madali na, hindi pa rin pala kasing ordinary ng inaakala ko.

" hmmmmmmm....." sabay lingon ko sa kaliwa, maya maya luminga din ako sa kanan. Pakiramdam ko may mga nakatingin sakin, feeling ko may sumusunod sakin. Kaya diredirecho ako, hanggang sa may nakita akong lilikuan. Napagod ako maglakad at mag-isip at takutin ang sarili ko baka nga guni-guni ko lang.

" eheeemmmm"....

" shhhh...shhhh-shhhhh...."

may narinig akong pamilyar na boses at di ako pwedeng magkamali. Nakita ko yung halaman sa gilid ng gate gumagalaw. Confirmed!

" isa... dalawa... labas!.." papasigaw kong sabi. Pero walang lumabas.Inulit ko uli pero wala pa ring lumabas.

" last na to, pag di kayo lumabas dyan, tatawagan ko si Pops at sasabihin ko na tanggalin na kayo sa trabaho." Panakot ko.

" Ishi, sorry na." dahan-dahang tumayo at lumitaw si Yaya Rita na may sabit sabit pa ng dahon sa ulo.

" LABAS! Alam ko meron pa.." mas lalo ko silang tinakot. Pero sa loob loob ko natatawa ko kasi sa mga pinaggagagawa nila masundan lang ako, biglang lumabas si Melissa matanda sya sakin ng 3ng taon yaya ko din sya simula nung umuwi ako ditto sa Pilipinas, katiwala sa rest house namin ang mga magulang nya. Pati si Tatay Amado kasabwat, sya ang favorite kong driver. Ever since the world began,sya favorite driver ni Popsie e,kaya nung kinailangan ko na ng driver sya ang pinili ni Pops kasi maingat daw at mababantayan ako mabuti para ko na syang second lolo, sobrang cool.

" anong ginagawa nyo dito?" pinipilit kong hindi matawa, at sabihin sa pinaka-seryosong tono ng boses ko.

" eeeehhhh,... nanayy Rita ikaw na po magpaliwanag kay mam." Mabilis na sabi ni Melissa na halatang takot na takot. Binaling ko ang tingin sa dalawang matanda na halatang nagtuturuan kung sino ang magpapaliwanag sakin.

" ok, hindi kaya aamin? Gusto nyong tawagan ko si Pops, at sabihing ayoko na mag-aral dahil sa ginagawa nyo?ok bay un?" tanong ko habang kunwaring dina-dial ang phone number ni Popsie, alam ko namnag nasa meeting yun at sya ang pasimuno sa kaganapang ito.

" hija, kasi inutusan kami ng lolo mo na bantayan ka, kahit saan ka daw pumunta wag ka daw mawawala sa paningin namin." Nakayukong Yaya Rita ,halatang nahihiya sa nangyari.

" tama yun, anak, sabi ni Don Isko, ingatan at bantayan kang maige." Dagdag ni Tatay Amado.

" eeeeeeeeeee, di nyo naman ako kailangan bantayan na parang kinder ang alaga nyo, na bawat kibot andito kayo, Malaki na ko, yaya, Melissa, Tatay, gusto ko ng simple at ordinaryong buhay," nangingilid na yung luha ko, alam ko naman na mahal nila ko at iniingatan nila ko, pero kaya ko naman ang sarili ko at sobrang O.A. naman ng pagbabantay.

" Pasensya nap o mam," sabi ni Melissa.

" Ok, naiintindihan ko naman po kayo na concern kayo sakin and masaya kong malaman yun, pero please naman po iparanas nyo naman po sakin na normal akong tao, n akaya ko din ang mag-isa." Pagpapaliwanag ko.

T.A.G. MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon