02

124 8 6
                                    

HARUKO AKAGI

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang blankong kulay ng kisame ng aking kwarto.Naramdaman ko ang bahagyang hilo ng nagbago ako ng posisyon ng pagkakahiga, bat ko ba kasi ininom yun?, bulong ko sa sarili sabay hawak ng ulo ko bago tuluyang napalingon sa bintana at doon ay nakita ko ang tirik na tirik ng araw.

TANGHALI NA PALA!

Tuluyan akong napabalikwas ng bangon at agad na kinuha ang aking school uniform,mga personal na gamit at tuwalya saka lumabas ng kwarto patungo sa banyo.

"Haruko, gising kana pala."-agad na sabi ni Kuya nang madatnan ko din itong kalalabas ng kanyang kwarto.Agad na napansin ko ang suot ni Kuya at agad akong nagtaka, bakit hindi nakauniform si Kuya??? napatitig ako kay kuya na parang hindi napansin ang kanyang sinabi.

"Bakit parang nagmamadali ka?"-dagdag na sabi ni Kuya.

"Ah-eh papasok sa school??"-nag-aalinlangan na sabi ko.

Parang may mali talaga e.

"Huh? papasok ka ngayon?"-sinabi ni Kuya na may bahid ng pagtataka.

"Pagkakaalam ko ay Linggo ngayon, walang pasok."-sinabi ni Kuya habang nakaarko na ang isang kilay.

Huh?

Linggo???

"Hay naku,ang sama mo pala makainom"-tila nawalan ng pag-asa na sabi ni Kuya bago tuluyan nang bumaba.

Linggo pala ngayon?

Ay oo ngaaaaa

Linggo nga pala ngayon kasi Birthday Party ni Miss Haidy kahapon!

Ano ba yan!

Ang lutang ko!

Nagkusa ang mga paa ko na bumalik sa'king kwarto at tuluyang napaupo sa gilid ng aking kama nang mailapag na ang mga bitbit ko saka sinolo ang kahihiyan kani-kanina lamang.

Maya-may ay napalingon ako sa maliit na mesa na kalapit ng higaan ko,nakita ko ang invitation card na nakapatong doon at kinuha, wala pang ilang segundo ay bumalik sa alaala ko ang mga nangyare kagabi.

Nang tinawag ako ni Rukawa at tinanong kung pwedi nya akong makausap alam kong may gusto siyang sabihin, pero ano kaya iyon? kitang kita ko ang pagkasinsero sa mga mata nya nung mga puntong yun kaya hindi ako pweding magkamali ng hinala.Ang ikinagugulo lang naman ng isipan ko ay kung ano nga ba ang sasabihin nya sa'kin nun at bakit gusto nya kong makausap, ang kaso ni hindi ko man lang sya nasagot, dahil kay Sendoh.

Oo nga pala, nandun din si Sendoh kagabi.

Dahil sa ganda ng boses nya hindi ko na napagtuonan ng pansin ang itinanong sa akin ni Rukawa pambihira naman harukooooooo!!!!

"TALAGA!? SINABI NYA YUN SA'YO?"-nagkasabay na sabi nila Fujii at Matsui nang ikwento ko ang mga nangyare kagabi,nasa isang coffee shop kami ngayon dahil naisipan kong yayain sila,total wala namang pasok buti na lamang at free ngayon ang dalawang 'to.

NO OTHER THAN YOU  2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon