05

198 12 15
                                    

HARUKO AKAGI

HALOS marindi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.Hindi ko alam ang sasabihin matapos ang lahat ng sinabi ni Rukawa.

Anong sasabihin ko?

Anong isasagot ko?

Ano bang dapat kong sabihin?

"ANONG NANGYAYARE DITO?"

SABAY kaming napalingon ni Rukawa ng biglang umagaw ng katahimikan ang boses ni Miss Haidy.

"Tell me, what's happening here?"- may pagtatakang tanong nito kay Rukawa ngunit si Rukawa ay walang imik at nakatingin lamang sa akin.

"Haruko, inuulit ko. Gusto kita."-biglang sinabi ni Rukawa na hindi ko talaga inaasahan.

Ni hindi ko napigilan ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko kasabay ng pag-awang ng mga labi ko.

Hindi ko maikakaila na sobrang saya ang nararamdaman ng puso ko sa mga puntong ito, nais kong sabihin na matagal ko na siyang pinili,dahil sya lang naman ang lalaking laman ng puso ko at laging nasa isipan ko.

Pero...

Hindi ko alam kung bakit parang hindi yata sumasang-ayon ang isip ko sa nararamdaman ko.Parang pinipilit ng isipan ko na may mali sa mga nangyayaring ito at yun ang hindi ko malaman.

Pero wala akong pakialam...

Kay tagal kong hinintay ang araw na ito.

Ang hinihiling ko nga lang ay ang mapansin niya ako, kahit isa lang sa mga tagahanga nya.Kaya naman labis kong hindi inaasahan ang mga nangyayari ngayon.Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang gusto ko narin tuloy sumabay sa ingay nito at isigaw ang lahat nararamdaman ko para kay Rukawa.

"Rukawa..."- nasabi ko habang nakatuon lamang ang paningin sa mga mata ni Rukawa na pawang sakin lang rin lamang nakatuon at tanging ako lamang ang nakikita.Kitang kita ko ang pagkasinsero sa mga mata ni Rukawa at masasabi kong hindi biro ang lahat ng mga sinasabi nya, kaya naman nakapagdesisyon na ako.

Sa mga puntong ito ay wala na' kong pakialam...

"Rukawa..."-muling pagbanggit ko sa pangalan ni Rukawa na sinundan ko ng bahagyang pagngiti.

"Rukawa...gus-..." -hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang mahagip ng aking paningin si Sendoh habang hawak hawak ang isang bouquet ng white roses at nakatuon na sa amin ang paningin.

Sendoh...

"Anong nangyayare dito?"- sinabi ni Sendoh habang may bahagyang ngiti ang mga labi ngunit seryoso ang mga mata.

Panu nya nagagawa yun?.

Hindi ko tuloy mabasa kung nagagalit ba sya o ano.Nagsimula kong marinig ang mga bulong-bulongan habang si Sendoh ay lumalakad papalapit sa amin ni Rukawa.

Hindi ko alam...

Sa hindi ko malamang dahilan ay parang nakaramdam ako bigla ng sakit habang nakatingin ako kay Sendoh na bagamat nakangiti ay hindi ko naman makita ang saya sa kanyang mga mata habang ito ay nakatuon sa akin ngayon.

Eto na ba yung mali na isinisigaw ng isipan ko?

Eto na ba yung mali sa lahat ng mga nangyayare?

Sendoh...

"Late na ba 'ko sa eksena?"- sinabi ni Sendoh na ibinaling na kay Rukawa ang paningin.

"Bakit?...kasali ka ba?"- sarkastikong sinabi ni Rukawa na lalong nagpaingay sa mga bulong-bulongan ng lahat ng mga estudyante na naririto ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NO OTHER THAN YOU  2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon