CHAPTER 2

9 0 0
                                    

Los Angeles, California

" sweetie, wake up... wake up, it's time." nauulinigan ko ang boses ni Pops na bumubulong sa akin, kaya napabalikwas ako.

" hey! pops! why?" maang kong tanong sabay halik sa cheek ng aking lolo.

" sweetie, today is the day! wala ka bang naaalala?, fully healed na yang operation sayo, tatanggalin na lang ang benda sa mukha mo at sa right leg mo, I'm so excited to see you my princess, 5 years nating hinintay to., bumangon ka na dyan ha." masayang masayang balita ni Pops.

Super thankful ako kasi kung anoman ang nawala sakin napunuan lahat yun ng love ng lolo ko, simula day one ng kung ano anong treatment na ginawa sakin di sya sumuko, and now mas excited pa sya sakin na makita ang result. Kinakabahan ako, nasanay na ko sa loob ng 5 years na may takip ang mukha, last time na nakita ko ang sarili as in di ko makilala, hinimatay ako tas paggising ko nasa operating room na ulit ako, di na mabilang ang operasyon at mga theraphy na ginawa sakin. Natatakot ako pero sobrang naeexcite ako finally, di na ko tatawaging monster ni Zach, almost 5 years nasa bahay lang, 10 years na home schooling, finally matatapos na today.
Nagbihis na ko, and after ay pumunta na kami sa Hospital, di biro ang perang nilaan ni Pops sakin, so blessed na mayaman si Pops kundi para na kong buhay na longganisa or worst di na ko tumagal sa earth.

" are you ready to see yourself, Ms. Dela Cruz," sabi ng Surgeon ko. Sa sobrang excited ni Pops sya ang sumagot. Then unti unti nararamdaman ko numinipis ang benda na nakapatong sa mukha ko, and yung last na tela na natitira ay hinayaan nilang si Pops ang magtanggal, first time ko makita si Pops na sobrang emotional at the same time parang natulala nung makita nya ko, anlakas ng kabog ng dibdib ko, parang gusto kong maiyak na ewan, then yung doktor inabutan nya ko ng salamain, dahan dahan ko tiningnan yung mukha ko.

1, hinga... hinga... hinga... 2... everything will be alright Shin, 3.. pumikit sabay hinga ng malalim, at dahan dahan kong binuksan yung mata ko. Halos mabitawan ko yung salamin sa nakita kong reflection, lumingon ako sa kaliwa at kanan ko, walang tao, kaya akong ako to... ako na nga ito. bigla akong humagulgol...

" sweetie... may amsakit ba? ano?? anong nararamdaman mo? c'mon tell me." alalang alalang tanong ni Pops sakin sabay yakap.

" Pops, di ba nakulam ako? iba nakikita ko sa salamin e, ang ganda... ang ganda ganda...." iyak pa rin ako ng iyak.

" hahaha... no sweetie, ikaw yun, worth it lahat ng dasal at paghihintay natin, maganda ka talaga." pagpuri nito habang di amiwasang di ngumiti.

" thank you, Pops , dahil di ka sumuko sakin , thank you sa love, thank you kasi magiging normal na lahat sakin. love you pops.." sobrang higpit ng yakap ng pasasalamat ko kay Pops, parang angel sya galing sa Lord.

Kring... kring... kring... tumunog yung phone ni Pops, emergency call from somewhere.

after namin sa hospital, dumirecho kami ng bahay para daw makapagpahinga ako. Grabe, pagdating ko sa kwarto, lumapit agad ako sa salamin, di nga joke... totoo ngang maganda na ko. Never ko naimagine na magiging ganito ang kakalabasan ng mga operasyon, worth it.

T.A.G. MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon