CHAPTER 6

5 0 0
                                    


Andrei's POV

"Grabe, ang ganda nya... as in... ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang mukha, kaso sobrang sungit nya, may nagawa ba kong mali kanina? Pansin ko parang ayaw nya ko kausap, pero di sya maalis sa isip ko, haaaayyy...naku, naku, naku, Andrei..di mo lang matanggap na maybabaeng kayang dedmahin ang kagwapuhan mo, ego lang yan, pero hindi e, I feel something na ang hirap i-explain, I admit mas nakakadagdag sa appeal nya yung pagtataray nya.Hindi pwede to, ano ka ba Andrei, imposible ngayon mo lang sya nakita, di mo pa sya kilala para isipin sya ng isipin." Sabi ko sa sarili ko. Almost 5 hours na kong nakatulala, grabe kanina sa school, ang intense, may bago akong classmate, si Ishi, grabe, sobrang ganda nya, para syang buhay na manika, obviously rich kid sya, di naman yung makakapasok sa school kung hindi yun mayaman e, pero here's the catch, first time ever kong madedma ng isang babae, usually sila pa ang nagpapapansin sakin, dib a sya aware na popular ako sa school, Andrei Gonzales, varsity heartrob, baka naman iniisip nya nab obo ako kasi varsity ako, baka na-turn off sya, bakit ko ba sya iniisip? Bakit iniisip ko kung anong impression nya sakin? Haayyy...binati ko din sya sa canteen hoping na this time di nya ko didedmahin pero, wala talaga, walang epekto, kaya ininis ko na lang sya, baka sakaling umubra. Sobrang Interested ako sa kanya, I wanna know more about her,ahhhhh .. tama!

Agad agad akong tumayo, kinuha ang laptop ko, then kung nakapasok sya sa school malamang kilala ang pamilya nya,mai-search nga,

Tinype ko yung pangalan nya, very eager ako na may malaman about her, " I-S-H-I N-I-C-O-L-E D-E-L-A C-R-U-Z, "pinindot ko ang search button. And guess what, napanganga ako, grabe! Kaya naman pala asa kanya lahat ng karapatan na magtaray may sinabi pala talaga sya sa lipunan, grabe kilala ang pamilya nya sa buong Pilipinas. Naku, Andrei, tama nay an, kalian ka pa nag-effort na i-search ang katauhan ng isang babae. I can't help but to search and search and search ng tungkol sa kanya.Nakita ko yung FB account nya, automatic walang second thought in-add ko sya, bahala na ... pero sa i-accept nya. Nakatulugan ko na ang kakaisip sa kanya. Ang weird sa pakiramdam first time akong nagkaganito, sobra kong nacha-challenge sa kanya, there's something na di ko matukoy pero alam ko iba sya sa ibang mga babae, and I'm very interested na malaman yun.

Shin's POV

Dear Diary,

Hindi na naman ako makatulog,... Iniisip ko bat nya ginawa yun, bat sinabi nya yung mga yun sakin, kilala nya ba ko? Saka kanina habang kinakausap nya ko, nararamdaman ko yung matatalim na tingin ng ibang babae sakin, yung iba naman tinging nagsasabi n asana sila na lang nasa position ko,ano bayan sya na naman ang iniisip ko, tataray tarayan mo tapos ngayon di ka mapakali, E, kasi naman alam mo ba, wala atang anggulo na panget yun e, saka sa itsura nyang yon, naku, masama ugali non, saka ayoko ng gulo, amoy bulaklak sya, kanina, ibig sabihin may girlfriend na yun, ayokong bigyan ng kahihiyan ang pangalan ng Lolo ko.Hmmm, tingin mo ban ago-overreact ako? Nag-hi lang naman sya sakin e, siguro gusto nya lang ako tulungan para maging madali ang paga-adjust ko. Pero!... di ko pa din nakakalimutan yung ginawa nya sakin,bahala na nga.

Kakatapos ko lang magsulat sa Diary ko, and kahit naman di yun nagsasalita na-express ko na yung mga bagay na nakakapagpa-burden sakin.Dapat kasi di nya na lang ako kinausap,dapat kasi din a lang sya lumapit sakin, dapat dedmahin ko na lang sya.Oo, ayun yung tama, ayun yung dapat.ok. ERASE.ERASE.ERASE na.

Kinabukasan sa school .,

Pagpasok ko sa room, may 3 pcs. Imported chocolates na nakalagay sa desk ko, tapos may Sunflower,

May note din na.

" Hi!Ishi, Have a great day ahead. Smile. Beautiful,." :)

Paglapit ko sa upuan ko, nakabaling lahat ng tingin sa akin, parang naghihintay kung anong magiging reaksyon ko, nakatingin ako sa katabi kong upuan pero wala pa ang mokong, may part sa isip ko na parang umasa na sa kanya galling, bigla akong natauhan na, hindi ,hindi nya gagawin yun, popular sya sa school, di nya gagwin yun. Pero nakakpagtaka kung kanino galling tong mga to. Pero kung sino man sya, sorry na lang, unang una, hindi ako mahilig sa matamis, ayun ang isang bagay na iniwasan ko, Bago pa ko makapag-sip ng gagawin ko sa mga ito, dumating na ang heartrob well, consistent ang pagiging amoy bulaklak nya baka galling na naman sa girlfriend nya, haaay, napahinto sya, at napatingin sakin, hinintay ko na mag-response sya sa nakita nya, pero sabi nya lang " Nice." Sabay ngiti sya sakin. Pero di ko pinansin,, nung marinig ko na inaasar sya ng mga classmates naming sakin, dahil sa ginawa nya kahapon, tumayo ako at tinapon sa trash can yung chocolates, at Sunflower.Para mahinto na ang asaran. Yeah, nagulat ang lahat even sya sa ginawa ko. Bratinella 101, Ishi Nicole Dela Cruz, motto " I can do whatever I want, wag magpaapekto sa sasabihin ng iba," marami ang nagbulong bulungan na, saying naman daw, sana sila na lang daw ang binigyan. Inaabangan ko na mag-react tong si Andrei, pero tahimik sya, mukhang may malalim na iniisip. Ang awkward naman. Bakit kailangan kong isipin ang iisipin nya, nagbasa na lang ako ng topic sa first subject namin.

Andrei's POV

" Hala, bago pa lang sya, may manliligaw na agad, sabagay maganda kasi talaga sya kaya di nakakapagtaka, pero sino kaya yung nagbigay non?, nagulat ako, para napangiti ako, kaya yumuko ako para di halata nung nakita kong tinapon nya yung chocolates at Sunflower nay un, and na-amaze ako kasi weakness ng mga babae yun e, pero sa kanya parang wala lang, grabe talaga to sa katarayan, pero napahanga nya ko ah, nakaka-challenge talaga.Hindi uubra ditto ang mga diskarteng chickboy, titiklop at titiklop sa katarayan nito. Iniisip nya kayang sakin galling yon? Dahil sa nangyari kahapon? Naku I have to save myself,..

" Guys! Guys!guys! listen" tumayo ako ".. just to make it clear, hindi sakin galing yan, at wala akong balak bigyan ang isang Mataray na Bratinella, ng chocolates at flower, kita mo ni hindi nya sya nag-care alamin kung sino ang nagbigay nyan, di man lang nya naappreciate yung effort nung tao. Poor guy." Sarkastik kong sabi. Naghiyawan ang lahat. Then, Narealize ko baka sumobra ko, baka sobra ko syang napahiya, I just wanna call her attention sa paraang alam kong hinding hindi nya madidedma.Ilang anestisya kaya ang anesthesia na sinaksak dito sa babaeng ito, napaka manhid.

Shin's POV

'Here we go," finally, di nya natiis, " Ok , Shin, compose yourself wag kang magbiburst out, talk to him sa paraang alam mong tama sa paningin ng iba.Inhale . Exhale". Kinausap ko muna yung sarili ko bago ko mag-react. Hindi na ko tumayo, ayokong isipin nila na big deal sakin ang ginawa ni Andrei, pero naniningkit yung mata ko sa inis, san sya nakakuha ng guts para ipahiya ako sa buong klase.

" hey, Mr. Gonzales, actually, I don't need to explain myself to you or to anyone here, but then para sa ikakatahimik mo bilang masyado kang apektado at parang pinili mong tumayong Abogado ng kung sino man ang nagbigay non,

Hindi ko hiningi na bigyan ako ng ganun, why do I need to appreciate? Required ba to? Binigay nya to voluntarily, so I guess I have all the right to do what ever I want, uulitin ko, VOLUNTARILY, meaning hindi sya nageexpect ng something in return. Regarding sa impression mo, well then thank you for easily judging me.Lastly, don't worry not even in my wildest dream ko iisipin na galing sayo to., so no need to defend yourself, di makakabawas sa image mo yon." Kalmado kong sabi.Kahit na pinipigilan kong maiyak, cause I feel so humiliated right now.

" Nangangamoy, WORLD WAR III, guys!" sigaw ni Warren.

" SHUT UP!" saway ni Jona.

" Ok, e di nagsalita ka rin, guys narinig natin ang point of view ni Ms. Sungit, matatahimik na tayo." Umupo na sya, at sobrang nakaka-asar yung ngiti nya.

" ayiiieeeee..the more you hate, the more you love." baluga tong mga classmate ko maka-asar pa e.

Nakakainis first time ko mapahiya sa maraming tao,bng sobra.. napapadalas ahhh, grabe sya, di man lang nya naisip na pwede akong mapahiya, pero may pont naman sya sa pagtatapon ko nung chocolates, na nakaka-offend yun sa nagbigay, pero maski na nakaka-asar yung ginawa nya hinding hindi ko to mapapalampas.Dela Cruz ako, hindi ako basta-basta lang. Gaganti ako.Bwisit ka talaga Andrei Gonzales!

T.A.G. MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon