Andrei's POV
Kanina pa ko napapa-isip kung bakit sumali si Ishi, wala syang pakialam and grabe sya ginagawa nya lahat kung anong maisipan nya, di nya ba naisip na malaking pera pa rin ang 100,000.00 , galit sya sakin kaya napaka-impossible na tutulungan nya ko, baka namn ito yung naisip nya para magantihan ako, ahhhh... Andrei ang sama ng iniisip mo, pero kung gaganti man sya, kakayanin ko dahil alam ko na nasaktan ko sya, saka okey na rin yun pahirapan nya man ako, masaya ko kasi 5 days ko syang kasama, 5 days na may chance na mas maging close kami, na-eexcite na ko para sa pagsisimula ng T.A.G. Master deal, it would be fun lalo na samin, kahit anong mangyayari I will serve my master sa pinaka-the best na magagawa ko.
Kinaumagahan maaga akong pumunta kay mommy, dialhan ko sya ng paborito nyang bulaklak yung sunflower, tapos kwinento ko sa kanya na I met a girl na sobrang nakakapagpa-challenge sakin, alam ko kung nabubuhay si mommy sasabihin nya be nice to her, ang babae dapat tinatrato na queen. Sobrang namimiss ko na si mommy, simula nung nawala sya ang lungkot lungkot na sa bahay, ang dilim ng buong paligid, yung garden hindi na kasing kulay nung sya pa ang nag-aalaga. " Mi, I think I already like her, Ibang iba sya, kapag nakita mo sya, she's sweet pero smart, mataray pero mabait, caring sa mga tao sa paligid, parang may kakaiba talaga sa kanya, and super eager ako malaman yun." Halos simula kaninang pagdating ko sya na yung kwento kay mommy, sana di magselos si mommy.
" Mi, alis na po ako ah, I don't wanna be late, first day of service ko sa master ko e, love you mi." paalam ko kay mommy then dumirecho na ko sa school. Unusual ang pagpasok ko ng maaga, konti pa lang ang tao sa school, si Kuya guard di nya ko nasermunan ngayon, big teethy smile ang sinalubong nya sakin, ansarap din pala pumasok ng maaga di ka nagmamadali , payapa ang isip mo. Nang makita kong wala pa halos tao sa classroom, nag-abang na ko sa gate, kailangan magpa-impress, inantay ko si Ishi dumating magsi-6:30 na sya dumating, sakay sya ng Land Cruiser na black, as usual kasama nya yung yaya at driver nya, to bring her things sa room. Nakita ko sya, di sya bratt, as much as pinapagaan nya yung mga trabaho ng mga taong naglilingkod sa kanya, sabi ko, ayos, mukhang di ako mahihirapan. Lumapit na ko sa kanila.
" Hi, good morning po, ako nga po pala si Andrei classmate po ako ni Ishi, tulungan ko na po kayo,' offer ko sa kanila. Blangkong itsura ang sinagot sakin ni Ishi, aga aga may topak.
" ay, naku hijo, mabigat to, salamat na lang, kami na at, baka may magulo sa gamit nya," paliwanag nung yaya nya.
" ok lang po sabay naman po kaming papasok sa room," pilit ko sabay unti unti ko ng kinukuha ang gamit nya. Ano ba naman tong si Ishi parang walang pakialam sa pag-uusap namin ng yaya nya. Nung tiningnan sya nung yaya nya na prang nag-aantay ng signal kung payag sya. " ok lang, ya," sabi nya sa yaya nya, kaya nagulat man ang yaya nya, iniabot nito ang mga gamit ni Ishi. Medyo andami pala nitong bitbit, pero ok lang para sa kanya naman to e, nauuna sya maglakad sakin,
" Ishiii..." tawag ko pero di sya lumingon.
" Ishiii....Ishii..." this time mas malakas, huminto sya, at lumingon sakin, her face asking me na "ano?"
" ahhhh...hmmm... ano kasi ... tanong ko lang sana, bat sumali ka sa T.A.G. Master?" nauutal-utal kong tanong, tinamaan ata ko ng hiya.
" as in seriously? tinatanong mo ko? natatawa nitong sabi.
" oo," malumanay kong sagot. Gusto ko talagang malaman kung bakit, di halos ako nakatulog kagabi kakaisip.
" simple lang, gusto kong makatulong. Open to all naman di ba? nga pala , nakasaad sa contract Article 3 Section 2. No first name basis, the slave should always courteous to his/her Master. Yes, it's a MUST that from day 1 up to the last minute of the effectivity of the said contract you will call him/her Master, and offer to his/her the best service you can give. (No Angal, No bubulong-bulong). For sure kabisado mo lahat ng rules, since ikaw ang founder nyan." malinaw na paliwanag nya. Hanep sa taray, first day pa lang, ginagamitan na ko. Andrei, it seems na di ganun ka-smooth gaya ng iniisip mo, infairness mukhang binsa nya ang buong contract kabisado ang reference, papasa tong maging abogado e.
BINABASA MO ANG
T.A.G. Master
RomanceAko nga pala si Ishi Nicole Dela Cruz, yes , you're right, ako nga ang nag-iisang apo ni Don Isidro Dela Cruz, isa sa pinakamayang nilalang sa earth, joke lang syempre, may sinabi lang sa lipunan. Well, as early as 5 kinailangan ko ng manirahan sa s...