CHAPTER 12

3 0 0
                                    

Shin's POV

Second Day na ng pagiging Master ko, I admit kailangan kong planuhin lahat hanggang day 5 para sulit, Kahapon nakita kong nahihirapan si Andrei pero alam ko tinitiis nya lang isa lang naman ang hinihintay ko sa kanyang marinig e, ang sabihin nyang di na nya kaya. Pag nasabi na nya yun, matatahimik na ko, baka mapatawad ko na sya. di naman talaga ko masamang tao, I wanna teach him lang, kung ano ang lesson na dapat nyang matutunan, sa loob ng 12 years ngayon lang ako nabigyan ng chance na makaganti. Siguro mali-late yun ngayon dahil sobra syang napagod sa mga utos ko. Nagulat ako Second day, at nakangiti pa nyang sinalubong sila yaya para kunin ang gamit, ko, binati nya ko, pero gaya kahapon mas pinili kong wag sya pansin, pero nung binaba nya na sa desk yung mga libro ko, nakita ko may band-aid yung middle finger nya, bat ganun imbis na matuwa ako, naawa ako, parang naguilty ako bigla, may Salonpass din ang bandang braso nya, dahil siguro to sa kagagawan ko, pero ilang minuto lang natauhan ako, 

" Ishi, bawal kang maging malambot, sayang yung mga pinaghirapan mo, kaya mo yan." sabi ko sa sarili ko. Ngayon inutusan ko sya,magpaphotocopy ng isang buong libro, bumili at maghanap ng pichi-pichi , ewan ko di naman ako kumakain nun, gusto ko lang makahanap sya, dahil rare yun dito, sa panagtlong araw mas bumigat yung utos ko, may practice kasi sila ng basketball at wala ako sa school today, annual check up ko kaya sabi ko, during practice, mag-boom panes sya sa harap ng mga ka-team nya, tapos i-video. Then , he did,parang wala atang di kayang gawin to si Andrei e, nauubusan na ko ng pagpapahirap, Nung 4th day, pinagluto ko sya, shocks, ansarap ng luto nya ng adobo, pero dinura ko kunwari nakakasuka yung lasa, pinatakbo ko din sya ng limang beses ng pabalik-balik sa hallway, alam kong ayaw na ayaw nya ang sumali sa drama club, kaya inutusan ko syang mag-audition, para sa Lead role, syempre sya yung nakuha, di ko alam libo libong babae ang nagkakandarapa dito, siguro kung di mayaman ang angkan matagal na kong kinatay ng mga to sa sobrang inggit.

Last night He posted... " I know I can." #faith

then, another post tonight on his fb " walang magawang matino, one step closer."

ahhhhhh., siguro naman aware sya na nababasa ko ang mga posts nya. Last day na bukas then decided na ko sa ipapagawa ko, wala pala akong magawang matino ahhh.., since free-day bukas, magpapasa lang ng homeworks at pwede na umuwi, magandang opportunity to.

Mr. Gonzales,

Congratulations! umabot ka ng day 5, this will be the last time na may iuutos ako sayo, and then, malaya ka na sa pagkakaalipin sakin, wag ka ng lumapit sakin, just read my instructions carefully: I want you to go sa quadrangle, get one chair, itali mo yung dulo ng rope sa chair, and then here's the catch, ilagay mo sa leeg mo yung tali, at gusto ko umupo ka dun ng isang BUONG araw, yes! tama , isang buong araw ka don, uupo ka sa paraan kung paano umupo ang aso. Wala kang ibang kakausap, wala kang ibang papansinin. OK. ( gumawa ka na din ng border lines, and sign na bawal kang lapitan.)

... pinauna ko sila yaya sa school, di din ako sigurado kung susunod to, o isosoli na lang sakin yung pera ko, nagtext si yaya na naiabot na nya daw, it's about time na makita ko sya, kung anong magiging response nya.

Pagpasok ko pa lang sa gate, andami ng nagbubulungan, pero kunwari di ko alam at wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila, ng biglang lumapit sakin si Jona, at hinatak ako papatakbo sa quadrangle.


" girl! tingnan mo tingnan mong maige si Andrei, yung gingawa nya sa sarili nya.Di sya maawat." alalang sabi nito.

Oh, my gosh, tanga ba tong si Andrei? ginawa nya yung sinabi ko,pwede namn syang mag-quit, pwede syang mag-reklamo, pwede syang sumugod sakin, magalit, pero ginawa nya, tirik na tirik na yung araw, ppero hindi sya umaalis dun, madami ng teachers and friends ang lumapit pero hindi sya natitinag, di sya nagsasalita, nakahalukipkip lang sya. Alam ko na nakita nya ko n anilapitan ako ng mga kaibigan nya, na pagsabihan ko, pero nagbingi-bingihan ako. nakakaawa, lalo na nung bandang 5;30 p.m. umulan ng sobrang lakas, halos kaladkarin na sya nung mga tao umalis lang, pero di sya umalis, wala syang pakialam. Nagulat ako nung nakatitig na sya sakin, seryoso na yung mukha nya, di ko alam kung umiiyak sya, o dahil lang sa umuulan,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

T.A.G. MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon